Chapter 40

37.8K 1K 42
                                    

Chapter 40

Shane

    Dalawang linggo na ang nakalipas. At alam niyo ba kung ano ang nakakabanas? Si Louie at si McGregor!

    Simula noong bumalik si Louie noong isang araw ay hindi na siya kumikibo. Well, sanay na naman talaga kami na hindi siya pala salita pero kasi ngayon, ultimo pagsagot sa tanong namin ay tipid na pabalang pa!

    Hindi na muna kami bumalik sa Japan lalo na noong pumayag na si McGregor na mamalagi muna kami rito. Ang saya nga eh. Si Ace lang ang kinakausap ng matino ni Louie at ang balita galing sa organisasyon namin? Ayun! Nakafreeze lahat ng mga papapasok na mga goods!

    Ang lola niyo todo iwas kay boy! Hindi ko talaga alam kung anong nangyari sa kanila at nakakabanas! Ang tangi ko lang alam ay matapos daw muntikan nang patayin ni McGregor si Louie at ang kambal niya sa detention room ay pumunta ito sa opisina ni Iverson at ayun na! Nagka Cold War ang mga letse. Nakakaloka.

    Nag LQ! Okay lang sana na gaganyan sila kung wala namang maapektuhan diba? Ang kaso ay ako ang binubuwiset ni Louie sa kakagawa ng mga assignments at thesis pa nila! Jusko!Paano nalang yung naka on hold kong mga project na napabayaan ko doon sa Japan? Tapos ayan pa, kami 'yung tinitira ng bibig ni Master Asuna dahil wala na raw talagang pumapasok ni isang kalibre!

     Ang lola niyo naman ay busyng busy sa sarili nyang business. Balik dati na naman na palaging may katawag sa cellphone niya sa pag aasikaso ng mga charities at negosyo niya all over the world. Nagpabili pa ng bagong laptop dahil kailangan daw sa conference meeting nila eh nag offer na si McGregor na gamitin ang laptop niya pero pabebe ang lola niyo at tumanggi with matching cold voice.

"Shane, pakiusapan mo naman si Louie na makipag ayos na kay McGregor. Nababanas na ako sa paulit ulit na bulyaw ni Master Asuna at iba pang nakaataas," wika pa ni Genessa habang naiistress na nakatingin kay Louie na nakaupo at may kavideo call sa cellphone niya na lalaki. Nakalimutan ko na kung sino iyon.

"Bakit? Kayo lang ba? Sabog na sabog na ang email ko sa mga message ni Master Asuna!" galit na wika ni Andrei.

"I turned my phone off. Wala rin naman akong maibibigay na sagot sa kanila," ani Hans.

    Napapalatak naman ako at tamad na binuksan ang pinto nang may kumatok. Bumungad sa akin ang isang babaeng nakauniporme at ang laki ng ngisi nito. Napataas ang kilay ko dito.

"I am looking for Louie. I need to talk to her, ASAP. Absent kasi sya," wika nito at nagtaka ako kung bakit ito balisa pero halos mapunit na ang mukha sa laki ng ngisi. Kaya nagdadalawang isip kong tinawag si Louie. Baka kasi kampon ito ni Marga at ipapabugbog na naman siya.

"Louie, may tumatawag sayo doon sa labas," mahina ang boses na untag ko dito. Tumaas ang kilay niya at malamig akong tinignan. Napalunok ako at napaatras. Hindi lahat pero natatakot kami diyan.

"Zamora? May kailangan ka?" masungit na tanong ni Louie dito. Hindi ito sumagot. Bagkus ay hinila si Louie kaya natatarantang sinundan ko sila. Napakamot ako sa noo ko nang pumasok sila sa isang opisina.

     Napaatras ako nang makitang maraming tao doon. Napanganga ako sa dami nang nakitang gwapo doon. Kingina. Isa, dalawa, tatlo... siyam! Oh my pandesal na masarap!

  Dalawa sa kanila ang mukhang kilala ko. 'Yung Amelynx ba 'yun? Ay, oo. Siya 'yung nagsabi sa akin tungkol doon sa away ni Louie at Iverson. Ay tatlo pala ang kilala ko doon dahil nandoon yung kambal ni Iverson.

   Mas lalo akong napaatras lalo na nung sumiklab na naman ang kidlat sa pagitan ni Iverson at Louie. Tumayo ako sa isang sulok at tinignan silang lahat na para bang sila yung naiistress sa away ng dalawa. I looked at them tear-eyed. I can feel you! Hindi lang kayo.

"Why are you wearing THAT again?" ang malamig na boses ni McGregor ang narinig ko. Nakita ko siyang pinasadahan ang ayos ni Louie ngayon. Nakashorts at malaking T shirt lang kasi siya na may nakaimprintang malaking 'Mrs.Jeon' sa harap at likod. Nasa isang messy bun ang buhok niya pero maganda pa rin naman ang bruha. Letse. Kailan ba 'to papanget?

"Anong inaasahan mo? Mag gogown ako sa loob ng dorm ko?" sarkastikong asik ni Louie. Malalim akong napabuntong hininga at napaface palm.

"I will now accept your resignation letter for being my secretary for five years, Athena Ellaine Zamora," bumaling naman siya sa babaeng Zamora. Naiiyak na napatango ang babae? Tears of joy?

"Maraming salamat talaga, Mr President!Shit. Sa wakas!" wika pa nito na para bang nakawala siya sa kadena. Wow. Ganun kahirap pagsilbihan si Iverson?

"Ano namang ginagawa ko dito?" nawawalan nang pasensya na tanong ni Louie.

"Oh, ofcourse. You'll be replacing Ms.Zamora. I want you to be my secretary."

    Talaga? Hindi iyan papayag!

"Ofcourse, if you'll disagree the freezing of our financial support will continue. Dare not?"

    Napapalunok ako sa bawat salitang lumalabas sa mga bibig nila.

"At tinatakot mo na ako ngayon? Fine!Whatever."

    Maldita talaga! Napailing ang mga kalalakihang naroon. Tumalikod si Louie at padabog na umalis ng opisina. Nakita ko naman ang pagmasahe ni McGregor sa ilong niya at napailing. Nagtama ang mata namin at nakita ko ang pagod at sakit doon. Napailing din ako, pinaparating sa kaniya na wala akong magagawa. Cool off muna talaga.

    Sabay kaming lumabas ng grupo ng kambal ni Iverson. Nagbabangayan ang mga ito at itinuturo si Ivronsen.

"It's not my entire fault, okay? Hindi ko din alam ang totoo sa pagitan ni Nyx at Iverson. Hindi naman 'yun nagsasabi sa akin."

    Nyx? 'Yung ina ba ni Ace? Sabi na nga ba't nagseselos ang baklitang yun!

"Ah. Nagsimula 'yun noong pumunta si Louie sa dorm mo. Ano ba kasing ginawa niyo?" pang uusisa naman nung singkit.

"It's not what you think! Oo, type ko si Louie pero hindi ko naman ugaling mang agaw. Saka medyo ayaw ko doon dahil masyadong amazona."

"Oh, tapos? Nahuli pa kayong lumabas. Akala mo naman may kung ano sa inyo."

"Kakausapin ko lang sana siya, okay? Dahil may sulat na para sa kaniya na nakita ko sa locker ko."

"Tss. Tas sinundan mo?"

"Importante nga kasi! Wait- Why am I explaining by the way? Away nilang dalawa 'yan, labas na ako!" naiinis nitong wika at iniwan ang mga kasamahan. Nanatili naman akong tahimik sa likuran nila at nakikinig lang.

"Teka. Kaibigan ka ni Louie, diba?" bigla ay napansin ako noong lalaking singkit. Kunwari ay hindi ako nakikinig sa kanila. Napaatras ako nang ilapit nya ang mukha niya sa akin. He eyed me curiously.

"Pamilyar ka sa akin eh. Anong pangalan mo?"

"Anong pake mo-"

"Si Shane Mae Sanchez pre. Nakilala ko kahapon," sumabat naman si Amelynx. Nanlaki ang mata ng singkit.

"Oi! Kasama kaba sa Five Rings of Hell na grupo ni Louie- Oh shit! Kayo nga 'yun! Iyong palaging sumasali sa mga riot at car racing? Shit, pre. Idol na idol ko sila sa larangan ng racing!"

    Nanlaki ang mata ko nang makilala niya kami. Hala! Ba't alam niya?

"Ang cool talaga ng babaeng 'yun! Mas gusto ko si Louie talaga kaysa kay Nyx!" ani naman ng isa.

     Dapat lang! Boto na boto ako sa loveteam ni Iverson at Louie. #LouieSon. hehe

    

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now