CHAPTER-3

56.5K 1.4K 394
                                    

Luring The Cold Hearted Billionaire

"Umuulan ata sa labas." Napabaling si Jane sa pamilyar na boses ni Teo nang magsalita ng akmang bibitbitin na niya na ang bag niya.

Kakatapos lang ng last subject nila para sa araw na ito actually ay nag-iisang subject lang ang meron sila ngayong araw kaya naman didiretso na siya agad sa opisina ni Tyler para magtrabaho. Maaga siyang makakapasok ngayon, hindi gaya ng naunang tatlong araw niya sa pagtatrabaho kay Tyler, halos laging lunch break na nila siya nakakapasok.

Napangiti siya ng maalalang lagi silang sabay kumain ni Tyler kahit madalas siyang late sa trabaho, at kahit laging mainit ang ulo ng lalaki ay wala itong sinabi sa paiba-iba niyang schedule sa pagpasok, siguro dahil alam na din nitong nag-aaral pa siya.

Ngumiti si Teo kay Jane, "Sumabay ka na sa akin pauwi. Hahatid kita, para hindi ka maulanan. Alam kong nasira 'yong payong mo nakaraan."

She waved her right hand as she shakes her head, upang tanggihan ang mabait na alok sa kaniya ni Teo, "may trabaho na kasi ako, Teo. May pasok ako ngayon, didiretso ako ng opisina. May dala naman akong pamalit, since sa trabaho ko na balak magbihis."

"Ganon ba?" Napakurap-kurap si Nerlay Jane kay Teo nang bumagsak ang balikat nito. Bakit kaya?

Gusto sanang tanungin ni Nerlay Jane si Teo kung bakit parang malungkot ito ng agad siya nitong ngitian, ngiting halata namang pilit.

"Hahatid na lang kita hanggang sakayan, para kahit papaano ay hindi ka maulanan. Mahirap ng magkasakit lalo na at, you have a job na."

Kahit nagtataka ay tumango na lang si Jane kay Teo at sumabay sa lalaki maglakad palabas ng main building ng unibersidad nila. Habang naglalakad palabas ng universidad nila naramdaman ni Jane ang pag-vibrate ng cellphone niya sa bulsa ng uniporme niyang suot-suot.

Looking down at her pocket. Akmang kukunin niya ang cellphone niyang nagba-vibrate ng bigla siyang hilahin ni Teo dahilan para mawalan siya ng balanse. Her eyes widened in fear as she thought she will fall off the ground when Teo caught her in time; by wrapping his arms around her waist.

"You should not be looking anywhere else kapag tatawid ka!" Bahagyang pagalit sa kaniya ni Teo na kinakurap-kurap niya. Napaawang ang labi ni Jane ng ma-realize niyang nasa kalsada na sila ni Teo. "I'm sorry I didn't mean to raise my voice at you, I was just a bit worried."

She bites her bottom lip out of guilt and was about to apologize to Teo and get away from his hold when a random sports car accelerated passed by them that shook both of them. Hindi lang dahil sa nabasa sila ng tubig mula sa kalsada na dinaanan nang mamahaling sasakyan na iyon kung hindi dahil sa sobrang lapit nila sa kalsada ay tila muntikan na silang mahagip na dalawa.

"Walang modo!" Teo shouted at the sports car accelerating away, "tsk. Shit! Basang-basa kana!" He exclaimed as he removed his jacket to make Jane wear it.

Jane who's still shocked on what happened could only blink at the air as she watches the car's back drifting away.

That car looks very familiar...

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Teo sa kaniya na kinabaling niya sa lalaki.

She smiled at him and nodded her head, "Uwi muna tayo, sa apartment na ako magbibihis."

Teo smiled back, tumango ito ng nakangiti pa din sa kaniya. "Yeah, it's better if you'll freshen up first before getting to work. Hindi pala tayo sa ulan mababasa,"

Natawa siya sa turan nito pero agad ding napatahimik ng bigla na namang bumalik sa isip niya ang itsura ng sasakyan. Bakit parang nakita niya na noon ang sasakyan naa iyon?

Luring The Cold Hearted Billionaire.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon