Curse Thirty Six: Interrogation

9.3K 415 70
                                    

NAGISING ang buong diwa ko sa malamig na may kasama pang yelo na dumampi sa buo kong katawan. I gasped for air dahil sa dami ng tubig na binuhos nila sa akin. Halos hindi kaagad ako nakahinga ng ayos.

Nangungulam-mata kong iginala ang aking paningin sa paligid. Trying to figure out what's happening right now. I can still see? The Lenses are still on. I saw three goons na sobrang pangit na nakaharap sa akin. Ang isa sa kanila ay may hawak ng isang malaking timba at nakakasiguro akong iyon ang ginamit para ibuhos sa akin ang malamig na tubig na laman nito. Iyong pangalawa naman na lalaki sa kanan ay may hawak na mahabang tabla at iyong isa naman sa kaliwa ay may hawak na latigo.

Tiningnan kong sunod ang magkabila kong braso na nakakadena at nakasabit iyon sa taas. Para akong ibon na ibinuka ang mga pakpak ng pilit.

Napangisi ako sa gusto nilang mangyari.

"Hindi ko naman inaasahan Supremo, that you're still fond of old fashion way of torture." Nakangisi kong komento habang hinahanap kung nasaan ang lalaking iyon.

"Go." Rinig kong wika ng isang lalaki. Bago ko pa man din maigala ang aking mata ay isang hampas ng latigo sa aking tiyan ang lumatay.

Napasigaw ako ng sobrang sa sakit. Dobleng sakit iyon. Sakit ng lagitik ng latigo ta's haluan pa ang paghapdi at kirot ng sugat gawa na pagkakasaksak ko sa aking sarili.

Nakita kong muling umagos ang dugo mula sa bendang inilagay ni Jake bago kami nahuli. The pain is really traumatic. Walang pagsidlan ang hapdi niyon na tingin ko'y naramdaman ko na ang pakiramdam ng babaeng nanganganak.

Shit, this might be beyond that damn it! Ang sakit talaga!

"Magpakita ka duwag!" sigaw ko nang bahagyang naibsan ang kirot ng aking sugat. Ngayon, mas nadagdagan pa iyon dahil nagsisimula namang dumugo at magmarka ang latigong hinampas sa tiyan ko.

"Go." Anang muli ng taong iyon mula sa mikropono.

This time, iyong may hawak ng tabla naman ang lumapit. Inihampas niya ang tabla sa aking mukha at pakiramdam ko'y nayanig ang buong utak ko sa ginawa niya. Pumaling sa kaliwa ang mukha ko at ramdam ko ang dugong naagos sa noo ko.

Dinura ko ang namuong dugo sa aking bibig dahil pati iyon ay hindi nakaligtas sa sakit.

Napapapikit pikit ako dahil dumadaloy sa isa kong mata ang dugong galing sa pumutok na noo.

They surely know how to respect a woman, huh. Nice.

Ilang segundo ang nagdaan ay nakarinig ako ng mga yapak. Maraming yapak. Pumasok sa loob ng malaking kwartong ito ang mga taong inaasahan ko nang may gawa nito.

Naunang pinapasok ang mga Enhanced. Hawak hawak ang mga ito nang mahigpit ng mga armadong lalaki na sobra ang laki ng pangangatawan. They spread them inside. Sina Archilliah, Arnold ay sa kaliwang side habang nasa kanang side naman sina Nikka at Jake. Kita sa mga ito ang pagpupumiglas pero walang epekto iyon sa laki ng katawan ng mga humahawak sa kanila.

Sunod na pumasok ang ilang guards tapos ay iniluwa nito si Aarav na sinundan ni Alastair. Kapwa walang emosyon ang mga mukha at seryoso lang na nakatingin sa akin. Ni hindi ko sila nakitaan ng awa dahil sa itsura kong tingin ko'y isang pitik na lang ay patay na.

At ang panghuling pumasok ay walang iba kung'di ang Consigliere ng Aldeguer Mafia— Supremo. He's wearing a formal suit with matching a hat at ang tungkod kong ginawa nitong kanya. May nakasubo ring malaking tobako sa bibig nito.

Nginisian ako ng matanda habang naglalakad diretso kung nasaan ako.

Nakalaylay ang ulo ko ngayon sa kaliwa kong braso na nakataas dahil sa hapdi pa rin ng kanang pisngi ko. Sinamaan ko ito ng tingin. How I want to remove that smile out of his skin.

Royal Synergy: Curse of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon