Chapter 77

32.2K 1K 123
                                    

Chapter 77

   Nagpantig ang tainga ng chismosang si Shane nang marinig ang pag-uusap ng mga ito. Her mouth formed an 'o' as she lulled Ace to sleep. Hindi rin nakaligtas sa mata niya ang paulit-ulit na paghawak ni Louie sa tiyan niya at ang pagngiwi nito.

"Omfg. Ano ito? Hindi kaya..." nanlaki ang mata ni Shane nang may mahinuha. Pero kalaunan ay napailing at napakunot ng konti ang noo.

"Pero bakit siya nagkamens, diba? Hindi tumutugma eh. Ay, bahala na sila."

"Did you know that we didn't meet coincidentally?" panimula ng matanda na agad nagpaantig sa gulat ng babae.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ng babae.

"On the night your father died and you were blamed, Iverson Jade McGregor called me-"

"A-ano? Bakit nadawit na ang pangalan ni Iverson dito?" gulat na ani niya.

"I'll no longer conceal the truth now. Sasabihin ko na sa'yo ang lihim naming dalawa ni McGregor," wika ng matanda at muling napabuntong hininga nang makita ang naguguluhang mukha ng dalaga.

"Wala talaga sana akong alam tungkol sa naganap na paglason sa ama mo. Hindi kasi ako masyadong updated sa mga nagaganap sa mga Montero dahil may iringan na rin kami ng Lolo mo noon. But I still salute your father despite of his flaws, well nobody's perfect. He is one of the bravest and wisest person I met in the underworld.

    When Iverson called me and told me about it, I became curious how a seven-year-old kid, most precisely a girl could kill his own father. Pero sinabihan na ako noon ni Iverson na it wasn't you who did the crime.

   That McGregor was the one who planned and utilized it all, kasama na pala ang lolo niya. Sinabihan niya ako na dapat ako ang mauna na makahuli sa iyo at hindi ang mga Montero. At kung natatandaan mo pa noon, agad na lumipad tayo papuntang Japan nang masagip kita.

   Ang plano niya ay paniwalain kang ako ang nagligtas sa iyo, but in reality, it was him who saved you. Dahil isang malakas na organisasyon ang McGregor, pumayag ako sa mga plano niya.

   You know that our organization doesn't train children, unless you're a child of one of the Masters, gaya ni Shane Mae Sanchez na anak ni Master Asuna, Genessa Cecelia Quirchmair na anak ni Master Genome, Andrei Trios McLane na anak ni Master Lead at Hans Russel McXen na anak ni Master Rhen.
  
    He said, in return for letting you stay in our organization, he will help our org whenever we'll need them. Pumayag naman ako. At first, I really don't care about you pero palagi lang akong nagmamasid sa iyo. The way your eyes study the assassins that practiced around, it looks like you can learn by just watching them.

    And so I started to train you. Hindi ka mahirap turuan. Maganda ang laban niyo sa tuwing nags-sparring kayo ni Spade noong bata pa kayo. And without me realizing, napalapit kana pala sa akin. I am treating you like my own daughter.

    Lahat ng mga ginagawa mo ay inirereport lahat kay Iverson dahil iyon na rin ang gusto niya. I even thought that It's so early for Iverson to be in love. Hindi mo alam pero palagi niyang sinisigurado na ang misyon mo ay magiging magaan lang para sa'yo. Katulong niya sa lahat ng iyon ay tanging ang lolo niya na siya lang rin ang may alam.

    And our condition was that when you reached at the age of 18, palalabasin namin na magiging isang misyon ang pagpunta mo sa mga McGregor. Sa madaling salita, pagtungtong mo ng labing-walo, babawiin kana niya mula sa amin. Sa mga nagdaang taon ay nagsisi talaga ako kung bakit ako pumayag na ibigay ka pa sa kaniya.

    I don't want to give you to him. Gusto kong dito ka nalang sa organisasyon. Gusto ko nga na iarrange marriage kayo ni Spade dati para maging isang ganap ka ng Stavros at magkakaroon na kami ng karapatan para hindi ka isuko sa kanila.

   But then, a Stavros never bends to his words. And I also thought that after McGregor has protected you for so many years, it's time for you to meet him. Ang lalaking naging dahilan para maprotektahan ka sa mga Montero."

     Halos mapanganga si Shane sa narinig at hindi maiwasang sumali sa usapan.

"Master Club, kaya pala may picture siya ni Iverson sa pitaka niya. Childhood love oh. Ayiee," tudyo pa nito at nginisihan si Louie.

"N-napulot ko lang iyon."

"Oh, bakit nauutal ka?"

"Makinig ka na nga lang!" naiinis na balik ni Louie. Napahagikhik naman si Shane at pati na si Master Club.

"So, I am sorry for tricking you, apo. Pasensya kana talaga," guilty na sabi ng matanda.

"Alam mo rin na peke ang kasal?" mahinang tanong ni Louie.

"Ano?! Anong peke ang kasal? Nino?" halos sumigaw na si Shane sa sobrang gulat.

"Peste. Lumabas kana kaya?"

"Sabi ko nga diba, makikinig nalang ako."

"The marriage was not entirely fraud, Louie. May lacking na paper lang kaya hindi maipasa legally sa bansa," pag-amin ng matanda. Napailing na lamang si Louie.

"Kung magagalit ka man sa akin, apo ay okay lang sa akin. Talaga namang may kasalanan ako."

"Hindi. Alam ko naman na sumusunod ka lang sa usapan," sagot ni Louie kahit sa kaloob-looban niya ay may kaunting tampo siya sa puso.

"Noong nakaraang araw ay tinawagan ako ni McGregor at nagsumbong na nag-away daw kayo."

"Talagang close kayo 'no?" nakangiwing ani nya. Napakamot ang matanda sa ulo niya.

"Hindi naman sa ganoon. Ang sabi niya ay gusto niya kayong mag-usap."

"Ano pang pag-uusapan namin?Magsosorry siya? Hindi maibabalik ng sorry niya ang katotohanan na lumapat ang nguso niya sa nguso ng pinsan ko. Bwisit sya! Magkabuhol sana ang mga nguso nila," hindi maiwasang magmaktol ni Louie. She was more enraged when she again remembered how her cousin kissed Iverson.

"Ang ibig mong sabihin ay naghalikan si Nyx at Iverson?" react pa ni Shane.

"Uulitin ko pa ba? Minatamis na dila at dinuguang labi ang ulam niya ng gabing iyon. Tangina niya. Siya sana ang natamaan ng bala."

"Ano?! Hindi ko na maintindihan. Ikuwento mo na kasi lahat!"

    Agad namang inilahad ni Louie kung ano ang nangyari, bunsod na rin ng galit at inis niya. Hindi alam ni Shane kung matatawa ba siya o maaawa sa kaibigan dahil sa kuwento nito.

"Ahh, kaya pala may pahawak-hawak ka pa sa tiyan mo. Akala ko naman-"

"Anong akala mo, Shane?" sabat ni Master Club. Nanlaki ang mata ni Louie.

"Akala niya raw nagka LBM ako. Ganoon iyon, Lo."

"Kalokohan. Balik na nga tayo. So, nilapitan ka ni Iverson nang mabaril ka, diba? Kung hindi nga siya nag-aalala, edi hindi ka niya alalahanin! Nandoon na ang fiancé niya eh. Sige nga, bakit hanggang sa ambulansya hindi ka niya nilubayan? Naku! May nagaganap na foul play eh," wika ni Shane at napailing.

   Hindi na nakisali si Master Club dahil pati sya ay naguguluhan kung ano ang plano ni McGregor.

"Tss. Nagiguilty lang iyon."

"Tsk. Ang manghid mo rin kasi eh. Hala, pag-usapan niyo 'yan nang magkaayos kayo. Umalis ka pa nang hindi nagpapaalam. Wala kang sportsmanship, ah. "

"I think kailangan mo ring bumalik sa Pilipinas, Louie. Settle down those matters or it will haunt you forever. Nararamdaman ko na malapit mo nang matuklasan ang katotohanan sa pagkamatay ng ama mo. Your mission don't just merely focuses with the McGregors but also with the Monteros.

    Maybe soon, things will unfold pero kalakip nito ang panganib kaya mag-ingat ka, apo. Mag-ingat din sa mga taong pinagkakatiwalaan mo dahil hindi mo alam kung sino sa kanila ang babaliktad sayo. The closer the person to you, the more chances he or she will be the one who will betray you.

   I know that you have the capability to finish this mission accordingly and neatly, Louie. You are just like your father - skilled and wise but a better version. And please remember that whatever happens, this organization will always be at your back, for the worst or for the best."

   

That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon