Epilogue

14.4K 551 104
                                    

Epilogue has few more twists in preparation for the Part 2. I italicized few words which are important to understand and make it obvious. I'll post a chapter for FAQs and few announcements. So, stay tuned.

• • •

I was walking alone in the street reaching the place where it all started. It's still the same. Maingay pa rin sa gabi. It's been two decades since the last time that I went here. Because the last time was the night I lost everything. I lost my Mom, friends, loved ones. Even I have regained my memories back I never thought that I'd prefer not to go back to this place. Ngayon lang.

Naupo ako sa eksaktong bench na katapat ng maliit na ferris wheel na sobrang kong in-admire noon. The same place where I met a kid. The place where he offered his ube ice cream flavor so I could stop crying.

Naputol ang pagkakatulala ko nang may maramdaman akong bagay na malapit sa'kin. Nang lingunin ko 'yon, a kid with an ice cream on his hand is offering it to me. Napangiti ako nang bahagya nang makita tumutulo na 'yon sa kamay nito. Mukhang kanina pa gusto akong lapitan kaya natunaw na ang ice cream na hawak.

"P-Para sa'yo po." Nahihiya nitong tanong sa'kin habang namumula ang pisngi.

Kinuha ko ang dalang panyo ko sa aking bulsa at bahagyang hinila ang bata. Kinuha ko ang ice cream na hawak nito tapos ay ibinigay ko sa kanya ang panyo. "Salamat, punasan mo ang kamay mo."

Mas lalo kong nakita ang pamumula ng pisngi nito na ngayo'y umabot na sa tainga n'ya. Gusto kong pisilin ang matambok nitong pisngi dahil sa ka-cute-an. Mabilis na kinuha ng batang lalaki ang panyo at nagtatakbo na palayo. Bahagya akong natawa pero kapagkuwa'y tumayo na rin upang makaalis.

I'm eating the ice cream while I'm walking up on the mountain para puntahan ang lugar kung sa'n talaga ako nakatira. Nang matanaw ko ang bahay namin na tila napabayaan na ng panahon ay doon ako nakadama ng, "I'm home at last" na pakiramdam.

I opened the door at nilibot ang lugar kung saan ako lumaki. Kung sa'n ako pinanganak. This will remain a sanctuary for me and I'll do my best to preserve this place. Maalikabok ang looban but it didn't diminish the feels when I'm re-imagining the time where I'm playing here with my Mamma. Kapag nagtatakbuhan kami nina Claude at Austin sa sala.

When I reached my room, I slowly opened the door. The nostalgic feeling became aggressive and I can't seem to explain it anymore pero agad na nagtubig ang aking mata. I've seen a scenario where my Mom was trying to make me sleep but I'm just pretending that I was and playing around with her. Napangisi ako sa alang-ala na 'yon.

Nang tunguhin ko ang kwarto ng aking ina, doon na nagsimulang umagos ang luha ko sa aking mata. Lalong lalo na ang nag-iisang larawan na nakataob sa gilid ng kama. Napaupo ako sa matress nang tuluyang makita ang larawan namin ni Mamma. We're both smiling there while she's hugging me tightly. I traced my hand on her face in the picture at hindi ko naiwasang tuluan 'yon ng luha ko.

I really miss you, Mamma. I love you.

I wiped off the tears on my cheeks and even on the photo. Muli ko 'yong ibinalik sa drawer na nasa gilid ng kama and this time, itinayo ko na 'yon mula sa pagkakataob nito.

Muli ko 'yon tiningnan but this time, I traced my eyes on her neck. Sa kwintas na suot nito. Tapos ay may kinuha ako sa bulsa ng suot kong leather jacket. My Mamma's bracelet. The one she gave me.

Sunod kong pinuntahan ang basement kung saan kinulong noon ang mga bata. Ang mga Enhanced na normal na ngayon.

Kada daan ko sa pasilyo ay nanunumbalik muli ang mga alaala kung paano ko ito noon pinasok nang hindi nahuhuli. Napatawa ako ng mahina upon realizing how good I was in sneaking. Sa kada daan ko sa kwarto ay natitigilan ako. Lalo na ang dalawang kwarto na s'yang pinagkulungan noon ng mga bata.

Royal Synergy: Curse of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon