Chapter 99

30.3K 727 110
                                    

A/N: Above is a picture of Cooper Lunde, siya ang naiimagine ko kay Ace Crussifix Stavros:)

Chapter 99

    Nagulo ang lahat sa rebelasyong naganap.

   Pati ang papasulong na sina Iverson ay napaamang at napipilan nang marinig ang mga salita nina Louige at Nyx. Louige's reason hit him like a lightning.

    Ang ina niya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng affair ang ama ni Louie at nagalit si Louige.

"A-ang gulo na ng mga nangyayari. Hindi ko maintindihan," bulong ni Marga na nakamasid sa pangyayaring nagaganap.

    Nakita nilang napatayo ang dalawang lider kaya nakuha muli ng mga ito ang atensyon nila. Naglalakad ito patungo kay Louie na mukhang nawalan ng malay.

   Walang pagdadalawang isip na sumampa sa stage si Iverson at dumalo kay Louie.

   Medyo nahuli sina Iverson. Nahirapan kasi sila sa pagpasok sa The Three Fire's Dungeon. Hindi nila inakalang ganoon kahigpit ang seguridad nito. Halos tatlong oras silang nagplano ng mga estratehiya bago nakapasok sa loob.

   Hindi na rin napigilan pa si Cassandra na pumunta sa stage. Katulad ni Iverson ay dinaluhan din nito ang anak na nawalan ng malay. Sumunod na rin ang iba pa.

   Nang mapansing nagkakagulo na ay agad na kinontrol ng Tatlong Apoy ang mga tao. Pinayagan nilang kunin nila si Louie ngunit hindi sina Nyx at Louige.

"Aporo Zion Montero, kono mondai ni tsuite ohanashi shimasu. Watashitachi ni shitagatte kudasai," malamig na wika ng isa sa mga Tatlong Apoy.

Translation: Apollo Zion Montero, we'll talk about this issue. Follow us immediately.

"Watashi wa tsudzukudarou," sagot naman ng matanda.

Translation: I'll follow.

   Nyx and Louige was dragged out of the commotion at ikinadena ang mga kamay nito. Naglakad sila kasunod ang Tatlong Apoy at ang lolo nila. Nagpaalam na si Apollo sa asawa na susunod na lang siya.

   Habang nasa biyahe ay panay ang mura ni Iverson. Hindi niya alam kung bakit ba dinadanas ni Louie ang lahat ng ito. And he was so frustrated upon knowing that he can't share her burden.

  Kung sana ay nais-share it lang ang sakit ay ipinasend niya na ito at agad niyang irereceive.

   Sa loob ng ambulansya ay natataranta ang mga nurse-on-duty habang nilalagyan ng oxygen ang ilong ni Louie.

"Vital signs?"

"N-not responding."

"Check her pulse."

" 39 beats per second. Too slow."

"Put more oxygen. And check her vital signs again."

"Still the same."

   Kinakabahan na naman si Iverson habang nakikinig sa palitan ng linya ng dalawang nurse sa gilid niya. Hawak niya ang kamay ni Louie na nanlalamig. Sa katapat niya naman ay naroon si Aeson at si Cassandra, parehong umiiyak.

"Please be faster," pakiusap ng ginang.

"Two more kilometers, madam."

   Nang makarating sa ospital ay ideneretso si Louie sa loob ng ICU. Hindi na nakapasok pa si Iverson at sina Cassandra.

   Napatulala si Iverson sa kawalan habang tumutulo ang kaniyang luha. Nahihirapan na siya sa mga nangyayari, unti-unti na namang nawawalan ng pag-asa. Kung hindi lang sa locket ni Louie na siyang pinanghahawakan niya ay matagal na siyang sumuko.

That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon