Chapter 3

865 35 0
                                    

Chase's POV

Nalulungkot ako dahil hindi ko makakasama si Rina. I like her. I know I'm too young for her pero age doesn't matter. And 5 years old pa lang ako pero matured na rin naman ako kung magisip na.

"Chase." Tawag sa akin ni papa kaya lumapit ako sa kanya.

"Bakit po?"

Lumuhod siya sa harap ko para pantay kami ni papa.

"Can I tell you a secret? Dapat hindi malaman ng mama mo ang tungkol dito ah. And I need your help too."

"Sure po." Sagot ko habang tumatango.

"Ang balak ko sana magpropose na sa mama mo. Matutulungan mo ba ako, buddy?" Kumikinang ang mga mata ko sa tuwa. Papa will ask mama to marry him. Hindi na ako makapag hintay matupad ang tagal ko ng pangarap. Ang maging buo ang pamilya namin. Hindi ko kasi alam kung natatawag ngang buo ang pamilya namin. I have mama and daddy naman pero hindi naman sila kasal at minsan wala pa si papa sa bahay.

I also know my papa's secret. He is an assassin. He taught me how to use some gun at age of 4. Nagalit nga sa kanya si mama noong nalaman na tinuturuan niya ako gumamit ng baril. I know guns are dangerous for kids but I know I'm not just a normal kid. May dugong assassin ang dumadaloy sa akin. Anytime I can be like my father kaso ayaw ko naman maging katulad niya. I want to be an actor like what I said to Rina.

"Talaga? Sige po. Tutulungan ko kayo sa pagpropose niyo kay mama." Laking tuwa ko sa aking marinig. Sana nga lang hindi ito isang panaginip.

"Okay. Come with me. May pupuntahan tayo ngayon." Tumango lang ako kay papa at sumakay sa kotse.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon pero pakiramdam ko ay excited ako sa mangyayari.

Napansin kong wala na kami ni papa sa Manila. Nasaan na kami ngayon? Tumingin ako kay papa na seryoso sa pagmamaneho.

"Papa, saan po kayo ngayon?"

"Nandito tayo ngayon sa Tagaytay."

Napansin ko lang huminto ang kotse namin sa tapat ng isang simbahan. Magsisimba ba kami? Ang dami namang simbahan sa Manila. Bakit dito pa kami ni papa pumunta?

"Ano po ang ginagawa natin dito?"

"Gusto ko dito kami ikasal ng mama mo kapag umoo siya sa akin."

"I'm sure she will say yes. Mahal naman po kayo ni mama at matagal na rin niyang pangarap makasal sa inyo."

"Balik na tayo baka hanapin na tayo ng mama mo."

"Before we go, can we eat first?" Hinahawak ko na ang tyan ko dahil kanina pa ito kumukulo. Gugutom na kasi ako.

"Alright, let's eat first." Natatawang sagot ni papa.

Pagbalik namin ni papa sa bahay ay sinalubong kami ni mama.

"Saan kayong galing ah?" Kunot noo tanong sa amin dalawa ni mama.

"Namasyal lang po kami ni papa, mama."

"Namasyal ah? Hoy, Creed. Tinuturuan mo na kung paano magsinungaling ang anak mo."

"Eva, relax. Talagang pumasyal lang kami ni Chase kanina." Sagot ni papa. Napansin ko lang nagiba ang ugali ni mama ngayon. Hindi kasi siya yung tipo mabilis uminit ang ulo, isang masayahin si mama. Iyon siguro ang nagustuhan ni papa sa kanya.

"Hmhp!" Tumalikod na sa amin si mama. Halata ngang galit sa amin. "Ganyan naman kayo mag-ama."

"Eva, what's wrong?"

Napangiti ako bigla dahil naalala kung bakit ganyan si mama ngayon. She is pregnant. Magiging kuya na ako.

"May alam ka ba, Chase?"

"Bakit hindi niyo na lang po tanungin si mama?"

Humarap na ulit si mama sa amin kaso tiningnan niya lang ng masama si papa.

"You're so stupid, Creed. Sabagay, paano mo naman malalaman kung minsan ka nga lang namin makasama. Mas mahalaga pa sayo ang misyon mo kaysa sa amin ni Chase."

"Huh? What are you talking about? Ginagawa ko lang naman ito para kaligtasan niyong dalawa ni Chase, Eva. Ayaw ko may mapahamak sa inyong dalawa."

"Fine, whatever. Sasabihin ko na. Buntis ako. I'm pregnant to our second child." Napangiti ako ng malapad. Excited na ako makita ang magiging kapatid ko.

"Shit. Seryoso, Eva? Magiging ama na ulit ako." Niyakap ni papa si mama. Nakikita ko ang sweetness ng mga magulang ko. Hindi sila nagaaway na dalawa. Alam ko naman mahal rin naman ni papa si mama kahit noon pa bago pa ako pinanganak.

"Papa."

"Yes, I know. Dapat mamaya ko pa gagawin ito pero dahil sa surpresang sinabi mo sa akin kanina ay gagawin ko na." Lumunod na sa harapan ni mama si papa. "I know I'm not your ideal or a perfect guy pero ako ang minahal mo ng ganito. Tinanggap mo kung sino talaga ako. Ikaw at ang mga anak natin ang mahalaga sa akin. Evalyn Fernandez, will you marry me?"

Wala kahit anong sagot mula kay mama kaya halatang kabado si papa sa pwedeng sagot ni mama.

"Y-Yea, I will marry you." Pati ako ay napangiti sa sinagot ni mama. She said yes. Yay! Matutupad na ang pangarap ko noon pa.

"Thank you, Eva. I love you." Nagtakip ako ng mata dahil hinalikan siya ni papa.

Tiningnan ko ang bracelet na binigay sa akin ni Rina bago pa sila umalis ng Pilipinas hahang nakangiti.

Rina, malapit na matupad ang isang pangarap ko. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya.

"Can we name our second baby Cress?"

"Bakit naman?"

"May pakiramdam akong lalaki ulit ang magiging anak natin."

"Paano naman kung babae ang magiging anak natin? Hindi naman pwedeng Cress din ang ipapangalan sa kanya."

"Magiisip ako na magandang pangalan kung babae ang magiging anak natin."

Ang gusto ko din paglaki ko ay makahanap ng katulad ni mama hanggang sa nakilala ko si Rina. I know I called her ugly even she is not ugly. Bagay nga talaga sa kanya ang maging model balang araw. Kapag hindi siya matanggap sa mga agency ay hindi sila marunong pumili ng magagaling na model. Kahit matagal pa ay magiging #1 fan ako ni Rina. Bibilihin ko lahat na magazine kung siya ang nasa cover picture nito.

Fall Into YouOnde histórias criam vida. Descubra agora