Chapter 42

720 25 2
                                    

Chase's POV

Everything is fine habang hindi ako busy sa trabaho ay bumalik ako ng Pilipinas for the preparation of our wedding dahil dito namin gusto ni Rina pero ang sabi ni Rina ay si Angel na lang ang pumili ng simbahan para sa kasal namin but I suggest kay Angel na ako na lang ang pumili at pumayag naman siya sa akin. Nandito kami ni Angel kasama si Cress sa Tagaytay para tumingin sa mga simbahan at mabuti na lang walang pasok ang kapatid ko dahil bakasyon.

"What do you think of this church, Gel?"

"I think it's fine. Kayo naman ang ikakasal hindi ako."

"You're the wedding planner that's why I'm asking your opinion."

"Sungit naman nito. Okay naman siya para sa wedding niyo ni Rina. Pero bakit dito mo pinili? Sa daming simbahan dito sa Pilipinas Tagaytay pa talaga."

"Dahil simbahan na ito ang gusto ni papa na pakasalan ang mama ko pero hindi natuloy."

"Ohh... Sorry for asking that kind of question."

"No, it's all right." Hinanap ko si Cress until I found him is talking with someone. Sa tingin ko kausap niya ay isang pari.

Maya maya pa ay lumapit na sa amin si Cress.

"Sorry, kuya kung nangealam na ako sa kasal niyo ni ate Rina ah."

"No, it's okay. Kung may suggesstion ka para sa kasal namin ay ayos lang." Nakangiting sabi ko sa kapatid ko.

"I talked with Fr. Francis na siya na lang ang magpakasal sa inyo at pumayag naman siya. Okay lang ba?"

"It's okay, big boy." Ginulo ko ang buhok ng kapatid ko then lumapit kay Fr. Francis para kausapin siya. And everything is set kahit yung date ng kasal namin ay maayos na.

Pagkatapos namin sa simbahan ay sumakay na ulit kami sa kotse.

"Kuya, ate Angel, pwede po bang kumain na muna tayo? Nagugutom na kasi ako."

"Sure. Ewan ko lang sa kuya mo kung ayos lang."

"Okay lang. Tutal gutom na rin ako at anong oras na rin." I checked my watch and it's already past 2.

Pununta kami sa isang kainan ng bulalo. Ang balita ko kasi masarap ang bulalo rito sa Tagaytay. Kaya iyon na lang ang inorder namin with rice and drinks na rin.

"Hindi niyo pa ba kinausap si Trixie para kunin ang gown and tux niyo?" Tanong ni Angel sa akin habang naghihintay ng order namin.

"Not yet. Maybe after this preparation pupuntahan ko na lang si Trixie para kunin sa kanya ang tux ko."

"How about Rina? Kailangan din niya bumalik sa Pilipinas."

"Gusto mo lang makita ang anak namin." Tinaasan niya ako ng isang kilay. Taray talaga ng babaeng ito, paano pa kaya si Trixie? Nahirapan nga kami kumbensihin ang babaeng iyon na bigyan niya kami ng discount sa damit na gagawin niya. She is a professional fashion designer. Pumayag siya na bigyan ng discount basta ipasok ko daw siya sa RMA and we made a deal. Malakas naman ako kay David kaya nga naipasok ko doon ang girlfriend ko na walang kahirap hirap. "Pero kakausapin ko na lang si Rina na bumalik rito kasama si Charles."

"Dapat a day before wdding... dahil bawal magkita ang groom at bride bago ang araw ng kasal nila baka hindi matuloy ang kasal niyo."

"Yes, I know. Takot ko lang na hindi matuloy ang kasal namin." Biro ko. Pero sa kaloob looban ko ay takot talaga ako na hindi matuloy ang kasal kahit alam kong malayo mangyari dahil mahal naman ako ni Rina.

Dumating na yung inorder namin kaya nagsimula na kaming kumain.

"Saan niyo pala balak maghoneymoon ni Rina?"

"Hawaii? Or maybe Maldives? Pero sobrang common kung sa Maldives kaya siguro Hawaii na lang."

"Hirap talaga kung mayaman kahit yung lugar kailangan pang pagisipan."

"Siyempre. Dapat memorable ang scene."

"May ganoon ka pa nalalaman." Binaling naman ni Angel ang tingin niya kay Cress. "Ikaw ba, Cress palagi mo ba inuubos ang pera ng kuya mo?"

"School at bahay lang ang daily routine ng kapatid ko kaya huwag mong turuan na gumala iyan."

"Boring naman. Minsan lang tayo maging teengager kaya enjoy lang ang buhay, Cress."

"Angel, baka makalimutan kong kaibigan ka ni Rina at malalagot ka sa akin pag nalaman kong gumala ang kapatid ko." Pagbanta ko sa kanya kahit alam ko naman hindi gagawin ni Cress iyon.

"Ang strict talaga ng kuya mo."

"Ayaw ko lang po madisappoint sa akin si kuya kaya sinusunod ko ang gusto niya. Para rin po sa akin ito kaya ginagawa ni kuya." Sagot ni Cress kaya ngumiti ako sa kanya. Matalinong bata itong kapatid ko.

"Kaya pala wala ka pang girlfriend."

"Wala pa po sa plano ko ang magkaroon ng girlfriend kahit maraming babae ang nangliligaw sa akin kaya yung mga tropa ko ay inaasar akong bakla dahil wala man lang ako napupusuan na kahit sino sa school."

"Baka nga bakla ka."

"Sira ulo ka. I know my brother kaya masasabi kong hindi siya bakla."

"Paano ka nakasigurado? Minsan ka na lang bumisita rito sa Pilipinas at hindi ka nga sigurado kung bakla o hindi ang kapatid.

"Ate Angel, I'm 100% hindi ako bakla. Mas inuna ko na muna ang studies then maghahanap ako ng work pagkagraduate ko ng college saka na yung mga babae."

"Nerd pala itong kapatid mo."

"Mas okay na ang nerd kumpara sayo na war freak. Kaya siguro walang lalaki ang pumapatol sayo kasi kahit sino inaaway mo."

"Anong war freak? Friendly kaya ako.

"Friendly? Saan banda? Baka siguro kung sinapian ka ng isang anghel. Hindi nga bagay sayo ang pangalan mong Angel kahit ako ay inaaway mo noon."

"Tingnan mo itong kuya mo, Cress ang sama ng ugali. Ewan ko nga kung bakit ikaw ang minahal ni Rina."

Umiling lang ako bago sumagot sa kanya.

"Rina loves me whoever am I. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ang babaeng mahal ko."

"Gusto ko pag nakita ko ang ang babae para sa akin yung katulad ni ate Rina." Sabi ni Cress kaya ginulo ko ang buhok ng kapatid ko.

"Siguraduhin mong mabait ah."

"Oo naman, kuya."

"Anyway, Cress pagkagraduate mo ay tumira ka na kasama namin dahil nakakahiya na kay uncle. Tumatanda na walang love life." Natatawang sabi ko pero humalakhak naman si Cress.

"Hindi yata interesado si uncle Buck pumasok sa isang relasyon. Balak siguro tumandang binata." Loko talaga itong kapatid ko, manang mana sa akin. Kahit ano pwede magaya sa akin yung pagiging loko-loko ko pa.

~~~~

Halos lahat ng genre ay nasa isang story. May comedy, romance, action, drama pero walang horror. Hindi kasi ako fan ng horror haha

-Skye

Comment and press ☆ to vote.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now