Chapter 7

57.5K 1.6K 145
                                    

Chapter 7

Nemesis

Lutang akong nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa loob ng dance hall. Nag announce ang SSG na walang pasok sa hapon hanggang bukas kaya nakatunganga lang ako ngayon. Babalik daw uli ang klase sa Huwebes pagkatapos ng Acquintance Party. Ngayon ay naghahanda ang mga officers dahil magsisimula ang party ng alas sais ng hapon.

Marami nga ang umangal na mag estudyante dahil masyado rawng maaga at ni hindi pa daw sila nakakahanap ng partners. Ni hindi ko pa nga nababasa ang mga notification sa school site dahil tinatamad pa ako. Saka wala rin naman akong pakialam.

Sumandal ako sa pader at ipinikit ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong ngumisi. Naaalala ko kasi ang mukha ni McGregor kanina. Ang sarap ulit-uliting tignan ang epikong ekspresyon niya sa mukha.

Bagay lang sa mga taong maniac iyon! At kapag talagang inulit niyang ganunin ako ay sasabog ang bungo niya. Humanda lang siya.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pintuan ng dance hall. Maraming yapak ang narinig ko. Hinila kasi ako rito ng huklubahang lalaki matapos ang lunch break. Guminhawa ang pakiramdam ko nang maisip na baka hindi niya ako pansinin kasi may mga kasama siya.

"Jace, sino kasi iyong babaeng hinalikan mo? Tangina ang damot mo."

"Shut up, Zyrel."

"Ay, wala 'to pre. Binakuran na."

"Balita ko pa naman ang ganda raw. Pero kumalat din na hinatid ni Iverson iyon, eh."

"Ay, oo. Narinig ko rin sa mga chismosa kong kaklase. Tsk."

Biglang lumaki ang tenga ko nang marinig ang pinaguusapan ng mga ito. Napatapik ako sa noo ko sa sobrang kahihiyan sa mga katangahan ko. Napasabunot ako sa buhok ko at hinayaan itong nakatabon lang sa mukha.

Nakakahiya. Kapag nalaman ito ni Master Club ay tiyak na itatakwil ako n'un.

"Geez, Im excited to- What the fuck!" may biglang sumigaw. Ang tinis ng boses nito. Nakita kong nakaturo ito sa akin.

"H-hey! What the fuck is that thing sitting on the chair, Iverson?!" muli nitong sigaw na tinutukoy ako. Kalalaking tao eh takot sa mga multo.

"I-iverson, how could you keep a real life Sadako in our practice room?"

Ganda naman ng Sadako mo, ah.

"Tss."

Narinig ko ang yapak na papalapit at alam kong si McGregor iyon. Ang lakas ng radar ko kapag nasa paligid siya eh.

"Stop scaring them," bulong pa nito at inayos ang buhok ko. Napataas ang kilay ko at itinulak ang kamay niya. Bumuntong hininga siya at siya na mismo ang nagsuklay sa buhok ko gamit ang kamay niya.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at tinignan ang kasamahan niya. Napangisi ako nang makita si Amelynx. Isang sarkastiko na ngisi. Ikaw ang may kasalanan nito. Kasalanan mo itong nararamdaman ko ngayong kawalang hustisya!

Habang nagtatama ang mata namin ay pinapasa ko sa kaniya ang isang mensahe. Naputol lamang ang titigan namin nang marinig ko ang pekeng pag ubo ni McGregor sa gilid ko. Tinulungan ako nito sa pagtayo at iginiya palapit sa kasamahan niya na may nakakaasiwang tingin.

"This is Nemesis Louie Mc---"

"Nemesis Louie Montero. Nice to meet you," putol ko kay McGregor. Gagamitin na naman ang apelyido niya. Sinamaan niya ako ng tingin pero nginisihan ko lang siya.

"I'm Zyrel Shade Montenegro," unang naglahad ng kamay ang lalaking may kulay berdeng buhok. Ngumiti siya at tumango ako. Ooh, parang si Joker.

"We've not formally introduced ourselves a while ago. Im Isajace Lemur Amelynx, nice to meet you again, Nemesis," pagpapakilala rin ni Amelynx. Tumango ako at pinag aralan ang lima pang kalalakihan na nakatingin sa akin.

That Possessive Mafia BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ