Chapter 87

23.5K 730 20
                                    

Chapter 87

"L-louie? Is that you?"

   Napatigil sa paglalakad si Louie nang marinig ang boses ng pinsan. Nagdadalawang isip siyang lingunin ito ngunit ginawa niya rin sa huli.

"Hades," tawag niya rito at hinaklit ito sa isang madilim na bahagi, malapit sa swimming pool kung saan walang tao.

"Louie, you need to go back to Japan. Mas safe ka roon, Louie. Mas mababantayan ka," halos nangungusap na wika ni Hades habang nakatingin sa pinsan niya. Pumalatak ang babae.

"Louie, papa's going to kill you for sure and I won't let that happen. Habang may oras pa para tumakas ay lumayo kana. I can accompany you to the-"

"Hindi pupwede, Hades. Anong gusto mo, malayang maisakatuparan ng ama mo ang kagustuhan niyang mapatay ang lolo natin? That's bullshit!"

"Ngunit pwede mong ipaubaya iyon sa kamay ng mga McGregor, Louie!"

"Hindi ko gagawin iyan, Hades. Kailangang iligpit ang mga taong nagkakalat. Alam mo ang gawain ng ama mo, Hades!"

    Natahimik si Hades.

"Ikinulong niya na sina Nyx, Louige at Hermes .Without them, I'm afraid I can't help you successfully."

"Hindi, okay lang iyon. Ang importante ay nasa panig ka namin. Pupuntahan namin sina Nyx at ang gagawin mo naman ay bantayan sina lolo. Hanapan mo ng paraan upang hindi madamay ang mga walang alam nating kamag-anak."

    Sandaling natahimik si Hades para mag-isip at napangisi siya nang may mapagtanto. Well, this plan will gonna be 101℅ accurate, he thought.

"Don't worry, may plano na ako kung paano mapapaalis sila rito."

"Mabuti iyan. Mag-iingat ka, Hades," malumanay na paalala ni Louie. Ngumiti ang lalaki at niyakap ang pinsan.

"Pasensiya na sa lahat, pinsan. Gawin mo ang nararapat at mag-iingat ka rin."

 
"Si Marga ba iyon?"

    Ang lahat ay napatingin kung saan ang itinuro ni Amelynx. Napakunot ang kanilang noo habang pinagmamasdan ang dalagang tumatawa at kausap si Samson.

"Walang duda. Si Marga nga iyan."

"What's the meaning of this? Traydor na siya ngayon?"

    Napakunot ang noo ni Iverson. By the way that they talk to each other seems like they have a quite close relationship. Ngunit nagtataka si Iverson kung bakit hindi niya alam na may relasyon pala ito sa mga Montero. Walang dumating na update sa kaniya tungkol dito.

    Samantalang sina Spade at Ivronsen ay tahimik lamang habang tinitignan ang mga galit na mukha ng kasamahan. It's good that they didnt tell them about Marga's plan para maging realistic naman ang acting nila.

Napangisi si Ivronsen. 'It's our turn, Iverson.'

    Marga will serve as the mole that will update them what's happening, knowing that Nyx and Louige were captured.

    Ilang sandali pa ay napansin ni Spade na matagal na hindi bumalik si Louie. But before he could voice it out, humahangos na dumating si Louie.

"Ihanda mo ang Alpha, Beta and Charlie platoon, Amelynx. Magsisimula na ang digmaan."

"Aeson!"

    It happened so fast. Hinimatay si Aeson at bumagsak ito sa harap ng Lolo niya. Labis ang pamumutla ng matanda at agad na dinaluhan ang bata.

   Hades' heart drummed so fast and loud. He played his part well and was able to convince the whole family to the hospital.

    Nagdilim ang paningin ni Samson sa nangyayari at naputol ang pag-uusap nila sa heiress ng the Rose. Pagkakataon na sana niya ito upang magkaroon ng dagdag-lakas na alyansa.

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now