Chapter 41

38.2K 1K 30
                                    

Chapter 41

Matapos ang pambablackmail ni Iverson ay mas lalo pang lumamig ang pakikitungo ni Louie sa amin, ofcourse exempted na naman ang anak niya slash pamangkin. Nakakaiyak! Parang gusto ko nalang umuwi sa Japan. Ba't ba kasi ang tindi magselos ni Dragona?

"Kailan pa magkakaayos ang dalawang iyan? Ano ba iyan! Eh kung paguntugin ko silang dalawa kaya?" ani pa ni Andrei sa mahinang boses. Nasa kwarto lang ang lola niyo at ilang araw na namang absent. Ang katwiran? Tinatamad daw siya eh alam ko namang umiiwas lang siya kay McGregor.

Ibang klase. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganyan eh. Nakakapanibago pero nakakamangha. Isang karangalan ang makita ang kinatatakutang assassin sa underworld na magselos.

"Puro yabang eh hindi naman nagagawa," asik ko naman kay Andrei. Sinamaan niya ako ng tingin pero ipinagsawalang bahala ko lang at inis na tumayo nang may kumatok. Ano na naman ngayon?

"I am looking for Nemesis Louie Montero. Is she around?" isang masungit na boses ang bumungad sa akin. Nakataas ang kilay nito habang ang mga mata ay pumasada sa ulo ko hanggang sa paa. Napataas ang kilay rin ang kilay ko nang makilala ang babae. Si Margarette Wilson ang babae.

Nakaponytail ang buhok niya at mukha talaga siyang kontrabida sa suot niyang maiksi na palda at bukas na three buttons sa uniporme niya. At isama mo pa ang three inch heel na blackshoes niya. Hindi ko makakalimutan na isa siya sa mga may pakana kung bakit nabugbog si Louie nung nakaraan.

"Why?" tamad kong tanong dito. Ipinitik niya naman ang buhok niya at inirapan ako.

"Just get her here already! 'Wag nang maraming tanong," napataas ang boses na sabi nito kaya napalapit na rin sina Genessa, Hans at Andrei.

"May problema ba dito?" mahinahon pang tanong ni Hans. Sarkastiko naman siyang ngumisi.

"Ipinapatawag ni Ms.Liana Mendez si Montero dahil kinakailangan ni Ma'am ang test result niya at papa examin siya ngayong araw. 'Yan kasi sobrang tamad kaya panay ang pag absent," at ibinulong niya pa talaga ang huling linya na narinig naman namin. Nakita ko ang pag ikot ng mata ni Genessa at pagkuyom ng kamao.

'Wag mo iyang kakalabanin dahil sa aming apat siya ang may pinakamaliit na pasensya.

Kaya sa huli ay tinawag nalang din namin si Louie. Nagdabog pa ito habang nagbibihis at nakabusangot ang mukha. Ang kulay lila nitong mata ay napakatalim na para bang kapag nagkatama ang paningin niyo ay tapos kana. Sa paglampas niya sa amin ay pakiramdam ko isa siyang ice sa sobrang lamig.

Tanghali nang pumasok si Louie at marami pa siyang tatapusin na test. Pero nagulat ako nung umuwi siya ng alas kuwatro at nagkulong na naman sa kwarto niya. So, siyempre isa akong dakilang chismosa nakibalita ako sa Vice nilang napakadaldal.

"Tangina. Natapos niya raw ang anim na test na may 150 na bilang. Sabihin mo nga, tao pa ba 'yang kaibigan mo? 900 items lahat 'yun tas natapos niya in four hours!"manghang mangha na utas pa nito.

Baka naman kasi hindi binasa? Napahagikhik ako.

Pero hindi na naman 'yun bago sa amin. Abnormal iyon kapag nagagalit eh. Kaya sa lahat ng tao na gagalitin namin, 'wag na si Louie dahil sigurado sabog ulo mo diyan. Si Master Club at Ace lang ang nakakausap nyan kapag sinusumpong ng topak niya.

"Tapos bukas ay gaganapin ang Duel nila. Silang tatlo ang maglalaban laban bukas ni Iverson at Ivronsen. Dapat talaga hindi sa college department ang kalaban ni Nemesis pero ni accelerate yata siya ni Prof Aguinaldo, wala raw estudyante sa highschool ang makakapantay kay Louie.

   Kasalukuyan na nasa pinaka una akong ranking at pumapangalawa ang kapatid niyang si Louige Montero. Balita ko pa rin naman na nangunguna sa campus nila ang nakakabatang kapatid niya na si Aeson Montero. Nasa dugo na talaga siguro nila ang galing sa pakikipaglaban."

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now