Chapter 76

30.4K 890 5
                                    

Chapter 76

"Hello?" Louie answered in a hoarse voice. Ala una pa lang kasi ng madaling araw at nadisturbo siya sa makailang ulit na tawag ng kung sino.

   Nagpapahinga pa rin kasi siya dahil wala pa siyang sapat na lakas para bumalik ng Japan. Kahit kasi okay na sila ng ina ni Iverson, ngayon na alam na niya ang katotohanan na hindi naman pala totoo ang kasal, wala ng rason para manatili pa siya.

"Louie! We need you here, ASAP!"

   Nagising ang diwa ni Louie nang marinig ang boses sa kabilang linya at ang nararamdaman niyang kaba sa boses nito.

"Shane? Anong nangyari?"

"S-si Master Club, inatake!"

"H-ha?" tila nabingi si Louie sa sinabi nito. Narinig niya ang hagulhol nito kaya agad na napabalikwas siya sa kama sa pagkagulantang.

    Biglang gumalaw si Louige na natutulog sa tabi ni Nyx. Silang dalawa kasi muna ang nagbantay. Louie let out a sigh of relief when her brother didn't woke up.

   Maingat na lumabas sa pinto ang dalaga at doon kinausap muli ang katawagan.

"Anong nangyari?"

"Kasi, Louie sumagod ang hukbo ng mga Montero dito kahapon ng madaling araw at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para matawagan ka. Hindi namin inaasahan na susugurin ng mga Montero ang main hide out natin kaya hindi kami nakapaghanda.

  Sobrang dami nila at malalakas din. They also outnumbered us dahil nasa misyon ang karamihan. Hindi ko kasi napansin na sumali pala si Master Club. Hindi sya gaanong napuruhan pero biglang tumaas ang dugo niya at marami ring napuruhan na mga kasamahan natin. Kahapon lang din ay dumating si Spade."

"Papunta na," walang pagdadalawang isip na sagot ni Louie.

"A-ano? Pero papayag ba si Iv-"

"The mission is aborted by the other party. They will compensate, not us."

"Ano?! Ginagago mo ba ako?"

"Hindi ako nagbibiro. The mission is done. Nagpapahinga pa kasi ako kaya hindi agad ako nakauwi," seryosong sagot ni Louie.

"Ha?! Bakit? Anong nangyari?"

"Basta. Diyan ko na ipapaliwanag. Kukunin ko muna si Ace."

   When the call ended, Louie immediately found the hotel where the rest of them is staying. Narinig niya sa pag-uusap ng mga ito kung anong room number sila mag-iistay kaya agad na natunton niya ang silid ng mga Montenegro.

   Walang kahirap-hirap na nabuksan niya ang pinto at ginising ang bata. And because she's so skilled and used to this kind of things, hindi man lang siya nahuli.

   Agad na pumunta sila sa airport at mabuti nalang ay nakakuha pa ng last flight pauwing Japan.

    Kinabukasan, pupungas-pungas na hinarap ni Iverson si Louige at Nyx na natataranta. Ngayon sana plano nilang sabihan si Louie sa lahat ngunit nagulat nalang ang dalawa, bakante na ang kama nang magising sila. They initially thought that Louie came to Iverson so they rushed to their mansion.

"W-what?! Pero wala dito si Nemesis," kinakabahang sagot ni Iverson.

"Shit naman. Nasaan na 'yun?"

"Oh my God. Baka..." Nyx trailed off. Napatingin sa kaniya ang dalawa at hinintay ang sunod nitong sasabihin.

"Diba, sinabi ni Tita Mess na maari na siyang bumalik ng Japan?"

"Pero maayos na naman sila ni mama, diba? She knew that mom's okay with her now and she doesn't have to do it," sagot naman ni Iverson.

"Oh, eh nasan na siya ngayon? I have no other guess."

"Bakit hindi man lang siya nagpaalam?"

"Magpapaalam pa ba ang taong galit?" tanong ni Louige sa kanila. Natahimik silang tatlo.

    Malalim na ang gabi nang lumapag ang eroplano sa Japan. Wala nang sinayang na oras si Louie at dumeretso na sa private hospital nila.

    Sa entrance palang ay masasabi mo na talagang may maraming pasyente dahil halos hindi na magkamayaw ang mga nurse at doktor sa pagpabalik-balik sa mga silid.

"Master Club's room?" tanong ni Louie sa receptionist sa lengguwaheng Hapon. Nang tignan siya ng nurse ay agad na nakilala siya nito.

"Boss Louie, room 204, 16th floor."

   Like a flash of a lightning, Louie went to the said room. Maraming nakabantay sa kwarto na iyon, bunsod na rin ng biglaang pag-atake. Kaya nakataas ang alert system ng mga taga organisasyon.

    Hindi pa man nakakapasok si Louie sa pinto ay sinisisi na niya ang sarili sa maaring makita niyang kahinatnan ng Master niya.
 
    Pagkapasok niya ay maraming doktor ang naroon at minomonitor ang kalagayan ng matanda.

"Louie, Ace," Shane greeted them when she saw them.

"Hindi ko na kayo nasundo dahil isa ako sa mga nagbabantay ngayon. Wala rin sina Andrei, Genessa at Hans. Sila ang umaasikaso sa nangyari doon."

    Tumango si Louie at nilapitan na ang matanda. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang makita ang kalagayan nito. Maraming bondage sa katawan nito pero bagama't nasa ganoon ang lagay at matanda na, mababakas mo pa rin ang katikasan ng katawan nito.

"Nemesis Louie... Ace Crucifix..."

   As if he sensed their presence, he called them. Bumuka ang mata nito at agad na pumaskil ang ngiti sa labi nang makita ang babae at ang bata. Sinenyasan ni Shane ang mga doktor at iba pang tao doon kaya nagsilabasan ito.

"Tanda, ang tigas talaga ng ulo mo," pangaral ni Louie sa matanda. Mahinang napahalakhak ang matanda at pinaupo si Louie sa upuan na malapit sa kama niya.

"Grandfather, what happened to you?" Ace asked worriedly as his eyes scanned on his lolo.

"Nothing much, Ace."

"Bakit ka kasi sumali? Tsk. Lolo naman," hindi alam ng babae kung magagalit ba siya o maaawa kay Master Club.

"We lack of people so I joined them," mahinahong sagot nito.

"At inatake ka sa gitna ng laban, ganoon?Lo, diba sinabi nang delikado na ang susunod mong atake. Hindi kana sana sumali. Dapat na unahi-"

"Ay, whatever you say, Nemesis Louie. You'll gonna nag me again about it. I'm okay, as you can see. There's nothing to worry about. Naaumay na ako sa kakarinig niyan mula pa kay Spade at kina Asuna. Why won't you just tell me what happened in the Philippines then?Sigurado akong marami kang baong kuwento."

   Master Club wanted to open the conversation dahil may inaalam siya, may kinukumpirma.

"Nahanap na ang ina ni Alpha Charlie Eco," pagsisimula pa ni Louie na gumamit ng code para hindi maintindihan ni Ace na nasa gilid niya lang.

   When Shane sensed that they are going to talk about something that's not for Ace to hear, pinalapit niya ang bata sa kaniya.

"Alam ko na. Sinabi na sa akin ni Spade. I really didn't thought that she would be Ace's mother. A small world indeed," sagot nito at bumuntong hininga.

"Anong plano niyo kay Ace?"

"Pag-uusapan natin itong apat nina Nyx at Spade bago natin hingin ang desisyon ni Ace."

"Pero bakit kasali ako?" kunot-noong tanong ni Louie. Master Club displayed a sincere smile.

"Alam kong napalapit kana rin kay Ace, Nemesis Louie. Para kana ring ina niya kaya dapat lang na kasama ka sa mga magpaplano. Anyway, why won't you tell me about the McGregors?"

   Bumagsak ang mata ni Louie sa baba at sandaling natahimik, "Nagretreat na ang mission, Lolo."

   Master Club heaved a deep sigh as he heard this, lalo na nang makita ang sakit sa mata nito. When Louie saw that he wasn't surprised, alam na niyang may alam ito sa mga nangyayari.

"Listen and I'll tell you something."

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now