Chapter 31

651 20 0
                                    

Rina's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto namin dahil mamayang hapon pa naman yung appointment ko sa OB kaya heto tinawagan ko sila dad dahil miss na miss ko na sila.

"Hi, pumpkin." Bumangad sa akin ni dad pagkasagot niya sa video chat.

"'Musta na po kayo? Si mommy? At mga kapatid ko po?"

"We're fine. Ang mommy mo naman ay busy sa pagalaga kay Jamie dahil nilalagnat."

"Is she okay now, dad?" May pagaalala sa boses ko dahil hindi ko alam na may sakit pala si Jamie.

"Yes. Kahit pa paano ay bumaba na rin ang lagnat ng kapatid mo."

"I'm glad. Si Kurt po? Elliot and Kenzo?"

"Kurt got his promotion. Si Elliot at Kenzo nakakuha ng mataas na grades sa lahat na subjects nila." Kwento ni dad.

"Gusto ko po sana bumalik diyan baka hindi ako payagan ni Chase."

"It's okay. We understand your situation lalo na't buntis ka sa first grandchild namin. Pero medyo nagtatampo pa rin sayo."

Nataka ako sa huling sinabi ni dad. May ginawa ba akong mali para ikatampo niya?

"Bakit po? Ano po ang ginawa ko?"

"Binigyan niyo agad kami ng mommy niyo ng apo kahit hindi pa kayo kasal ni Chase."

"Why? You gave granny the most beautiful graddaugher kahit hindi pa po kayo kasal ni mommy ah. Correct me if I'm wrong, dad." I heard my dad groan dahil alam niya ang ibig kong sabihin at totoo naman iyon.

"Kung hindi ka lang buntis malalagot ka sa akin bata ka. Napakapilya mo. Kanino ka ba nagmana?"

"Dad, marami nagsasabi na nagmana ako sayo. Baka sayo namana ko ang magkapilya."

"How rude." Natatawa na lang ako sa reaksyon ni dad but I missed talk with them like this. Tropa tropa lang kasi ang gusto ni dad but we respect our parents. Siyempre mga magulang pa rin namin sila. "Anyway, ilang buwan ka ng buntis?"

"5 months po."

"So alam niyo na ni Chase ang gender ng magiging anak niyo?"

"Not yet." Pailing iling pa ako ng ulo bago dugdungan ang sinabi ko. "Later pa po namin malalaman ang gender ng anak namin."

"I see. Pero ano ang plano niyo?"

"I don't know. Hindi naman po namin pinaguusapan ni Chase kung ano ang plano."

"Why? Dapat ganitong sitwasyon ay yayain ka na niya magpakasal."

"Baka po may surprise siya para sa akin. O baka naman pinaghahandaan pa niya ang araw na iyon. Hindi naman po ako nagmamadali, eh."

"Hindi na kayo mga bata pa kaya bahala na kayo sa gusto niyong gawin sa buhay at huwag mo na rin kami isipin dito ah. Nagiging maayos naman kami dito lalo na't malaki naman ang sinasahod ng kapatid mo noong napromote siya sa trabaho."

"Hindi ko po magagawa iyan, dad. Kayo ang priority ko."

"No, pumpkin. Dapat ang priority mo ngayon ang magiging anak niyo ni Chase at siyempre iyang boyfriend mo rin. Mukha naman inaalagaan ka niya ng mabuti."

"Yes po. Pero may panahon na hindi kami magkasundo na dalawa."

"It's normal. Ganyan din kami ng mommy mo. Hindi talaga maiiwasan sa isang relasyon ang tapuhan, awayan..."

"Aware naman po na mangyayari iyan sa amin ni Chase lalo na po pareho kaming sikat at maraming fans ang babaliw sa aming dalawa."

"Sana wala mangyaring masama sa magiging apo ko dahil busy ka sa modelling, Rina."

"Magmamaternity leave na po ako pagbalik namin ng Italy."

"Pagbalik?" Nakita talaga ang pagkunot ng noo ni dad. "Saan kayo ngayon?"

"Philippines."

"Pilippines?! Ano naman ang ginagawa niyo diyan?"

"Bakasyon po."

"Kung bakasyon eh, sana dito na lang kayo sa Australia."

"May gusto po akong puntahan dito kaya nandito kami ngayon ni Chase at sawa na rin po ako sa pasyalan diyan sa Australia, dad. Lumaki at nakapagtapos ako sa pagaaral kaya medyo kabisado ko na ang mga lugar." Pabiro ko kahit totoo naman ang sinabi ko. "At dito rin po ako pinanganak ni mommy."

"Well, I love Philippines. Kung wala lang dito ang lola at auntie Gail mo ay hindi ako babalik dito sa Australia." Napangiti ako kay dad. I know how he loves granny and aunt Gail.

"I have to go."

"Wait! Don't forget to visit your lola't lolo at ang mga uncle mo. Sige ka baka dalawin ka nila."

"Dad, manakot daw ba."

"Kidding. Basta bisitahin mo na lang sila ah."

"I will. I love you po."

"I love you too, pumpkin." Sinarado ko na yung laptop and I felt someone's presence kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko si Chase nakatayo sa may doorframe. "Chase, kanina ka pa ba diyan?"

"Not so long but it seems like you really enjoyed talk with tito Enzo." Nakangiting sabi niya habang lumalapit sa akin.

"Siyempre. Miss ko na rin kasi sila lalo na't sinabi ni dad na may lagnat si Jamie."

"It is just a fever. Gagaling rin si Jamie at ayaw nilang bigyan ka ng problema."

"Hindi pa ba tayo kakain? I'm starving." Nakangusong tugon ko sa kanya habang hawak sa tyan ko.

"Let's go downstairs. Nakahanda na ang pagkain sa dining at may nanggugulo na naman sa ibaba."

"Who?" Inalalayan niya akong tumayo at sabay na kami bumaba ng hagdanan.

"Who else? Si Gids."

"Hayaan mo na siya baka gusto niya lang bumisita dito."

"Wala tayong privacy sa umaga kung nandito siya." Sumimangot ang katabi ko ngayon.

"Ikaw talaga." Pinisil ko ang pisngi niya.

Pagkatapos kumain ng lunch ay hindi rin naman tumagal si Gideon, sa totoo nga niyan ay nakikain lang siya dito kasama namin. At nagpasya na rin kami pumunta na sa OB para sa monthly check up. Mabuti na lang ay wala masyadong tao ngayon sa tapat ng clinic kaya pumasok na kami ni Chase sa loob at pinahiga na ako ng doctora sa kama habang si Chase ay hawak ang isang kamay ko at may pinahid na sobrang lamig na gel sa tyan ko. Tumingin kami pareho ni Chase sa monitor habang sinasabi sa amin kung nasaan ang ulo at katawan ng baby. Laking tuwa ko ngayon dahil may buhay talaga sa loob ko.

"Dra, can we know the gender of our baby?" Tanong naman ni Chase.

"Do you really want to know the gender?" Agad naman tumango si Chase sa tanong ng doctora after he looked at me. Kaya napatango na rin ako dahil gusto ko rin naman malaman gender ni baby. "Okay, then."

Pinakita na sa amin ng doctora ang private parts ng baby.

"It's a boy." Sabi ng doctora kaya natuwa kami pareho ni Chase nalaman na lalaki ang magiging first baby namin.

"I'm having a baby boy." Masayang sambit ni Chase habang nakatingin sa akin and he mouthed; thank you. Masaya akong makitang masaya ang lalaking ito.

Pagkatapos ng check up namin ay naglalakad kami sa parking lot.

"Do you have any plans for today?" Tanong niya sa akin.

"Gusto ko sana pumunta sa sementeryo kasi may bibisitahin lang ako. Kung ayos lang sayo."

"Sino bibisitahin mo?"

"Mommy's family. They died when she was young kaya si mommy lang nakasurvive noong may nagambush sa kanila."

"Kaya pala hindi ko nakilala ang family ni tita Aria." Tumango ako sa kanya. "Okay, pupunta tayo kasi gusto ko rin bisitahin si mama."

Fall Into YouWhere stories live. Discover now