Chapter 22

42K 1.2K 53
                                    

Chapter 22

   Nang makalabas ako sa pintuan ay sumalubong sa akin sina Zyrel, Kenshin at Maximillian. Umawang ang mga labi nito habang gulat akong tinignan.

"T-teka. Ikaw ba 'yung niresbakan?" tanong pa ni Zyrel. Tumaas ang kilay ko at nagkibit balikat saka sila nilampasan.

"Zy, siya yung sinabi ni Ivronsen?"

"Eh hindi ko alam! Basta ang sabi lang ni Ivronsen ay paparesbakan daw."

"Eh tangina wala namang ibang tao doon kundi siya lang. Malamang siya iyong pinaresbakan."

"Tangina mga pre. Tumba lahat."

"Ano kamo? Eh pinadalhan niyo ang mga yun ng baseball bat, ah."

"Malay ko!"

   Napailing na lang ako habang naririnig ang mga pagbabangayan nila. Gagong Ivronsen. Sabi niya chase daw dahil interested siya sa akin eh bakit pinaparesbakan ako? Ibang chase pala gusto niya, ah.

   Wala na akong magawa kundi bumaba na lamang kaysa makahanap pa ako ng gulo. Ginamit ko ang fire exit na hagdan at nang nasa huling palapag na ako ng hagdan ay may biglang sumulpot na lalaki. Nag-angat ito ng tingin at nagtama ang mata naming dalawa. Saglit akong napahinto sa paglalakad at pinagmasdan ang lalaki.

   Ang itim nitong buhok ay may highlight na kulay pula na nakapagdagdag sa angas ng itsura niya. Kahit medyo bata pa siya ay matured na ang katawan niya. Hindi na patpatin kagaya ng iba pang mga grade 10 students.

   Nakatayo pa rin ito doon na para bang hinihintay talaga akong tuluyan nang makababa. Napangisi nalang ako nang muli ko siyang tignan. May hawig sila. Magkapatid nga, hindi maitatanggi.

    Siya ay si Javen Ivronnezeir McGregor, ang nakababatang kapatid ng kambal na McGregor. Kahit grade 10 palang ito ay magkasintaas na kami. Grabeh. 5"6 na ako pero grade 12 na rin. Eh ang batang 'to ay grade 10 palang. Paano pa kaya kapag nagcollege na ito? Malamang ka height din ang mga kuya niyang hanggang balikat lang ako. Edi sila nang mataas!

"Are you Nemesis?" bigla nitong tanong. Hindi ako sumagot pero tinignan niya naman ang suot kong ID. Nakalimutan kong may suot nga pala akong ID.

"Hello, kuya? Yes. I've already found her. Yes. We're at the back of the grade 10 building. What? Why are suddenly pushing me away after I found her? Oh, whatever. I'm hanging up."

   Napaawang ang labi ko nang tawagan niya agad ang kuya niya. Sinamaan ko ito ng tingin at nagpapadyak na tuluyang bumaba. Traydor!

    Pagkatapos niyang  mababa ang tawag ay tumabingi ang ulo niya at pinagmasdan ako. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Why are you in the grade 10's building, by the way? My kuya is nababaliw na in searching for you everywhere," maarte nitong wika. Hindi ako makapaniwala sa narinig pero conyo ang lolo niyo.
  
    I stopped mid step and looked at him from above.

"Naliligaw kasi ako. 'Di ko alam na quota pala ang lugar na 'yun ng mga shokoy este ng isa mo pang kuya," sarkastiko knowkong sagot sa kaniya. Nagdugtong ang kilay niya at pinipigilan ko lang matawa dahil magkamukha rin talaga sila ni Iverson. Parang mga pinagbiyak na buko.

"You could have asked, " sabi pa niya at sumunod sa akin. Akala ko ay pupunta si kay Ivronsen. Mukhang nandito lang talaga siya para tignan kung pumunta ba ako rito.

   Lumayo ka sa akin dahil nanggigil ako sa maumbok mong pisngi. Iverson and Ivronsen have perfect jaw lines at naiiba si Javen. Gwapo pa rin naman siya, mas bata.

Ang kahinaan ko talaga ay yung mga cute na bata. Naku. Huwag kang sumunod sa akin dahil hindi na talaga kita papakawalan pa. Nagtungo ako sa isang puno na nakita ko at umupo sa lilim niyon. Isinandal ko ang likod sa katawan nun. Ah, shit. Parang natamaan yata ako ng bat, ah.

"Wait. Ba't namamaga ang kamay mo," pansin niya at umupo naman sa gilid ko kaya itinago ko ang kamay ko sa bulsa. Alangang hindi mamaga eh ang kakapal ng mga mukha ng mga kingina.

   Pinilit niyang kunin ang kamay ko. Nakasentro ang atensyon nya sa kamay ko pero nakatingin lang ako sa mukha nito at biglang pinisil ang pisngi niya sa panggigigil. Nanlaki ang mata niyang tinignan ako habang ako ay nakangisi lang at konting konti nalang ay sasabog na ako sa ka cute-an niya.

"W-what are you doing?" natataranta nitong sabi sa akin pero hindi ko siya pinansin at pinanggigilan pa rin ang pisngi niya. Pilit niyang hinahawi ang kamay ko pero hindi niya magawa. Natigil lamang ako nang may tumikhim sa likod namin.

" Your girlfriend's crazy!" pagmamaktol ni Javen.

    Napaayos ako sa pagkakaupo at sumimangot nang makita si Iverson na masungit na nakatayo sa harap namin. Agad namang tumayo si Ivronnezeir at nilayuan ko. Tsk. Nanggigil lang ako dahil namimiss ko rin ang kacute-an ng anakin kung si Ace.

   Ang akala ko'y pagagalitan niya ako pero bigla siyang umupo sa harap ko at kinuha ang kamay kong namamaga. Napanguso ako nang suriin nya yun.

"What the heck are you thinking? Why did you go to that building?" malamig nitong tanong sa akin. Mas lalo akong napalabi at inis na hinablot ang kamay ko pero hindi niya naman binitawan.

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Sinabi kong susunduin kita sa classroom mo."

"Kasi mag-aaway lang din naman kayo ni Spade sa harap ko. Para kayong mga isip bata!"

"It's your fault in the first place. I already disagreed to the idea of that Stavros staying but you insisted. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung may kahati ako sa atensyong para sa akin lang," sagot niya na nagpaawang sa labi ko. His words never fail to amaze me!

    Tumayo siya at hinila niya ako kaya nadala rin ako. Kinuha niya ang isa ko pang braso at ineksamin yun.

"Wala na kasi 'yan. Saglit lang naman ako doon," sabi ko sa kaniya at pinipilit na binabawi ang braso ko. Sarkastiko siyang ngumisi at sinamaan ako ng tingin.

"Did you think I didn't know that? Na pinaresbakan ka nila? And what if natamaan ka ng dala nilang baseball bat?It was a metal one!" at nagsimula na siyang pagalitan ako. Nakarinig naman ako ng tikhim sa likuran namin. Nakita ko si Ivronnezeir na nakangiwing nakatingin sa amin pero hindi siya pinansin ni Iverson.

"Ano? Baseball bat lang 'yun. Mas higit pa doon ang na experience ko, " sagot ko naman.

"I don't care! As long as you're here in my territory, I dont want you involving in any fights!" wika niya na may halong pagwawakas. Napairap na lamang ako. Asan na yung no English please ko? Nag iingles kana naman!

   Hinawakan niya ang isa kong kamay na walang pasa saka ako hinila. Nilingon niya ang kapatid niya sa likod namin at tinanguan ito.

"Wow. You're welcome bro! You're welcome," puno ng sarkastiko nitong sagot.

"Did you already eat?" tanong niya pa at umiling ako. Pumalatak naman siya at inis akong sinulyapan.

"Nasaan naman si Spade?"

"I don't know."

"Nasaan nga?" panguusisa ko pa pero hindi siya sumagot.

"Teka, saan tayo pupunta? Magsisimula na ang klase namin, woi!" pagpipigil ko sa kaniya dahil mukhang papunta kami sa kung saan.

"Ditch your class."

"Ano? Eh ano nalang ang sasabihin ng mga prof ko? Na hindi ako pumapasok at tamad ako? At saka madadagdagan ang offense ko niyan?"

"Shut your mouth. You're so noisy. We're going to the infirmary and we'll gonna eat. You're excused."

That Possessive Mafia BossTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang