Curse Thirty Nine: Project Apollo Part 3

8.3K 377 13
                                    

"DARLING, I hope you understand why we need to do this." Itinaboy ko ang kamay ni Mamma nang subukan nitong hawakan ang aking buhok. I know I'm being rude but I just can't believe what she's been doing with those kids!

"I don't know, Mamma. All I know is that you're becoming a monster. Like those who want to kill us! Bata man ako sa paningin mo pero ang makita silang nakakulong do'n at iyak ng iyak dahil gusto na nilang umuwi? I can still judge it as bad! It's really bad, Mamma! And you should stop it!" hindi ko na napigilan ang sigawan s'ya.

Hindi ito nakasagot sa akin kahit na kitang kita ko ang pagpipigil nitong patigilin ako sa pagwawala at pagsigaw sa kanya. She knows that she's at fault. Dapat lang!

"This is for your safety as well, Darling." Mahinahon at malambing n'yang sagot sa akin.

Pero sunud-sunod na iling ang ibinigay ko sa kanya. No, it doesn't justify the problem she created. It doesn't change the fact that they're all ruining their lives!

"Kapag 'di ko 'to ginawa, Asia. Ikaw na mismo ang pipiliin n'ya." Wika n'ya na hindi ko naintindihan. Maybe this is the limitation of my understanding. Hindi ko lubos maiintindihan ang Apollo na 'yan. All I know is that it ruins their lives. Sinisira nito maging ang pagtingin ko sa aking ina!

"I k-know you w-wouldn't understand everything, b-but... please, trust me. T-Trust me, Anastasia." Hindi na napigilan ni Mamma na ako'y yakapin ng mahigpit. I'm resisting her hug pero dahil mas malaki si Mamma ay nananatili na lang akong nakatingin ng seryoso sa malayo.

Pinauwi na muna sina Claude at Austin matapos ang gabing sinubukan kong iligtas ang mga bihag kagabi. Gusto man ako tanungin ng dalawa kinabukasan ay hindi naman nila ako makausap ng maayos dahil matapos ang nangyari ay lagi na lamang akong nakatulala sa malayo. Sa t'wing ako'y tutulala sa taas ng aming bahay at natatanaw ang luntiang kulay ng kagubatan na nakapalibot sa amin ay naalala ko bigla ang mga bihag na nasa baba pa rin hanggang ngayon.

Hindi ko sila magawang balikan man lang dahil nahihiya na akong ipakita ang pagmumukha ko dahil sa kapalpalakan ng aking ginawa para lang mailigtas kahit man lang ang dalawang kambal na may pangalang Aarav at Oliver.

Sa t'wing naalala ko sila, hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na maluha.

I feel so sorry for them. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao dahil hindi ko sila mailigtas man lang. Hindi ko alam kung totoo man ang aking panaginip gabi gabi na sumisigaw sila sa sakit. Umiiyak ng todo dahil sa Apollo na 'yon. Maisip ko pa lamang 'yon ay hindi ko na maiwasang sisihin ang sarili ko.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil anak ako ng taong nagpapasakit sa kanila ngayon. Gusto kong sisihin ang aking sarili dahil wala akong magawa para lang maligtas sila sa kinasasadlakan nila ngayon. Nasasaktan ako kapag na-i-imagine ko ang sakit na nararamdaman nila but what's hurting me the most was the fact that my mother was the one causing them to be hurt.

Bakit si Mamma pa ang kailangang gumawa at planuhin ang gano'ng klaseng krimen?

Isang gabi ay nagpasya akong bisitahin ang mga kinidnap sa baba. Medyo mas naging mahigpit ang sekuridad ng mga kasama ni Mamma sa lungga nila kung kaya't medyo nahirapan akong makapasok muli. Pero dahil pursigido akong makita silang ay nagawan ko ng paraan ang lahat.

Kakaalis lang ng mga kasabwat ni Mamma nang mag-decide akong pasukin muli ang lugar na 'to. Mabuti na lamang at hinatid ni mom ang mga ito sa baba ng bundok. Ibig sabihin, may isang oras ako para makausap silang muli bago ito makabalik.

"Ano pa ang ginagawa mo rito? Umalis ka na! Hindi ka namin kailangan!" napatakip ako ng aking bibig nang makita ako ni Nikkadorpha na nakasilip sa kanilang kwarto.

Royal Synergy: Curse of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon