CHAPTER-1

82K 1.9K 471
                                    

Luring The Cold Hearted Billionaire

"Oh, MOA! MOA! Taft terminal station! Apat pa!"

"Rosario, pamaypay, panyo! Bili na kayo!"

"'Ne, bili kana, singkwenta lang itong pamaypay oh, nalulusaw ang ganda mo sa init ng Pilipinas."

Matamis ang ngiting binigay ni Jane sa matandang babaeng nagbebenta ng mga kung ano-anong may kinalaman sa puong Nazareno sa harap ng Quiapo church. Bumaba ang tingin niya sa pamaypay na may naka-imprintang dasal na inaalok nito sa kaniya.

Gusto man niyang bilhin iyon para tulungan makabenta ang ale, wala na siyang sapat na pera. Naubos ang budget niya kahapon dahil pinangbayad niya iyon sa make-up artist sa salon sa Binondo at pinangrenta niya ng red dress na suot niya kagabi, para kitain ang lalaking tinuring lang siyang parausan.

Lumungkot ang ngiti niya saka bahagyang umiling sa ale, bumaba ang mga mata niya sa plastic ng mercury drug na hawak-hawak niya, bumili siya ng mefenamic dahil kumikirot ang pagkababae niya, dahil na din sa nangyari kagabi. Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa overpass para tumawid.

May interview siya ngayon para makapagtrabaho siya, malayo ang in-apply-an niya kumpara sa tinutuluyan niya dito sa baranggay 384, sa Makati pa kasi ang in-apply-an niyang trabaho.

Nagdadasal nga siyang sana matanggap siya kahit hindi pa naman talaga siya graduate ng kolehiyo, ga-graduate pa lang siya sa susunod na dalawang buwan sa PLM.

"Ate ganda! Pambili lang ng taho!" Napatigil sa paglalakad si Jane ng may batang paslit ang kumalabit sa kaniya.

Napatingin siya sa kamay niyang may bente pesos na sukli sa pinambili niya ng gamot kanina. Huling pera niya iyon, at sa tutuusin hindi niya na alam kung paano pa pagkakasyahin bilang pamasahe niya papuntang Makati mamaya.

Walang pagdadalawang isip na inabot niya sa batang lalaki 'yong bente ng may ngiti.

"Eto oh, bumili kana." Nakangiting sabi niya sa bata.

Lumapad ang ngiti niya ng makita ang pagkislap ng mga mata nito sa kasiyahan, sunod-sunod itong tumango saka nagmamadaling tumakbo papalapit sa magtataho sa ilalim ng overpass; pagka-abot nito ng pera mula sa mga kamay niya.

Akmang magpapatuloy na siya sa paglalakad pabalik sa mumunting apartment niya ng may kamay ang biglang sumulpot sa harapan niya.

Napakurap-kurap si Jane sa kamay na nag-aabot sa kaniya ng nakatuping perang papel, isang libo 'yon. Puno ng pagtataka ang mukhang nag-angat siya ng tingin sa lalaking may-ari ng kamay na iyon.

Walang emosyon ang gwapo at seryosong mukha ni Teo, ka-blockmate niya ito sa tatlong subject niya at kapitbahay niya din, pero nakakapagtaka dahil hindi naman sila masyadong nag-uusap, dahil napakatahimik ni Jane sa lahat ng pagkakataon. "Take it, alam kong wala ka ng pera. I heard sa mga bakla sa Binondo na malaki ang gastos mo kahapon dahil nagpaayos ka para sa ka-date mo."

Hindi siya tatanggap ng bigay, mahirapmagbayad ng utang na loob, bumuka ang natural niyang mapupulang labi upang magsalita, "Teo— "

"Utang 'yan. Ibalik mo pagnatanggap kana sa ina-apply-an mo, sabi nila Melly kaya ka absent nitong nakaraan dahil naglalakad ka ng mga requirements. Siningit ko sa ilalim ng pinto mo 'yong mga activities nung absent ka. Just answer it when you're free." Tinalikuran siya nito at hindi na hinintay pang makasagot siya at basta na lang siyang iniwan sa pinagkatatayuan niya.

Makailang ulit pa siyang napakurap-kurap at hindi makapaniwala sa pangyayari. Bigla na lang kasing nawala ang kanina lang na pinoproblema niya.

***

Luring The Cold Hearted Billionaire.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon