Chapter 5

57K 1.6K 81
                                    

Chapter 5

"Hey, you! Totoo ba ang sinabi nila?" tanong ng isang babaeng lumapit sa akin nang matapos ang unang klase. May papasok pa kasing prof pagkatapos noong una.

    Ang maganda niyang mukha at nakakapang-akit na alindog ay nakakapanabik. Chix kaso parang war freak at fan pa ng gagong iyon. Para siyang isang reyna kung itaas ang ulo niya at tignan ako. Nakakaturn off nga lang.

"No."

   Tumaas naman ng 160 degrees ang isang kilay niya at binigyan ako ng isang matalim na tingin. Lahat ng tao sa classroom ay nasa amin ang atensyon.

"Good. Dahil kapag nalaman ko na nilalandi mo ang asawa ko, patay ka sa akin," banta niya at tumalikod na para bumalik sa pagkakaupo. Napangiwi ako.

  Hello? Baka po magbigti ka kapag nakita mo yung marriage certificate namin?Umiling na lamang ako.

   Hindi nagtagal ay pumasok na rin ang prof namin. As usual, boring talaga ang first day. Kesyo, introduce yourself ganoon. At saka wala namang ibang ginagawa ang mga tao dito kundi mang chismiss sa nangyari kanina. Kahit ba hindi nila nakita 'yun ay big deal na may nadikit sa idol nila.

"Mrs. McGr-" nanlaki ang mata ko nang mapatingin sa akin ang prof namin at tatawagin na sana ako sa apelyido ni McGregor.

"Ms.Montero, prof," kunyaring ngumisi ako para itama siya at tumayo. Sinenyasan ko siya gamit ang paglaki ng mata ko. Tumango naman siya at napailing na lamang.

"You are exempted for today. You will have a tour around the school and your tour guide will be Mr.Isaja---"

"Ahh! Si Isajace!"

"Hell no!"

"Hindi pwede!"

   Nagtilian silang lahat at nakakabingi yun. Luh?

"Silence!" pagpapatahimik nito.

"Your tour guide will be Mr.Isajace Lemur Amelynx."

    At noong sinabi niya iyon ay isang kasing taas ni Iverson na lalaki at may maputing balat ang pumasok. May malanding ngisi ang nakapaskil sa labi niya habang ang mata niya'y pumasada sa lahat ng tao sa classroom hanggang sa huminto ito sa akin.

    Kulay pula ang buhok niya kaya iyon ang una mong mapapansin sa kaniya. Makapal ang kilay niya na husto lang sa madilim at maitim niyang mata. Matangos ang ilong niya at manipis ang kulay rosas niyang labi. Ang perpekto nitong panga ay mas nakadagdag pa sa kagwapuhan nito.

   Pero para nga lang siyang manok na pangsabong sa buhok niya. Nakakaturn off din.

    Kahit papaano ay hindi ko siya maiwasang ikompara kay McGregor. May makapal na kilay din si McGregor na kapag galit ay nagdudugtong na. Kung ang lalaki na iyon ay may itim na kulay ng mata, si McGregor naman ay may kulay berdeng mata. Magkatulad sila na may matangos na ilong.

    At kung siya ay may kulay rosas na manipis na labi, si McGregor naman ay may makurba at mapula na labi na parang sinipsip nang paulit ulit ng kung sino man. Magulo ang hindi kahabaan nitong itim na buhok at mas nakadepina ang panga nito. At ang pinakahuli sa lahat ay ang madilim at seryosong aura na nakapalibot sa kaniya na siyang pumapaibabaw sa lahat.

Edi sila nang gwapo!

"Ms.Montero?" untag sa akin ng prof. Kumurap ako at ngali-ngaling tumayo saka siya nilapitan. Isang ngiti pa muna ang pinakawalan niya bago lumabas kaya inunahan ko na siya.

   Umingos ako. Malandi pala ha? Sa simpleng ngiti, nahuhumaling at nagtitili na. Sino na ngayon? 'Wag ako.

"Hey, babe! Wait for me!"

That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon