Chapter 69

28.5K 840 51
                                    

Chapter 69

  Sabado ngayon at plano kong puntahan si Iverson sa bahay nila, nagbabakasakaling nandoon na siya. Wala na rin kasi akong balita sa kaniya. Ni hindi pa nagtitext. Tss. Nag-aalala rin ako ng kaunti. Nakakaasar.

"Amelynx!" tawag ko dito nang makita ko siya sa pagbaba ko. Nagtaka ako nang sa halip na tumingin siya sa akin ay lumihis siya ng daan. Alam ko naman na narinig niya ako kaya hinabol ko siya.

  Napakunot ang noo ko sa pagtataka sa kilos niya. Pinapansin kaya ako noon palagi. Nagtangka pa siyang takasan ako, mabuti nalang at napigilan ko.

"B-bakit?"

"May balita ka ba kay-"

"Wala! Tanungin mo nalang si Tita Mess!"

"T-teka-"

"May gagawin pa ako."

Okay?

Nagsalubong ang kilay ko habang tinatanaw ang likod niyang unti-unting nawawala sa paningin ko. Anong nangyari doon?

  Nang dumating naman ako sa mansyon nila na nasa loob lang ng akademya ay si Ivronsen lang ang naabutan ko doon.

"Mom's not here. I don't know where she is now but I heard na magkasama sila ni Iverson ngayon. Why?" wika niya habang tamad na nakasandal sa hamba ng pintuan nila.

  Umiling ako at napabuntong hininga.

"Wala. Sige, aalis na ako."

"Namimiss mo na siya, 'no? Should I relay the message?"

"Subukan mo lang," banta ko at tumalikod na. Bigo akong bumalik sa dorm at nilaro na lamang si Ace doon.

  Ilang araw ko na ring sinusubukang kontakin si Spade pero hindi pa rin siya sumasagot pati na sina Shane kaya nag-alala na ako. Kaya nga hinanap ko si Iverson dahil magpapaalam sana ako kung pwede lang.

  Noong mag gabi na ay tamad kong binuksan ang pinto ng may kumatok. Bumungad sa akin si Ivronsen, Dwayne at Alieth kaya napataas ang kilay ko.

"Tinawagan ako ni mama. May dinner daw ngayon at gusto niyang isama ka. I already brought with me Dwayne and Alieth para sila ang magbantay kay Ace," puno ng paninigurado ang boses nito na para bang hindi talaga ako hahayaang tumanggi.

"Saan ba?"

"Sa isang exclusive na Korean restaurant."

"Kailangan ko pa bang magsuot ng bestida?" nakasimangot kong tanong sa kaniya.

"You mean, dress? Kung gusto mo-"

"No! You should wear a dress, Louie."

   Oh, ofcourse! Kalahi yata siya ni Shane at pareho silang dalawa na pala desisyon!

  Nagulat ako sa pagsabad ni Alieth. Nilapitan niya ako at sinamaan ng tingin.

"You know what, you should wear dresses often. You have the body, the looks and the height. Bagay na bagay sa'yo ang mga pambabaeng mga damit. Hindi iyong mga plain shirts, jaggers and jeans."

"U-uh-"

  Hindi na ako nakaangal pa nang ipasok niya ako sa kwarto ko.

"See? Ang dami mo naman palang damit dito. Akala ko, pinagkaitan ka na talaga ni Iverson."

  Pinuno kaya ni Iverson iyang napakalaking aparador na 'yan.

  Pagkapasok namin sa walk-in-closet ay mabilis na naghanap siya ng damit. Agad akong humindi sa mga masyadong seksi na mga bestida na suot niya kaya sa huli ang napili ay isang dirty white na dress na hanggang tuhod at may mga kulay lila na floral designs sa may palda.

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now