Chapter 93

22.9K 733 65
                                    

A/N: Let us bow our heads in silence as we send Ace Crussifix Stavro's soul in heaven :( Sorry, Ace😭

Chapter 93

"B-baby Ace..." Louie whispered between her sobs.

     Samson was too shocked when he witnessed the scene unfold in front of him. Hindi niya sinasadyang barilin ang bata at wala sa plano niya ang gawin ang bagay na 'yun.

   Alam niyang apo niya si Ace at wala siyang intensyong saktan ang bata. He felt so sorry about what happened pero wala na't nangyari na.

   Louie's blood shot eyes darted at Samson. Umiling sa kaniya ang lalaki, hindi makapagsalita.

"H-hindi ko s-sinadya, Louie-"

"Umalis ka sa harapan kong hayop ka. Umalis ka!" Louie shouted angrily.

    Ang kulay lilang mata nito ay nagdilim. Her pupils were too creepy to watch. Samson got goosebumps even if he already retracted his gaze from her eyes.

    Mabilis na nawala sa paningin ni Louie ang naturang may sala. Wala siyang ginawa kundi ang umupo lamang doon at yakapin ang walang buhay na si Ace.

   Footsteps that are approaching towards her could be heard pero wala siyang pakialam kung mga kalaban o kasamahan ang mga ito. Ang nasa isip lang niya ay ang pagkawala ng bata. Sa kaniya ay para lang itong isang bangungot. Maaaring nanaginip lang siya at bukas ng umaga, makikita niya muli ang matamis na ngiti nito.

   Pero hindi, eh. Kahit na anong kirot at sakit na ng katawan niya't kalamnan, gising na gising ang diwa niya. Alam niyang gising siya at tunay ang nangyari. Hindi niya maitatanggi ang yaon sapagkat nasa kandungan na niya ang ebidensya.

   Tumulong muli ang kaniyang mga luha habang nakatingin sa kawalan. Wala nang mas isasakit pa sa nararamdaman niyang lungkot at pangungulila ngayon.

   Iverson was first to reach the room. Tila ba'y nag-ugat siya sa pinto habang nakatingin sa dalaga na mukhang wala sa sarili.

   And then his eyes drifted from the body of a child in her arms.

   Napaatras si Iverson pero nabangga siya sa isang katawan na nasa likuran niya.

   It was Spade, the father of Ace.

   He immediately rushed towards the two. Nanlamig bigla ang mga palad ni Spade habang nakatingin sa scenario.

   No, hindi totoo ang naiisip niya, he thought. But it was...real.

   Nagtama ang paningin nila ni Louie. The girl's eyes displayed an uttermost pain and weariness. Walang salitang lumalabas sa mga labi nila pero sapat na iyon para maintindihan niya ang mensahe.

"I-I'm sorry..."

   Dalawang salita lang pero nagpaluhod iyon kay Spade.

"Y-you're joking, right?"

   Napailing si Louie at humagulhol ng iyak. Mariin siyang napahawak sa malamig na kamay ng bata na nasa palad niya.

"I'm so sorry, Spade. S-sorry."

    Tuluyan nang nakapasok ang lahat sa kuwarto. They witnessed the scene and was very shocked. Lumuha ang mga mata nina Shane at Genessa habang napasuntok naman at napamura sina Andrei at Hans.

   At si Nyx, na ang tunay na ina ay halos hindi makalakad. Ni hindi pa niya nakakasama ang anak niya at ganoon na lamang ang madadatnan niya. Dumausdos ang mga likido mula sa mga mata nila.

   The sadness was too contagious. Kahit sina Amelynx na hindi naman masyadong malapit sa bata ay napaiyak.

   On bended knees, Spade cried with his arm, covering his eyes. Nagtaas-baba ang kaniyang balikat.

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now