Curse Forty-Three: The Orion's Plans

9.9K 396 52
                                    

NAKAHARAP sa'kin ang apat na batang myembro ng Investigativo Club. Yanna is unusually not herself, Inah is always looking on the ground while the two other boys are staring impassively and avoiding their gaze from me.

"I know all of you are not okay." Pauna kong komento sa kanila habang kausap ko sila sa loob ng ibinigay sa'king kwarto. "But I really want to know if you guys are coping up?"

Unang nag-angat ng tingin sa'kin si Inah. She looked at me without any emotion.

"Kung ikaw ba na walang muwang sa nangyayari bigla nalang mapapasabak sa... hindi inaasahang ability na mararanasan namin tapos ma-k-kidnap pa ni Supremo para malamang pag-eeksperimentuhan ka, tingin mo? Magiging okay ka pa?"

Napakuyom ako sa naging sagot ni Inah. Gusto kong magalit at ipakita sa kanila ang pagkadisgusto ko sa nangyayari pero hindi 'yon makakatulong. All of them were traumatized. Sabi ni Celestina sa'kin, they're still attending their treatment para tuluyan nang maka-recover pero hindi 'yon matapos tapos dahil sa patuloy silang tinutugis at nagaganap ang gulo sa buong Vexigo.

Celestina also informed me that Supremo put most of the students in the cage on his own basement and I know for sure kung para sa'n 'yon. He's preparing them for transforming those students as his own Apollo Army.

"Did they save you all?" I asked.

Yanna nodded and sadly looking at me. "They did ligtas us from Supremo. And I don't want to make balik there. It's so nakakatakot."

"Okay lang ba si Jake?" it was Inah who asked.

"Let's hope that they're all safe." Tugon ko sa kanya dahil miski ako ay hindi alam kung okay lang ba talaga sila. Pero dahil alam ko na kailangan ni Supremo ang mga Enhanced, for sure, he's not hurting them.

I explained everything of what's happening. They understood the importance of not telling any of these to Celestina or Jeremy. Mas mabuti nang mananatiling haka haka lamang ang alam nila sa Apollo. They don't need to be involved in this matter. Tama nang gawin nila ang dapat gawin para mabawi ang Vexigo sa kamay ng mga Aldeguer.

Tama rin ang naging desisyon ng mga 'to na 'wag banggitin ang mga abilidad na naranasan nila kay Nikka at Jake. They also thought the same, ayaw rin nilang mas marami pa ang makaranas ng gano'ng experience. It was really traumatizing.

"Paano kayo nakaligtas? I mean, how did they save you?" I probed because the last time that I remember from what happened, nasa containment pods sila na ginawang pain para gawin ni Jake ang gusto ni Supremo kina Claude and Austin.

"When you did something there..." paunang wika ni Geoff, "... Jake used his curse to torment most of the guards surrounding them. Sila ng mga kasama nito ang naglabas sa amin sa mga containment pods. We're almost outside when Alastair and Aarav interfered."

Bakas sa mukha nilang apat ang kalungkutan. Tila may isang pangyayari na hindi nila gustong mangyari.

Si Marc ang tumapos ng pagpapaliwanag. "Jake and Nikkadorpha fought them while Arnold and Archilliah pushed us to escape. Nang nasa labas na kami, mas dumami ang mga gwardyang nakaharang. We tried to fight pero sobrang hinang hina kami sa pagkakakulong sa pods na 'yon. Sa huli sina Archilliah and Arnold ang lumaban sa kanila pero hindi kinaya ang dami nila. Hanggang sa dumating ang grupo nina Jeremy. Sila ang nagligtas sa amin pero naiwan namin sina Archilliah at Arnold. Nakuha pa rin sila at nahuling muli."

Napakuyom ako ng kamao sa nangyari sa kanila. I need to make sure na walang mapapahamak sa kanilang pito. Lalo na si Archilliah. The Apollo told me that I should figure out the first vision of the Clairvoyant because it contains how to finish this aside from putting back all the seven curses back to the stone.

Royal Synergy: Curse of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon