Unknown Chapter

36.5K 1.1K 57
                                    

Unknown Chapter

Shane

     Alam nyo ba na imbes na makicelebrate at makikain ako kasama sina Louie dahil sa pagka panalo nila ay bumagsak ako dito sa mansyon ni Iverson McGregor na nasa loob lang naman ng paaralan.

  Ano pang aasahan mo sa mga rich kid?

"Do you drink wine?" tanong pa nito sa akin habang nagsasalin ng wine sa glass wine.

   Ano pang magagawa ko eh nagsalin na siya?

"I just want to ask you few questions and I hope you can answer it."

    Napapalunok ako habang nakatingin sa mata nitong nagiging dark green imbes na light green.

   Now that I remember it, ginawa niya rin 'to noon nung tumawag siya!

   Jusko, Lord. Kayo na po ang bahala sa akin. Sumandal siya sa kinauupuan niya pero ni hindi matatanggal ang tingin sa akin. Nakatuko ang magkabila niyang siko sa upuan habang nilalaro ang wine sa kamay nya.  

   Ano ba! Paano natatagalan ni Louie ang lalaking ito? Ang intimidating lang talaga niya.

"May alam ka ba sa picture na nasa wallet ni Louie? Sino ang crush nya na binanggit mo?"

    Napainom ako sa tanong nya. Hinila niya ako dito sa bahay nya para tanungin lang dyan? Ang galing! Kung magtatanong lang sana ay doon na kay Louie! Dinadamay pa ako, ah!

"Ah, ano. Basta isang beses ko lang nakita ang picture na 'yun. Bata eh. At sabi ko nga na mukhang ang batang iyon ang crush nya," sagot ko naman. Napaisip ako sa bata na nasa wallet ni Louie.Hindi naman iyon si Ace dahil mukhang berde ang mata eh.

   Teka. B-berde? Eh?

    Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at halos mapalundag nang may mahinuha.

"What?! 'Wag mo sabihing ikaw 'yun?" hindi ko makapaniwalang saad. Isang ngisi naman ang nakita ko sa mukha niya.

      The hell! Paanong nangyari na- pero hindi naman mukhang kilala siya ni Louie eh.

"It was me, yes. Gusto ko lang kumpirmahin kung may kilala ka pa bang iba na may berdeng mata na kinahuhumalingan nya."

   Wow. Ang hangin.

"Kinuha mo ba ako para tanungin lang dito?" hindi nya ako sinagot, bagkus ay ngumiti lang.

"Mahilig siya sa mga lalaking may berdeng mata, tama o hindi?"

    Ano ba 'to? Nasa exam ba ako?

"Tama. Bonus sa'yo dahil berde mata mo."

     Mahilig sya sa mga lalaking may berdeng mata. Totoo 'yun. Tumawa ito at napailing.

"Mahilig sya sa k-pop at mga Koreans. Yes or no?"

"Super. Check ka na naman."

     'Yung totoo, si Iverson ba ang ideal man ni Louie? Ang talandi ng bruha ah.

"Mahilig siya sa... marshmallows?"

"Pampawala ng stress niya iyon kaya kapag gusto niyang kumain ng marshmallow, problemado o malungkot 'yan."

"May gusto ba sya kay Spade?"

"Wala. Err. Hindi ko alam."

"Bakit hindi ka sigurado?"

"Baka rin kasi crush nya si Spade. Si Spade lang kasi ang hinahayaan niyang lumapit sa kaniya bukod sa'yo," sinamaan niya ako ng tingin sa sagot ko.

    Hehe. Aasarin kita ngayon. Pambayad lang noong mga nakaraan na kami 'yung pinepeste ng organisasyon namin.

    Hmm. Akalain nya rin hindi ko nakita yung pagseselos nya kay Ivronsen, ha? Para rin naman kasing true yung acting kuno nila ni Ivronsen. Ang mata ni Ivronsen, may something. Baka totoo nang magkarival ang kambal na ito ha?

"Anong Kpop group gusto nya?"

"BTS. Jungkook forever biased."

"May ex sya?"

"Wala nga kasi! Sinabi ko na noong tumawag ka diba?"

"What kind of missions does she usually accept?"

"Yung extreme, pamatay! Cool daw kasi. May saltik 'yun."

"Selosa ba talaga siya?"

"Sa'yo lang. Wow. Happy kana?" napahalakhak siya. Kingina ha. Dinadamay pa ako sa kakornihan sa buhay nila.

"Ako na nga ang magsasasabi sayo sa mga gusto ni Louie," pagpresinta ko pa nang makitang lumalalim na ang gabi. Hehe. Excited na ako sa beach bukas! Mag iimpake pa ng pak na pak na swimsuits ang dyosa nyo.

"Si Louie ay isang may saltik na babae. Mahilig sa color na blue. Any shades! Ang instrument na kaya niyang patugtugin ay gitara at harp kaya nakatugtog sya kanina. Mahilig kumanta 'yan, magaling sumayaw kaso hidden na hidden ang talent. Magaling sa pagmanage ng mga kompanya."

"Mahilig sa mga wild animals kaya may alaga yang tigre at wolf sa Japan. Mahilig sa mga bata, kaya pumayag na maging nanay nanayan ni Ace. Siya ang pinakamagaling sa fencing, throwing, poisoning at decoding. Matalas ang pakiramdam at hindi madaling talunin. Wala pang nakakatalo sa kaniya, sa pagkakaalam ko sa mga larangang iyon."

"Baliw kay Jungkook at sa BTS kaya kahit na Hapon ay nagsasalita ng Korean minsan. Fangirl, hindi halata dahil alam kong nahihiya syang ipaalam sa amin. Mahilig sya sa mga matataas na lalaki at cute. 'Yan ang una sa mga qualification nya sa lalaking gusto nya."

"Mahilig sa mga car racing at riots, 'yan ang mga hobby na hindi na kailangan mawawala sa kaniya. Cold pero alam kong gusto nya rin ng lalaking iintindi sa topak nya."

"Hindi halata pero gusto niya sa mga lalaking sweet kaya palagi mo yung gawin sa kaniya kundi ay nasa paligid lang si Spade."

"Why do you keep on mentioning that bastard's name?"

    Napakamot ako sa ulo ko. Gusto ko rin kasi si Spade para kay Louie eh. LouiSon, LouieSen at NemeSpade. Hehe. 'Yan ang mga loveteam ko.

    Pero LouieSon talaga. Die hard.

"Pero alam mo kung ano ang pinakagusto nya sa lahat sa isang lalaki?" tanong ko na seryoso kaya napatingin sya sa akin na seryoso rin.

"What?"

" Iyong lalaki na masasabayan sya sa lahat ng topak nya sa buhay. Akala mo mahirap intindihin si Louie? Hindi. Isang simpleng babae lang din sya sa likod ng matapang na maskara na lagi nyang suot. Tumatawa, nalulungkot at umiiyak, 'yun nga lang ay hindi ko pa sya nakitang umiyak."

"Kaya payo ko sa'yo, 'wag mo sanang iwan si Louie. Magmula kasi nang makilala ka nya ay alam ko na nag iba na sya. Hindi na siya kasing lamig na gaya ng dati. At ayoko nang bumalik ang dating sya. Okay na ako sa kaniya ngayon na nakikita kong tumatawa, hindi man madalas ay ayos na."

"McGregor, being an assassin at an early age is never easy. She has almost surpassed all the obstacles an assassin should overcome. Maraming death threats 'yan sa buhay. Abnormal din kasi minsan."

"Kaya huwag ka nang magtaka kung minsan ay complicated ang pag iisip nya. Tanging si Master Club ang kinalakihan niyang magulang. She has a dark past and I hope you're the light that she's finding to brighten up her future."


A/N: What's up with this chapter?😆

   
   

  

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now