Chapter 47

37.7K 1K 29
                                    

Chapter 47

Nemesis

"Louie."

"Hmm?"

"Aalis na tayo! Ano ba!"

"Kayo nalang. Ayokong sumama."

"Tatayo ka o papapasukin ko si Iverson?"

"Hmm."

  Sumuot pa ako sa ilalim ng unan at nagtalukbong muli ng kumot na binaklas ni Shane kanina. Sa totoo lang talaga ay ayaw kong sumama sa ligo ligo na iyan. Tinatamad ako.

Ni hindi nga ako ang nagligpit ng mga damit na gagamitin doon dahil ayaw ko talagang sumama. Mas sasama pa siguro ako kung aakyat kami ng bundok. Mas adventurous yun.

"Nemesis, are you getting up or not?"

   Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ang boses ni Iverson. Hindi ko siya nakita kagabi dahil biglang nawala. Ayos lang naman dahil nag inuman kami nina Ivronsen, Zyrel at iba pang mga kasama namin na kalahok. Medyo nalasing pa ako kaya mabigat ang pakiramdam ko.

  Inis na naligo ako at nagbihis, wala sa mood na sinuot ang damit na hinanda ni Shane sa akin. Shorts at isang kulay itim na crop top ang pinasuot ng bruha na pinarisan nya ng puti na converse. Pupungas pungas na lumabas ako ng kwarto na hindi man lang iniisip na nandoon na pala lahat ng sasama.

"Ay, ang sexy ni Louie. Dapat mag bikini ka mamaya, ha," sabi pa ni Alieth nang lapitan niya ako. Nagulat ako nang ayusin nya ang buhok at suot ko.

"Dapat na marunong kang mag-ayos sa sarili mo dahil biniyaan ka ng ganyang ganda at alindog," pangangaral pa nito sa akin.

  Narinig ko naman ang paghalakhak nina Hans at Genessa kaya sinamaan ko sila ng tingin. Napakamot nalang ako sa batok ko sa konting hiya na naramdaman sa sinabi ni Alieth. Umupo ako sa gilid ni Ivronnezeir na nakaheadphones at nag sosoundtrip.

  Nandito ang buong tropa ni Iverson. Sina Amelynx, Montenegro, Aguirre, Lopez, Fujiwara, Phallashton, Oliveros. Nandito rin sina Marga, Zamora, Trinity Lopez, Alieth, Ivronsen, Ivronnezeir at si Louige. Pumayag naman si dean na  sumama sina Genessa, Hans, Shane, Andrei at Ace kaya wala na akong problema.

  Medyo marami nga kami na pupunta sa resort na iyon.

   Huli akong tumayo kaya nagkapanabay kami ni Iverson. Tinaasan niya ako ng kilay at nilapitan. Inakbayan niya ako at iginiya papalabas.

"Congratulations," bulong nito. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Hindi ka galit na natalo kayo kagabi ni Marga?"

"Why would I? You and Ivronsen deserved it."

" You're saying that genuinely, though?"

" Stop it!" pagpigil niya sa pang-aasar ko.

   Humalakhak ako at inirapan na lang siya. Habang naglalakad kami ay gumagapang ang kamay nya patungo sa bewang ko kaya pinitik ko ang kamay nya pero tinawanan lang ako.

"We'll be staying there for one week and I'm looking forward on getting you pregnant because lolo's been pestering me these days because of it," nakangisi pa nitong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin at siniko.

  Gumagana na naman ang pagkamanyak ng lintek.

"Why? You like kids, right?"

"Manahimik ka nga."

  Nang makarating sa garahe ay nagplano na sila kung saan sasakay. Sina Genessa, Hans at Andrei ay may sariling mga sasakyan na nasungkit nila sa pustahan nila. Habang kasama naman ni Shane si Ace sa isa pang kotse. Nasa iisang sasakyan si Ivronsen at Marga, third wheel si Ivronnezeir.

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now