Curse Forty-Two: The Seventh Victim and the Orion

9.5K 407 34
                                    

NANG buksan ko ang aking mata, nagulat ako ng may isang bata na halos eight years old palang yata ang bumungad sa akin. Bahagya akong napaatras dahil sobrang lapad ng ngiti n'ya sa akin at ang lapit ng mukha.

"Hello!" matinis na tono ang bumalot sa lugar kung saan ako nakahiga. Tiningnan ko ang paligid. Maraming tubo ng tubig ang nakapaligid sa dingding at ang iba sa mga ito ay nagtutuluan pa. Are we on the underground?

"My name's Carmelita. Pero pwede mo po akong tawaging Lita or Carmel." Her overflowing energy makes me stood back. Parang lagi itong masaya at walang anuman ang makakapagpalungkot rito.

"Asia," pakilala ko rito at nginitian ko ito ng tipid. "How old are you?"

Isa-isa namang binuksan ng bata ang mga daliri nito hanggang sa umabot sa kabilang kamay. "Eight po!" masigla n'yang pinakita ang walo nitong daliri.

I touched her face. So, innocent. I'm pretty sure that we are still inside the vicinity of Vexigo. Kaya nahihiwagaan ako kung paano kaya nakapasok ang batang ito sa lugar na 'to.

"Alam mo po bang limang araw ka nang tulog?" pagsisiwalat nito sa'kin nang bumaba ito sa kama ko. "Hindi ka namin iniwan ni Kuya Nicholas, salit salit pa nga kami na bantayan ka."

Doon ko naalala ang nangyari at kung paano ako napunta rito ngayon.

Si Nicholas. He's finally awakened. Kuya Ali finally woke up from his deep sleep.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na s'ya ang ikapitong bata nang gabing 'yon. Paano ko naalala na s'ya ang ikapito? Ang pabango na gamit n'ya.

Nicholas and Alastair have the same scent before everything happened. Remember na madalas ko silang makilala sa amoy kapag hindi ko nagagamit ang Lenses ko? Nakadagdag pa na kahit paano may pagkakahawig ang dalawa though not really similar. You would only notice that they have the same facial features kapag matagal mo silang tiningnan. I may be blind but whenever I'm using the Lenses or the Apollo's curse, I'm making sure to remember at least their facial features. At huli ko nang na-realize 'yon.

Isa pang patunay ay hindi naapektuhan noon si Nicholas nang gamitan s'ya ni Alastair ng compulsion. When Jake confessed na nag-manifest ang curse n'ya even before it has been awakened, Nicholas' curse maybe did the same. His curse is healing. The curse may have protected him with Alastair's curse that day but it's only working in various circumstances.

Nakadagdag pa sa suspetya ko ay ang mga magulang ni Nicholas na napatay sa pag-alam ng anomalya ng pamilyang Aldeguer. Base sa Tito ni Nicholas na si Cleoford. He supplied me their family's incident before I decided to make an alliance with him. Sabi nito, tinigil bigla nang mag-asawang Javier ang pangangalap ng impormasyon at ang pagpuntirya sa Aldeguer nang hindi sinasabi kung bakit.

When I asked Claude to look for that information, we figured out that the father of Nicholas Javier has stopped when he found out the incident na nagdurugtong sa insidente na nangyari sa Amusement Park. I have an intuition that they're the ones who helped Alistair that night. Javiers are being persistent of looking for something against the Aldeguer, dinala siguro sila sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.

To verify these assumptions, I need to talk with him.

"Can you call him for me, Carmel?" I asked her and her eyes expressed with shock and excitement.

Medyo nagulat ako sa reaksyon n'ya.

"Opo sige po! Basta para sa'yo po!" wika nito sabay talon ng mataas na s'yang mas kinagulat ko.

Okay... that's a bit awkward for me at hindi ko na alam kung bakit s'ya ganito.

"Oh! Andito na po s'ya, Queen— ops! Wala po akong sinabi!" angil n'ya sabay takbo palayo. Nabangga pa nito si Nicholas na nakangiti sa bata.

Royal Synergy: Curse of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon