Chapter 11

816 27 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw pero iniisip ko ang nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala mangyayari iyon pero mukhang galit yata si Chase sa akin ngayon, kaya pumilit na ako bumangot kahit masakit pa ang katawan ko. Bumaba na rin ako para kumain ng almusal pero nakasalubong ko si Chase paakyat.

"Good morning." Nakangiting bati niya sa akin.

"Hindi ka galit sa akin dahil sa nangyari kagabi?" Mabilis siyang umiling sa akin.

"Why? Pinagsisihan mo ba ang nangyari?"

"No, wala akong pinagsisihan na kahit ano." Yumuko ako dahil nahihiya talaga ako.

"Bumaba ka na para makakain." Sabi niya kaya tumango ako at bumaba na para pumunta sa kusina.

"Good morning." Bati ko kay Gideon kaya humarap siya sa akin na may hawak na tasa.

"Morning. Coffee?" Pag alok niya sa akin ng kape pero umiling lang ako sa kanya. Mas gusto ko ang uminom ng gatas kaysa kape.

"Thank you pero hindi ako mahilig sa kape." Sabi ko. Hindi naman kasi ako coffee lover.

"Okay. Kung gusto mo ng gatas. Here." May inabot siyang lalagyanan ng gatas. Wow ah. Hindi ko alam marunong na siya magbasa ng isip ng ibang tao.

"Salamat." Kumuha na ako ng tasa at kutsara para magtimpla na ako ng gatas.

"Heto ang mainit na tubig ah." Tinuro niya sa akin kung saan ang mainit na tubig kaya tumango ako sa kanya.

"Tapos na ba kumain si Chase?" Tanong ko.

"Huwag mo ng isipin ang lalaking iyon. Sanay na hindi kumakain iyon at minsan nga alak lang ang laman ng sikmura noon."

"Magkakasakit siya sa ginagawa niya."

"Masyado kasing workaholic si Chase. Hindi na nga siya masyado nabibisita ang kapatid niya."

"May kapatid siya?"

"Meron. Nasa bahay ng uncle niya kasi hindi na rin masyado nagpapakita sa kanila ang papa nila kaya silang dalawa na lang ng kapatid niya ang magkasama pero noong nakapagtapos sa pagaaral si Chase ay nawawalan na rin siya ng oras kay Cress."

"Rina- I mean Viel." Lumingon ako pero nakita ko ang pagkamot ni Chase sa batok niya. "Sorry, hindi kasi masyado sanay tawagin kang Viel."

"It's okay. Pero bakit mo ko tinawagan?"

"Gusto ko magquit ka na sa studio na iyon dahil ipapalipat kita sa mas kilala at alam ko naman kakayanin mong makapasok."

"Saan naman ako lilipat?"

"Agenzia di modelli rumeni." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Totoo ba ito? "Believe it or not pinasok kita doon kanina at nagustuhan naman agad kaya mamaya ay samahan kita doon."

"Talaga? Pero paano?"

"Marami akong contacts, Viel at kilala ko si David Romano."

"Wow. Congrats, Viel." Nilingon ko si Gideon.

"Thank you." Lumapit ako kay Chase at hinalikan ko siya sa labi dahil sobrang tuwa ko.

"Um, alis na ako baka makaisturbo ako sa inyong dalawa." Sabi ni Gideon kaya umalis na siya. Pakiramdam ko tuloy namumula na ang pisngi ko.

"I love you, my queen."

"I love you too."

Nakita kong namilog ang mga mata niya.

"Really?"

"Hm." Umiinom na kasi ang gatas ko pero napasinghap ako noong buhatin niya ako. Muntik ko na nga mabitawan ang hawak kong tasa. "Chase naman, eh."

Fall Into YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora