Chapter 46

34.8K 1K 88
                                    

Chapter 46

    Hanggang sa matapos ang kanta nila ay hindi matapos tapos ang tilian. Tss. Edi kayo na! Uuwi na kami.

"Wow! Mas lumevel up pa ang MarSon!The glint in their eyes simply shows love. Hmm. Do we smell chismiss in here? What do you say mga mosang?"

   The crowd laughed together with the emcee.

"Well, I agree to that. Pero, paano naman kaya itong susunod nating contestant?Magagawa kaya nilang tapatan ang ultimate loveteam natin? May we call on Mr. Jacen Ivronsen McGregor and Ms. Nemesis Louie Montero!"

    At hindi ko talaga inexpect na marami pa rin ang titili sa amin. Ang lahat ng natapos na na mga contestant ay nakaupo sa gilid at nakangiting nakatingin sa amin, pwera nga lang kay Iverson na para bang nababanas nang makita kaming magkasama ng kambal nya. He tried his best to smile though, to cheer me up. Plastik 'to, oh.

   Habang ako ay kinakabahan naman, si Ivronsen ay pacool lang na naglalakad na para bang sanay na magperform sa harap ng maraming tao.

"LouieSen! LouieSen! LouieSen!"

"Oh my God! Ang ganda ni Louie! Ahh!Ang gwapo pa ni Ivronsen!"

"Ano ba?! Bakit ganyan sila?Nakakabaliw! Ahhh!"

    Natatawa nalang ako habang naririnig ang mga tilian sa harap namin. Umupo kami sa dalawang stool na nakabakante at inayos ang gitara namin. Akala mo ay magguguest lang kami ngayong gabi sa pormahan namin.

   Tipid akong ngumiti sa harap at naawkward na naman ako nang halos hindi na magkanda uga uga ang mga ito sa pagtili at panghahampas. Panay pagtaas ng mga banner at ang sigaw sa loveteam namin ang naririnig ko. Natawa pa ako nung dumantay ang tingin ko kina Shane na nagchicheer din. Moral support daw.

     Sabay namin na kinalabit ang gitara ni Ivronsen. Sa lahat kasi ng mga contestant ay kami lang ang nag acoustic, para maiba. Puro talaga kaartehan! Kaloka ang ideya ng lalaking ito. Unti unti namang tumahimik ang lahat nang magsimula nang bigkasin ni Ivronsen ang liriko.

"I found a love for me

Darling, just dive right in

Follow my lead

I found a girl

Beautiful and sweet

Oh I never knew you were the someone
Waiting for me."

    Nagkatinginan kami ni Ivronsen nung sa chorus na. Hindi ko alam kung iniimagine niya lang ba na ako si Nyx dahil may kakaibang kislap ang mata niya eh. Pati ang marahan at tamis ng boses ay nya ay parang totoo. Parang hindi acting lahat.

"Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

I will not give you up this time

Darling just kiss me slow

Your heart is all I hold

And in your eyes you're holding mine."

    Napangiti ako na napapangiwi habang binibigkas ang salitang 'Darling'. Naalala ko kasi  yung una naming pagkikita eh. Darling. Ulol.

     Para ring pareha kami ng iniisip nang saglit nya akong samaan ng tingin. Ba't ba? Eh sa naalala ko ang kagagohan na ginawa niya sa akin noon. Nakakatawa lang na para namang nakikisabay ang bugso ng damdamin namin at maayos namin na naiideliver ang mood at kahulugan ng kanta.

"Well I found a man."

     Pagbigkas ko noon ay hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa kaduet ko ba o sa lalaking kanina pa ako pinapatay sa titig nya? Ang tingin ko ay lumampas kay Ivronsen at umabot kay Iverson. Napakadilim ng titig nito sa akin kaya natatawa ako.

That Possessive Mafia Bossحيث تعيش القصص. اكتشف الآن