Chapter 70

29.1K 931 80
                                    

Chapter 70

Third Person

   Walang namutawi na kahit na anong salita sa mga taong nakaupo. Lahat ay nanatiling gulat sa pagdating ni Louie. Klaro sa mga ekspresyon nila na hindi nila inasahan ang pagdating ng babae.

  Ofcourse, pwera nalang kay Tita Mess na siyang nagpatawag kay Louie at si Nyx na walang kaalam-alam sa nangyayari...  or should they thought.

Nang makabawi sa gulat ay napatingin sila lahat kay Tita Mess na kalmadong-kalmado lang. Nahinuha na nila ang pangyayari. Sinadya nitong ipatawag si Louie para marinig ang importanteng usapan nila ngayong gabi. Kinukuha niya ang pagkakataong ito para tuluyan na talagang mawala sa landas niya si Louie. She really hated her to the core.

"Please be seated, Louie," malambing pa ang boses na imbita ng ginang at nginitian ang mga bagong dating.

  Walang ekspresyon na napatingin ang   babae sa ginang bago ito umupo sa tabi ni Ivronnezeir at nagkatapat na naman sila. Umupo sa tabi ni Louie si Ivronsen na lubha ring naguguluhan sa mga nangyayari pero masama ang tingin ang iginagawad niya sa kambal niya, lalo na nang maalala ang nangyari kanina.

  Sunod na dumapo ang tingin nila ay sa kay Louie na mukhang wala lang na nakaupo. Ang maganda nitong mukha ay walang reaksyon. Napaka sopistkada at elegante nitong tignan sa suot niyang simpleng bestida, walang kaarte-arte.

  Nang muling magtama ang tingin nila ni Iverson ay nginitian niya ito pati na ang katabi nitong nakatitig din sa kaniya, kanina pa. Napailing si Ivronnezeir nang mapagmasdan ang lahat.

  Nang maiserve na ang pagkain ay tahimik na nagsimula ang lahat. The atmosphere is so dead but Nyx wasn't affected though. Malaki ang ngiti nitong sinubuan si Iverson na nagdadalawang isip pa na ibuka ang bibig nang tumapat sa kaniya ang malamig at matalim na tingin ni Louie.

   Nyx and Iverson are the real eyesore here. Napakasakit sa mata ni Louie ang panlalandi ni Nyx. Naikuyom niya ang kamao niya na nasa ilalim ng mesa. Naiyuko niya ang kaniyang ulo dahil hindi niya matagalan ang nakikita sa harap.

  Tita Mess seems to saw Louie's reaction kaya napalaki ang ngisi niya.

"Let's see kung hanggang saan ka tatagal," bulong pa nito at ininom ang wine sa baso niya. Alam niya na may nararamdaman na ito sa anak niya and she will cut it off before it roots depeer. Hindi niya kakayaning makapasok sa pamilya nila si Louie. She's gonna eliminate all the possibilities that Louie would be able to enter the McGregor's household.

"Shouldn't you start the forum, Iverson dear? Or I will?"

"Mama..."

"Why do you seem to hesitate, huh? Is there something wrong?" may panunuya sa tanong nito.

"Napag-usapan na natin ito, Mom. No need to tell me twice."

"Won't you tell Louie about it then?"

  Napabuntong hininga si Louie at mas lalo pang kumuyom ang kamao. Napaangat ang tingin niya nang maramdaman niya na hinawakan ni Ivronsen ang kamay niya. She met Ivronsen's cloudy stare.

"Mom, please."

"Why dont you tell her directly that the marriage is fake, huh?"

'The marriage is fake'

  Para na namang may malakas na sumipa sa bandang dibdib ni Louie nang marinig ang sinabi ng ginang. Napasinghap siya at napailing.

"Sabi na," bulong pa niya.

"Messiah! Don't meddle in their affairs!"

"Why, papá? Bakit hindi niyo magawang sabihin sa babaeng iyan na peke ang kasal nila ni Iverson? We all know that marriage is not necessary in just helping their organization! Sino bang tanga ang maniniwala nu'n?" pagpapangalandakan niya pa.

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now