Chapter 49

36.5K 1K 120
                                    

Chapter 49

     Pagkatapos nilang kumain ay nag uunahan na patungong dagat na animo'y mga batang ilang taong hindi nakaligo. Napapailing na lang ako habang nagsisigawan sila at naglalaro. Sina Genessa ay wala namang problema dahil magaling makisama ang mga iyan, feeling close dahil matigas ang mukha.

"You won't take a dip?" narinig kong tanong ni Iverson na nakaupo sa gilid ko.

    Umiling ako at nanatiling nakamasid sa mga naliligo. Napapatawa nalang ako kapag nakikita si Marga na tumitingin sa aming dalawa at ngumuguso. Binubuwisit kasi siya ni Ivronsen na ikinakainis niya.

   Mas lumakas pa ang tawa ko nang mag middle finger siya kay Ivronsen at nababanas niyang tinalikuran ito. Sinundan naman siya ng lalaki.

    Itong babaeng 'to, hindi ko alam kung sino ang gusto niya eh. Hindi ko alam kung talagang nalilito sya dahil magkamukha ang dalawa o may crush talaga siya sa dalawa. Tsk. Kay Iverson, kahit na nagkakalapit sila minsan, pormal naman siya parang may distansya. Minsan nga lang ay iniinis din ako. Alam niyo iyon, parang may minemaintain siyang connection kay Iverson for a certain reason.

   Pero kay Ivronsen... Hmm...

"Ilang taon nang magkakilala kayo ni Wilson?" tanong ko kay Iverson. Napatingin siya sa akin at nanliliit ang mata.

"Why?" may pagdududa sa boses nito.

"Nagtatanong lang! Ano ba!"

He laughed. " Akala ko kasi mang aaway ka na naman. But yes, when I was 8."

     Hmm. Childhood friends nga sila gaya ng sabi ni Montenegro. May malaking tsansa na magkagusto siya kay Iverson.

"Why did you ask?"

"Wala lang."

     Tumayo ako at pinagpagan ang suot. Tumayo rin siya at sinundan ako sa paglalakad. Napataas naman ang kilay ko.

"Hoi, 'wag masyadong sweet!"

"LouieSon! LouieSon!"

"Kailangan pagbalik may baby na!"

   Lumipad sa ere ang panggitnang daliri ko at napatawa sila sa ginawa ko. Pinitik naman ni Iverson ang kamay ko saka ako inakbayan at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Iverson."

"Hmm?"

"Alam mo ang banta ng mga Montero, diba?" seryoso kong tanong dito. Naramdaman ko ang pagseseryoso niya.

"Yes."

"Limang banta na ang natanggap ko sa kanila at hindi ko pa alam kung sinu-sino ang mga inilalatag niyang mga tao para maging ganoon siya kakumpiyansa," dagdag ko.

    Masyado siyang kumpiyansa dahil may isa nang tauhan niya ang nakagawa ng paraan para makalapit sa akin. Alam ko rin na mayroon... mayroong traydor sa grupo namin at hindi imposible ang taong pinaghihinalaan ko noon pa man.

"May pinaghihinalaan kana, diba? Sa tingin ko ay kailangan muna nating manahimik para matanggal natin ang traydor sa lalong madaling panahon at habang hindi pa sila gumagawa ng hakbang."

    Napatango ako. Nakakapanghinayang lang na hindi ko inaasahan na siya ang magiging traydor.

"Huwag na muna nating isipin iyan. May tanong pa ako sa'yo."

Napataas ang kilay ko sa kaniya, "Ano na naman?"

"Ikaw talaga ang naglagay noong caption na 'My crush since then' sa likod ng picture ko, 'no?" tanong nito na klarong klaro ang panunukso sa mukha.

That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now