Curse Twenty Nine: The Fifth Victim

14.7K 460 34
                                    

Twenty hours earlier...

"Akin na nga iyan!" sigaw ng batang babae na nakasuot ng jumper habang may subo itong lollipop sa bibig. Ang buhok ng bata'y nakapuyod gamit ang isang taling may disenyong ubas.

"Ang damot mo naman!" nabaling ang aking tingin sa isang batang lalaki na nakasuot ng isang yellow polo shirt na sarado ang butones hanggang leeg. May suot na malaking salamin ang batang lalaki habang ang buhok nito'y balot na balot ng pomada.

"Pangit ka naman!" ani ng batang babae.

"Hindi ka naman maganda!" pang-asar na wika naman ng batang lalaki dahilan upang umiyak ang babae. Busangot ang mukha nito at halatang wala itong balak tumigil sa pag-iyak.

"Ang sama mo! Bad ka! Bad ka!" sigaw ng batang babae tapos tuluyan na itong umiyak ng malakas.

"Austin," tawag ng isa pang bata na busy sa pagbuo ng card castle ilang metro ang layo sa dalawang bata. Sinamaan nito ang batang nagngangalang Austin.

Young Austin hissed and pouted his lips. Bakas sa mukha ng bata ang walang kawalang magawa sa paraan ng pagtawag sa kanya ng batang babae. Lumapit ito sa batang naiyak at ito'y sinubukan patahanin.

Ang batang babaeng na busy sa pagbuo ng kastilyo gamit ang mga baraha'y seryosong seryoso sa ginagawa hanggang sa silang tatlo'y nakaramdam ng paglagabog sa labas ng kanilang tinutuluyan.

"What's that?" tanong ng batang babae na umiyak.

"I don't know as well, Claude." Tugon ng batang Austin.

Napakuyom ang pangatlong batang babae dahil nabuwag ang ginagawa nitong kastilyo. Ilang buwan niya kasi iyon ginagawa tapos ay nasira lang ng gano'ng kadali.

"Anastasia! Anak? Where are you?"  napamulagat silang lahat nang bigla may sumigaw na ginang sa ibaba.

"Asia, Mommy Lucilla is calling you." Wika ng batang si Austin sa tinatawag na si Asia.

Napangiti ako ng malungkot. Hindi ko alam na makikita ko muli sila. Makikita ko ang batang bersyon namin. Ang panahong wala pang kahit na anong kaguluhan. O kung may kaguluhan ma'y magaling iyon natago sa amin upang makapamuhay ng tahimik.

"I'm coming, Mamma!" tugon ng batang ako. Hindi ko lubos akalain na makikita ko ang sarili ko sa pinakainosente kong anyo.

My younger version walked out on the room, leaving the two kids behind. Young Austin and Claude followed her.

Sinundan ko rin silang lahat. Sa paglabas ng kwarto'y doon ko napagtanto ang mismong bahay.

Ito ang pinakapaborito kong rest house namin sa may Mountain Province. Nasa gitna kasi ito ng kakahuyan at medyo malayo sa kabihasnan.

Nang kami'y makapunta sa sala ng bahay ay napalaki ang aking mata sa nakita. May kasama ang aking ina. Nakaupo ito sa may sala habang nasa kandungan nito ang isang batang lalaki na walang malay at tila gutom na gutom dahil sa pamumutla. Sugatan ito ngunit halatang nakuha niya ito sa mismong kagubatan. Katabi ng aking ina ang isa pang lalaki na halos kahawig ng batang walang malay.

Kambal?

"I need your help, Baby. Get some meds in our kit." Utos nito sa batang Asia. Doon ko napagtanto ito ang panahon kung saan may paningin pa ako. Ngunit napakuyom ako ng bahagya ng maalalang ito ang mga panahon na malapit na iyong mawala.

Sumunod sa batang Asia sina Claude at Austin. Noon ko lang naalala na madalas ang dalawang iyon dito sa kanilang rest house kapag walang pasok sa ekswelahan. Dito sila namamalagi upang makipaglaro sa akin noon, ngunit alam kong hindi iyon ang totoo.

Royal Synergy: Curse of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon