Chapter 26

616 22 0
                                    

Guys, please also support Rivalry Between Us or any of my mafia series and sequel. Thank you. 😘

~~~~

Rina's POV

Nang nakarating na kami sa strawberry farm ay nakatitig lang ako sa taho. Nagtatakam at naglalaway ako sa taho na binebenta ni kuya.

"Chase, buy me please." Pangungulit ko kay Chase.

"Okay, okay. Wait." Lumapit siya sa nagbebenta ng taho. "Kuya, isang taho nga po?"

Kumuha na si kuya ng plastic cup at nagsalin na siya ng taho then yung syrup na strawberry flavor. Mukhang masarap talaga noon. Inabot naman ni Chase ang bayad pero sobrang laki noong binigay niyang pera.

"Wala po ba kayo barya?" Tanong ni kuya mangtataho.

"Okay, wait." Nilabas ulit ni Chase ang wallet niya. "Sorry, kuya. Puro buo pera ko."

"May barya ako." Sabi ni Gideon sabay abot ng bente kay kuya mangtataho.

"I'll pay you back pag may barya na ako." Sabi ni Chase at inabot na sa akin ang taho.

"Kahit huwag ka na. Maliit na bagay lang iyon at kanina ko pa nakikita si Rina na naglalaway sa taho." Rinig kong sabi ni Gideon. Nahihinayang na tuloy akong ituloy kainin itong taho sa sinabi niya.

"Baliw ka talaga. Kita mo naman buntis girlfriend ko."

"Chase, dito na lang din ako sa labas para may kasama si Rina." Sabi ni Amy.

"Thanks, Amy." Hinakbayan na ni Chase si Gideon papasok sa strawberry farm.

"Ang bait ni Chase, no?" Tumango ako sa kanya.

"Kahit mga maliliit pa kami ay ganyan na iyan si Chase. Mabait. Pero noong unang pagkikita namin ay hindi kami magkaibigan."

"You mean... Nagaaway kayo noong mga bata pa lang kayo?"

"Hindi naman. Wala nga ako ginagawa sa kanya pero bigla na lang niya ako tinawag na panget. At mabuti na nga lang dumating si daddy kaya kinausap niya si Chase. Doon na rin nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa." Tumingin ako kay Amy dahil tumahimik siya bigla. "Okay ka lang ba?"

"Oo, ayos lang ako pero hindi ko naman maiwasan isipin ang anak ko. Miss ko na siya. Wala na nga siyang kinilalang ama tapos palagi pa ako wala sa tabi niya."

"Oh, I'm sorry. Pero dapat sinabi mo sa kanya ang tungkol sa bata."

"Pareho kayo ng sinabi ni Chase kanina." Naiilang siyang ngumiti. Nang naubos ko na yung kinain kong taho ay tinapon ko na sa basurahan.

"Tama naman ang sinabi ni Chase dahil may karapatan naman siya sa bata. Siya pa rin yung ama."

"Paano kung yung ama niya ay kaugali ni Gideon na isang babaero at hindi nagseseryoso sa isang relasyon?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nito.

"Paano mo nakilala ang ama ng anak mo?"

"Sa isang bar. Wala akong alam tungkol sa kanya pero hindi ko makakalimutan ang mukha niya kahit 2 years na rin. Kahit nagkita ulit kami ay hindi mawala sa akin ang kaba."

"Ano naman ang ginagawa mo sa isang bar?"

"Ano ba ginagawa sa isang bar? Umiinom dahil walang tumatagal sa akin dahil wala daw akong alam sa gawaing manager at baguhan lang ako. Si Chase lang ang tumatagal sa akin."

"Sino ang ama?" Nakatinginan kaming dalawa. "Oh. Sorry, dapat hindi ko na lang tinanong."

"Ayos lang pero pangako mo sa akin hindi mo sasabihin na kahit sino kahit kay Chase o sa lalaking iyon."

"Okay. Promise."

"Si Gideon." Namilog ang mga mata ko kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ni Amy sa tuwing magkasama sila ni Gideon. "Hindi mo rin inaasahan na siya yung ama, no? Kahit nga rin ako, eh. Noong nakilala ko siya ng lubusan ay napapaisip ako kung bakit siya pa ang ama ni Fenrir."

Nakita kong lumabas na ng farm yung mga boys na may dala ng strawberries.

"Here." May inabot si Gideon na isang balot kay Amy.

"Ano ito?"

"Malamang strawberries. Impossibleng mangga o mansanas ito dahil wala ka naman makikitang ganoon sa loob."

"Ano naman ang gagawin ko diyan?"

"Subukan mong suot-- Aray!" Binatukan kasi siya ni Chase.

"Sabihin mo na kasi yung matino."

"Fine." Humarap ulit siya kay Amy. "Kahit hindi ko pa nakilala ang anak mo pero gusto ko siya bigyan nitong strawberries pero hindi ko alam kung magugustuhan niya ang mga ito ah. Dahil ako sobrang gusto ko ang strawberries."

"Thank you." Kinuha naman ni Amy yung isang balot ng strawberries na binigay ni Gideon sa kanya. "Matutuwa rito si Fenrir."

"Ano ang pinaguusapan niyo ni Any habang wala kami?" Tanong ni Chase.

"It's a girls matter." Ngumiti ako sa kanya. Nangako ako kay Amy na wala ako pinagsasabihan na kahit sino, kahit kay Chase.

Dahil hawak naman namin ang oras kaya hindi namin kailangan magmadali umuwi. Naglalakad nga kami ngayon dahil kailangan ko rin ang maglakad.

"Sa tingin mo kung kanino nagmana si Fenrir sa pagkahilig sa strawberries." Bulong ni Amy at tama lang para marinig ko.

"Sa ama niya?" Tumango siya sa akin. Sinabi kasi ni Gideon na mahilig siya sa strawberries kaya walang duda.

Pagkabalik namin ng Manila ay napatingin ako kila Gideon at Amy habang busy sa paguusap sa telepono si Chase.

"Pwede ba sumama sayo?" Tanong ni Gideon sa kanya.

"At bakit naman? Wala ka bang sariling bahay?"

"Meron akong bahay pero gusto ko makilala ang anak mo."

"Maghinga ka na muna dahil alam kong pagod ka. Magusap na lang tayo sa susunod na pagkikita natin."

"Okay. Sige."

"Rina, let's go." Tumingin si Chase sa dalawa at kumaway. "Uwi na kami."

"Sige, Chase. Ingat kayo ni Rina." Sabi ni Amy.

"Paano tayo uuwi? Wala naman tayong sasakyan dito."

"I already called uncle Buck kung pwede tayo sunduin dito at pumayag naman siya."

Nang makauwi kami sa bahay nila ay simalubong kami ni Cress. Ngumiti ako sa kanya dahil ang tagal na rin noong huling balik namin dito ni Chase.

"Hi, ate Rina." Bati niya sa akin at binaling ang tingin kay Chase. "Mabuti nakarating ka ngayon, kuya."

"Siyempre naman. Hindi ko papalampasin ang school event niyo."

"Cress, pwede bang sumama? Susuportahan ko ang team niyo para manalo kayo." Nakangiting sabi ko kay Cress.

"Talaga po, ate Rina?" Tumango ako sa kanya. "Oo naman po! Pwedeng pwede kayo sumama at papakita ko kay kuya kung paano malano ang team namin."

"Ang yabang talaga ng kapatid ng kalatid ko, no? Hindi ko nga alam kanino nagmana ito."

Hindi ko na nga pinakinggan ang sinabi ni Chase dahil tuloy pa rin sa pagsasalita si Cress.

"Matutuwa ang mga teammates ko dahil nandoon kayong dalawa. Yung team captain nga namin ay idol na idol kayo ate Rina." Ngumiti ako sa sinabi ni Cress. Hindi na ako nagulat kung maging idol ako ng mga kaklase ni Cress. Idol lang naman.

Fall Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon