Chapter 2

1.1K 39 1
                                    

Simula noon ay naging matalik na kaibigan ko na si Chase. Tuwing umaga nga ay pumupunta pa siya sa bahay namin dahil gusto niya makipaglaro sa amin ni Kurt. Mukhang tama nga ang sinabi ni Trixie na may crush sa akin si Chase. Kung wala kasi hindi ito palagi nandito.

Pero ayaw ko rin magassuming dahil mga bata pa naman kami.

Habang nandito kaming tatlo sa park dahil pinapasyal kami ni Chase ngayon sa paborito niyang pasyalan. Abala nga si Kurt maglaro sa padulasan.

"Bakit pala kayo lumipat ng tirahan?" Tanong ni Chase sa amin.

"Nasa Australia kasi ang pamilya ni daddy kaya doon rin kami nakatira. Pero pagbakasyon naman namin ni Kurt ay dito kami pumupunta."

"Ah. Next time pala pumunta ka sa bahay para pakilala kita kay mama. Mabait iyon at saka siya palagi kong kasama sa bahay, eh."

"Si tito Creed?"

"Minsan ko lang makita si papa. Pero kahit hindi kasal ang mga magulang ko ay thankful pa rin ako kasi kahit pa paano nakilala ko si papa. Hindi katulad ng ibang bata hindi nakilala ang mga tatay nila dahil hindi kasal ang parents nila."

"Pareho pala tayo." Ginagalaw ko ang swing. "Noong pinanganak kasi ako ni mommy wala akong kinalakihang daddy. Hindi kasi alam ni daddy may anak siya kay mommy. Limang taon ako noong nakilala ko si daddy."

"Baby pa lang daw ako kilala ko na si papa pero sabi ko nga minsan lang siya magpakita sa amin ni mama. Kapag busy si mama sa work niya sa bahay ako ni uncle Buck." Napakurap ako dahil kilala niya rin pala si tito Buck. Kaibigan rin siya ni daddy at tito Aizen.

"Uncle Buck?"

"Hm, kababatang kapatid ni mama. Evalyn Fernandez ang pangalan ni mama."

"Kaya naman pala. Kaibigan rin kasi ni daddy at tito Aizen."

"Siya ba yung magaling na doctor? Noong nagkasakit kasi noon ay binigyan niya ako ng lollipop pero hindi ko naman pinangarap maging katulad niya paglaki ko."

"Ano ang pangarap mo?"

"Ang gusto ko sana maging artisita. Iyong makilala ang pangalan ko sa buong bansa. Sisikapin ko talagang tuparin iyon paglaki ko."

Ang hirap pala abutin ang pangarap ni Chase sa buhay. Isang artisita pa talaga.

"Kapag sumikat ka na huwag mo ko kakalimutan ah." Tumingin ako sa kanya sabag ngiti naman niya sa akin.

"Oo naman. Ikaw kaya ang naging best friend ko." Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi naman pala masamang tao si Chase kung makilala mo ng lubusan.

May narinig kaming tunog ng naglalako ng ice cream kaya tumayo kami ni Chase para lumapit.

"Ano ang gusto mong ice cream? Libre na kita, Chase."

"Um, chocolate na lang."

"Tatanungin ko lang si Kurt kung gusto rin ba niya ng ice cream." Humarap ako kung nasaan ang kapatid ko. "Kurt!"

"Bakit, ate?"

"Gusto mo rin ba ng ice cream?"

"Yes! Chocolate flavor ng ice cream."

"Manong, tatlo nga pong chocolate ice cream." Sabi ko sa naglalako kaya kumuha na siya ng tatlong ice cream.

"Heto na, hija." Inabot na sa amin ang ice cream at kinuha namin agad iyon. Binayaran ko na si manong naglalako at bumalik na kami ni Chase sa swing kung saan kami nakaupo kanina.

"Ikaw, Rina. Ano ang pangarap mo maging paglaki mo?"

"Gusto ko maging katulad ni daddy pero wala naman akong passion sa pagiging photographer. Sa tingin ko maging model na lang siguro."

"Wow. Artista ako tapos model naman ikaw. Eh, huwag mo rin ako makalimutan kapag naging model ka na ah."

"Oo naman. Bakit naman kita kakalimutan?" Tanong ko sabay subo sa ice cream.

Nakita ko ang paglapit sa amin ni Kurt. Napagod na siguro maglaro sa ibang bata ang kapatid ko.

"Ate, uwi na tayo. Malapit na gumabi." Sabi nito. Tiningnan ko ang relos ko. Nawala nga sa isip ko ang oras.

"Sorry, Chase. Uuwi na kami ni Kurt. Bukas ulit ah." Paalam ko kay Chase bago pa kami umalis ni Kurt sa park.

Pagbalik namin sa bahay ay bumaba ng hagdanan si daddy galing siguro siya sa kwarto nila.

"Nandito na pala kayong dalawa. Nakaayos na ba kayo ng mga gamit niyo?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni daddy.

"Ano po meron?"

"Malapit na ang pasukan niyo kaya kailangan na natin bumalik sa Australia."

Oh gosh! Nawala sa isip ko ang tungkol sa paguwi namin. Nangako pa naman ako kay Chase na bibisita ako sa kanila next time. Kailangan ko pa magpaalam ng maayos sa kanya na kailangan na namin bumalik ng Australia.

Kinaumagahan ay nakabihis na ako lahat-lahat an ready to leave pero ang tagal kumilos ni Kurt.

"Rina!" Lumingon ako sa tumawag sa akin at hingal na hingal siya. Tinakbo ba niya ang papunta dito?

"Chase..."

"Totoo bang aalis na kayo ngayon?"

"Oo, eh. Sorry kung hindi ko nasabi sayo kahapon kasi nagenjoy ako makipagkwent--" Naputol ang sasabihin ko dahil nakita kong lumuluha na ang mata ni Chase. Maiiyak na siya. "Chase..."

"Pangako hahanapin kita paglaki natin." Laking gulat ko ng dumampi ang labi niya sa labi ko. Ninakaw ni Chase ang first kiss ko.

May narinig akong tumikhim at pareho kami ni Chase ang napalingon doon sa tao. Patay!

"Daddy?!"

"What did I just saw? Chase!" Nang gigil sa inis si daddy ngayon. Lagot, nakita yata niyang hinalikan ako ni Chase kanina.

"Tito Enzo, alam ko pong bata pa kami ni Rina pero gusto ko na humingi ng permiso niyo. Gusto ko pong pakasalan si Rina." Nagulat ako sa sinabi ni Chase. Kulang na lang lumuwa ang eyeballs ko. Gusto ako pakasalanan ni Chase?

"Chase, papayag lang ako kapag tapos na kayo sa pagaaral ni Rina."

"Pangako po! Magsisikap ako para sa future namin ni Rina." Humarap naman sa akin si Chase. "Rina, I love you."

Yumuko ako dahil paniguradong namumula na ang pisngi ko ngayon. Ngayon pa lang kasi may lalaking nagtapat sa akin. Wala kasi may gustong lumapit sa akin dahil kilala ang Evergreen sa Australia.

"Ang mga bata nga naman." Rinig kong sambit ni daddy. "Aria, kausapin mo nga itong anak ng kaibigan mo."

"Chase, may ibibigay pala ako sayo." Kinuha ko ang braso niya at sinuot ko sa kanya ang ginawa kong bracelet. "Isa ka sa naging best friend ko maliban kila Angel at Trixie. Kahit malayo tayo sa isa't isa ay hinding hindi kita makakalimutan."

Fall Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon