Chapter 14

791 26 0
                                    

Bumangon ako sa kama nang marinig ko ang boses ni Sander. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na huwag na muna siya umuwi.

"Shit, Sander." Mura ko dahil naiinis ako sa paguwi niya.

"Bakit? Ano ang ginawa ko sayo, Chase?"

"You're disturbing my moment." Iritableng tugon ko.

"Oh." Mukhang naintindihan niya ang ibig kong sabihin pero binigyan lang niya ako ng kibit balikat. "Hindi ko naman alam. Sorry."

"Mamasyal ka ulit." Kumuha ako ng pera sa wallet ko at binigay sa kanya. "Heto pera. Bumili ka ng damit para sa anak mo."

"Sobra-sobra na ang tulong mo sa akin, Chase. Pinagaral mo pa ang anak ko."

"Ayos lang. Malaki rin naman ang tinulong mo sa akin dahil hindi ka umalis sa tabi ko. Okay, mamasyal ka ulit. Mamaya ka na lang bumalik."

Bumalik na ulit ako sa loob ng kwarto ko at tinitingnan ko lang si Rina.

"Talagang tinutulungan mo pagaralin ang anak ni kuya Sander?" Tanong nito sa akin.

"Yep, noong nagsisimula pa lang ako sa career ko ay nakita ko silang mag-ama at lumapit ako sa kanila para kausapin then, doon nagsimula ang lahat. Doon ko na rin nakilala si Sander at ang anak niya."

"Kaya tinulungan mo na rin ang pagaaral ang anak niya?" Tumango ako sa kanya.

"Gusto ni Sander na bayaran niya ang mga ginastos ko sa pagaaral ng anak niya. Kaya sinabi ko sa kanya na maging driver at bodyguard ko siya."

Kahit alam ni Sander na isa akong assassin ay hindi siya natakot sa akin imbes na lumayo siya sa akin kasama ang anak niya ay mas pinili niyang magtrabaho sa akin bilang driver at bodyguard ko. Kaya simula noon ay pinagkatiwalaan ko na siya dahil alam kong hindi siya sasabihin sa ibang tao ang isang sikreto ko.

Kinagabihan...

Bumangon na ulit ako para magluto ng makakain namin pero sarap pa ng tulog ni Rina. Hinalikan ko na siya sa noo at hinayaan ko na lang siya magpahinga dahil alam kong napagod siya kanina.

"Tapos na ba yung moment mo, Chase?" Tanong ni Sander kaya inikot ko ang mga mata ko. "Siguro hindi ka na bitin hindi katulad kanina."

"Shut up." Tumatawa na kasi ito ngayon. Lakas mang asar, tae. "Nakabili ka ng damit para anak mo?"

"Ang dami ko nga nabili para kay Gelo at sigurado akong magugustuhan niya itong binili ko."

"Okay. Bago tayo tumuloy sa Italy ay bumalik na muna tayo sa Pilipinas para ibigay mo ng personal ang binili mo."

"Salamat talaga. Matagal na rin ang huling kita ko kay Gelo. Miss na miss ko na siya." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi ba nasa Pilipinas ka noong nasa Italy ako?" Tanong ko pero hindi sumagot si Sander. "Sander, ano ang problema? You can share with me."

"Ano kasi... Kinuha ng ex wife ko si Gelo dahil wala akong trabaho kaya gusto ko patunayan sa kanya na may trabaho na sa mabait kong boss."

"Nang bola ka pa. Kahit hindi mo na ako bolahin ay tutulungan ko pa rin kayo. Gusto mo makuha si Gelo sa dati mong asawa?"

"Oo, eh. Kaya lang naman kami hiwalay ng asawa ko dahil may iba siyang lalaki, hindi lang isa kundi marami at isang beses nagsumbong sa akin si Gelo na sinasaktan siya ng lalaking kinakasama ng dating ko asawa. Hindi na rin ako nagtiis kaya umalis na kami ng anak ko kaya iyong araw ang pagkikita natin."

A slut, ah? Hindi nakuntento sa isa at hindi lang iyon dahil may asawa siya at anak.

"Kukuha ako ng magaling na abogado para makuha natin si Gelo."

Fall Into YouWhere stories live. Discover now