Chapter 58

34.9K 1K 47
                                    

Chapter 58

  Nang makarating kami sa akademya ay agad na nagsitunguhan na sa kaniya-kaniyang dorm dahil sa pagod. Pasado madaling araw na at may pasok pa naman bukas. Nauna na sina Shane sa loob dahil nakatulog na rin si Ace habang nagbabiyahe kami.

"D-dito ka rin matutulog?" nag-aalinlang tanong ko kay Iverson. Mababakas ang pagod sa mukha nito at kagustuhang magpahinga na.

"Hmm. Para mabantayan kita," sagot niya at pumasok na sa kwarto ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

   Sina Shane ay nasa dalawang nalalabing kwarto habang si Ace ay nasa kwarto ko dahil palagi kaming katabi kapag natutulog. Agad na nakita ko ang gitla sa noo ni Iverson nang makita ang bata. Umupo siya sa tabi nito saka hinaplos ang noo.

   Mukhang naalimpungatan naman si Ace at bumangon na pupungas pungas.

"Why are you here, Kuya Iverson?" nakangiti nitong tanong.

    Oh, nakangiti. Naging idol niyan si Iverson matapos nung makita niya ang barilan kanina. Pati nga kay Ivronsen ay lumalapit na rin siya kahit na noon ay sinusungitan niya ito. Kanina pa 'yan daldal nang daldal doon sa kambal at nakakanosebleed ang mga kingina.

"I'm gonna sleep here."

  Nawala ang ngiti sa mukha ni Ace. Napalitan ito ng panliliit ng mata.

"Why would you sleep with my mother?"

"Because I'm her husband," sagot naman ng lalaki na parang nanunuya pa. Sinamaan ko siya ng tingin saka pinaalis sa puwesto niya.

"Mom, is what he said true?" nakanguso nitong tanong. Hindi ako nakasagot at pinahiga lamang siya uli.

"Mom, I thought you only love dad?"

  Patay.

"No. She loves-"

"Manahimik ka, Iverson!" pigil ko pa dito. Humahalakhak siya at umupo sa sofa.

"Mom, you'll only love daddy, right? You won't cheat, right? Even if his skill in shooting is good, dad is still better," namumungay ang mata na sabi nito. Napatawa nalang ako at pinatulog ito. Nang muli itong pumikit at matulog ay saka ko pa lang nilapitan si Iverson na nakatitig sa akin mula sa kinauupuan.

   Nakataas ang kilay nito at nakapangalumbaba. Napalabi ako sa expresyon nito. Nang makarating ako sa harap niya ay hinila niya ako at napaupo ako sa binti niya. Uminit ang pisngi ko. Hindi ako sanay na ganito.

   Ba't kasi kailangan ng ganito?

"Are you still shy of me?" nanunuksong tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot at pilit na umaalis mula sa kandungan nito pero mariin siyang nakahawak sa akin.

"After what happened to us-"

"Shh! Ano ka ba!" pagpapatahimik ko sa kaniya sa plano nitong daragin pa ang usapang iyon. Ayaw ko nang maalala iyon. Nakakahiya!

"Why? You're shy to remember on how you plead-"

"Matutulog na ako! Kung ayaw mo pang matulog, lumabas ka," nainis na talagang sabi ko dito. Humalakhak siya saka dahan-dahang ipinulupot sa akin ang braso niya.

"I'm just joking, okay? We'll sleep now." humahalakhak na saad nito saka kami sabay na naglakad patungo sa kama.

"Ang liit nalang ng espasyo, oh. Doon nalang ako sa sala matutulog," sabi ko sa kaniya at akmang lalabas na nang pigilan niya ako.

"So what if the space is too small? Pabor iyon sa akin."

    Pabor daw. Ang landi talaga ng bwisit!

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now