Chapter 5

1.2K 33 0
                                    

Characters background:

Name: Rina Evergreen
Age: 25
Job: Model

Father: Enzo Evergreen
Mother: Aria Bailey-Evergreen

Siblings:
Kurt Evergreen
Elliot Evergreen
Kenzo Evergreen
Jamie Evergreen

Relatives:
Gail Evergreen (Auntie)
Rebecca Reyes-Evergreen (Grandmother)
Dennis Evergreen (Grandfather)
Aizen Evergreen (Uncle)
Aya Collins-Evergreen (Auntie)
Eizen Mykiel Evergreen (2nd cousin)
The twins: Aiden and Irene Evergreen (2nd cousins)

-----

Name: Chase Nicholson
Age: 20
Job: Actor by day and assassin by night

Father: Creed Nicholson
Mothe: Evalyn Fernandez-Nicholson

Siblings: Cress Nicholson

Relatives:
James 'Buck' Fernandez (Uncle)

Para kilala niyo. At sa story nina Aizen x Aya ay punta lang kayo sa timeline and ganoon rin kila Enzo x Aria. Thankies 😘

~~~~~

Rina's POV

I'm here in front of my laptop screen, tinitingnan ko kung natanggap ba ako sa job interview sa Rome. Pangarap kong magtrabaho doon as a model. Nagdadasal ako sana matanggap ako, paulit ulit ko sinasabi sa utak ko iyon. Damn, kinakabahan. When I opened my eyes and tada! Hindi ako makapaniwala sa nakita ko dahil nakita ko ang pangalan ko sa list ng mga pasado.

"Yes!" Sigaw ko. Sobrang saya ko dahil natupad na rin ang pangarap ko until I heard a thuds sound. "Ano iyon?"

"What the hell! Bakit ka ba sumisigaw, ate?!" Sigaw ni Kurt sa kabilang kwarto.

"Sorry. Masaya lang ako dahil natupad na rin ang pangarap ko." Sabi ko na may ngiti sa mga labi ko. Hindi talaga mawala ang saya.

"Alam mo namang hindi sound--" Nakita kong tumakbo palabas si Kurt at pumunta sa kwarto ko. "What? What did you just say?!"

"Pasado ako sa audition." Nakangiting balita ko sa kapatid ko.

"Wow. Congrats! I'm happy for you, ate." Kung kanina lang ay nakasalubong mga kilay nito pero ngayon ay nakangiti na. Kurt is one of my fan at sinusuportahan niya ako sa lahat. Siya ang kinakausap ko para payagan ako ni mama dahil malakas siya kay mama.

"Anong audition?" Tanong ni dad habang nakakunot ang noo nito. Wala ako pinagsabihan tungkol dito, si Kurt lang.

"Magiging model na si ate ngayon at pupunta na siya sa Rome, dad." Sabi ni Kurt. Hindi pa rin mawala ang ngiti niya.

"No. Walang aalis. And Rina, pwede ka naman magtrabaho sa studio if you want to work as a model." Sabi ni dad at iniwanan na kami. Yung ngiti ko kanina ay biglang naglaho dahil sa sinabi ni dad.

"Don't worry, ate I will talk with dad later. He is a closet fan of yours." Malokong tugon ni Kurt. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Thank you, Kurt." Lumapit ako sa kanya saka niyakap.

"Aw! Unfair! Si kuya Kurt lang ang kayakap mo, ate!" Nakangusong tugon ng isa kong kapatid na si Elliot.

"Okay, give me a hug El." Inilahad ko ang isang kamay ko para yakapin rin ako ni Elliot at niyakap naman niya.

"Waaa! Too unfair! Hindi ako kasama." Sabi naman ni Kenzo, he is also my younger brother. Halos lahat lalaki ang kapatid ko. Kaya sumali na rin siya sa amin.

"Hindi ako papayag na kayo lang." Sabi ni Jamie. Natawa na lang ako dahil ganito ang ugali ng mga kapatid ko.

"Group hug!" Sabi ko.

I have 3 brothers and 1 sister. So, 5 kami magkakapatid. Wala kasing family planning sina mommy at daddy kaya nasobrahan sa basketball team o kinulang sa soccer team. Pagkatapos na pinanganak si Jamie ay hindi na pwede ulit mabuntis si mommy kaya si Jamie ang youngest and she is our baby. Biglaan lang kasi ang dating ni Jamie noon.

"Ate! Ate!" Sigaw ni Jamie kaya lumapit ako sa kanya habang nasa kusina ako.

"What?"

"Hindi ba si kuya Chase iyon?" Turo niya sa tv. Isa kasing sikat na actor si Chase ngayon. Kung magkita man lang kami ay siguro hindi na niya ako maalala dahil maraming babae ang same level niya. Napapangiti na lang ako dahil miss ko na ang best friend ko at kahit sa tv ko lang siya makita ay okay na sa akin.

"Yiiiieee! Si ate kinikilig habang nakikita ang first love niya." Pang aasar sa akin ni Jamie.

"Tumigil ka nga, Jam. Baka marinig ka ni daddy lagot tayo.."

"Sus, pakipot lang si dad. Siyempre ikaw ang panganay na anak nila kaya siguro hindi pumapayag si dad sa pag alis mo papuntang Italy." Umiling na lang ako bago iwanan si Jamie.

"Thank you for coming today but can someone help me?"

"What is it, mr. Nicholson?"

"I've been looking for someone. She is my childhood best friend."

Huminto ako sa paglalakad nang marinig ko iyon. Hinahanap ba ako ni Chase, pero bakit? May kanyang kanya buhay na kami ngayon. He is a successful celebrity now.

"Who? What is her name?"

"Her name is Rina Evergreen. Rina, wherever you are I'm always waiting for you."

"Yiiieee! Ate, kinikilig na iyan." Todo ang pang aasar sa akin ni Jamie.

"Aba, sumisikat na ang pangalan mo ate. Baka mamaya ay may reporters na pumunta sa bahay." Tugon ni Kenzo na ngayon ay katabi na ni Jamie.

"Malabo iyang sinasabi---" Nagulat ako noong makita ko nasa harapan ko si daddy. "Daddy?"

Nilagpasan lang ako ni daddy dahil lumabas siya ng bahay. Ano ang problema ni daddy? Hindi niya ako kinausap simula pa kanina, hindi kasi siya ganoon sa akin dati.

Kinagabihan...

Napadaan ako sa kwarto nila daddy at mommy para pumunta sa kwarto ko pero narinig kong naguusap ang mga magulang ko. Lumipat na kasi ng tirahan noong lumalaki ang pamilya namin, naisipan ni daddy na bumalik na lang sa Sydney para malapit lang sa bahay nila granny. Nagtayo na rin si daddy ng branch ng studio dito para hindi na siya pabalik balik ng Melbourne.

"May problema, 'dy?"

"I can't believe this dahil may balak umalis ang panganay natin at kanina ko pa pinagiisipan sa gusto niya."

"It's her dream, Enzo. Dapat supurtahan na lang natin si Rina."

"Hindi ko kaya mapahiwalay kahit sino sa mga anak natin. Alam kong pangarap ni Rina maging model sa Italy pero mapapalayo siya sa atin."

Alam kong iyan ang magiging dahilan ni daddy kaya hindi ko na lang siya pinilit noong sinabi niyang ayaw niya ako umalis.

"You have to support our daughter at hindi na siya bata pa para alagaan natin. Rina is already 25."

"Let me think about it. Matutulog na ako dahil may kailangan pa akong puntahan na anniversary bukas."

"Anniversary?"

"One of my client. Anniversary daw nila bukas ng asawa niya at ako ang kinuha nilang photographer."

Hindi ko na tinapos ang paguusapan nila daddy at mommy dahil masama ang makinig sa usapan ng ibang tao. Pero hindi na rin ako aasang papayagan ako ni daddy na umalis papuntang Italy but this is my dream. Akala ko matutupad na pero hindi pa pala. Baka hindi ito ang tamang panahon para tuparin ko ang pangarap ko. I'll try some audition somewhere nearby.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now