Chapter 30

668 18 0
                                    

Vote and comment naman diyan. Hindi naman ako nangangaen hahaha

~~~~

Umuwi na kami noong pagkakuha namin sa orders kaya ito si Rina ay nasa sala habang kumakain ng pepperoni pizza. At ako naman ay tinawagan si Sander para turuan niya ako kung ano ang secret niya sa paggawa ng carbonara.

"Sorry sa isturbo, Sander."

"Ayos lang. Bakit ka pala tumawag?"

"Gusto ko lang malaman kung ano ang sikreto mo sa paggawa ng carbonara at gustong gusto ni Rina." Narinig ko ang pagtawa ni Sander sa kabilang linya. Pagtawanan daw ba ako.

"Wala akong sikreto sa paggawa ng carbonara. Ginagaya ko lang ang nasa recipe."

"Bakit iba siya sa ibang carbonara natikman ko? Sobrang sarap niya."

"May pagmamahal kasi ang bawat luto ko and I love cooking." Nakangiti siya sa akin habang sinasabi iyon.

"So you want to be a chef?"

"Hindi ko pinangarap ang maging chef, Chase. Masaya na ako kung ano ang trabaho ko."

"Paano ko lulutuin itong carbonara na kasing sarap ng luto mo? Gusto ko sundin ang gusto ni Rina kasi."

"Bakit? Nagaway na kayo?"

"Hindi naman kami nagaway pero nakita niya ako may kahalikan. But believe me, siya ang humalik sa akin at nakita iyon ni Rina kanina."

"Mahirap pa naman suyuan ang mga babae lalo na kung buntis pa sila..." Iyon na nga, eh. Hindi ako pinapansin ni Rina simula pa kanina. Tatango lang siya sa akin pero hindi kinakausap. Hirap ng ganito. "Okay. Alam ko hindi mo hilig ang pagluluto at ako lang naman ang nagturo sayo para hindi ka malipasan ng oras. Pero ang gawin mo lang ay iparamdam mo kay Rina kung gaano mo siya kamahal sa papamagitan ng pagluto ng gusto niyang kainin. Iyon lang."

"Ganoon lang?" Tumango siya sa akin. "Okay. Sisimulan ko na ang pagluto."

Sinabi sa akin ni Sander ang mga kailangan gawin sa carbonara kaya sinusunod ko lang naman siya. Siya ang human cook book ko. Pagkatapos ko magluto ay tinikman ko ang sauce.

"Musta?"

"Perfect! Masarap na ang sauce."

"Good. Para tuloy nagtatakam akong tikman ang luto mo." Natatawa pa siya.

"Next time, ipagluto kita pagbalik namin diyan."

"Aasahan ko iyan."

"Salamat ulit sa pagturo sa akin."

"You're welcome." Pinatay ko na yung video call. Naglagay na ako ng noodles sa plato, wala naman sinabi si Rina kung noodles ba o macaroni ang gusto niya para sa carbonara. Nilagyan ko na rin ng white sauce then ng cheese. Pumunta na ako sa sala kung nasaan siya habang nanonood ng tv.

"Here's your carbonara." Nilapag ko sa coffee table ang plato pero tinitigan lang niya. "Gusto mo subuan pa kita?"

Humarap siya sa akin sabay tango. Umupo ako sa tabi niya bago kunin ang plato nasa coffee table at pinaikot ko yung tinidor saka inabot sa kanya at sinubo.

"Well?" Hinihintay ko ang sagot niya kung gusto ba niya o ayaw. Hindi naman ako kasing galing ni Sander sa pagluto. Nakita ko siyang tumango.

"Masarap pero hindi pa rin kasing sarap kay kuya Sander." Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman inaasahan na kasing sarap ito ng gawa ni Sander. "Hindi naman ako umaasa na magagaya mo ang luto niya at alam kong ginawa mo ito para sa amin ng anak mo."

"Of course. I will do anything para sa inyong dalawa." Tuloy ang ang pagsubo ko sa kanya hanggang naubos na niya ang carbonara. Pinunasan ko ang white sauce nasa tabi ng labi niya gamit ang hintuturo ko.

"Thank you, Chase."

"Anything for you." Tumayo na ako bago bumalik sa kusina para hugasan ang pinagkainan ni Rina.

"Sir, ako na po diyan." Sabi ng isang maid.

"No, I'm okay. Tapusin mo na lang ang ginagawa mo." Utos ko sa kanya. Alam ko kasi hindi pa siya tapos maglaba ng mga damit. Pagkatapos ko maghugas ay tinuloy ko na ang pagluluto sa adobo na dapat kay Rina pero sa amin na lang ito dahil ayaw naman niyang kainin.

"Chase." Lumingon ako noong may tumawag sa akin. "Pwede ka ba bukas?"

"I'm always free hanggang hindi pa tapos ang isang linggo natin. Why?"

"Pwede mo ba ako samahan sa ospital?"

"Ano ang gagawin mo doon?"

"Check up habang nandito tayo. Hindi na kasi ako makapaghintay malaman gender ng anak natin." Kumunot ang noo ko dahil nawala sa isipan ko ang tungkol sa monthly check up niya.

"Sure." Ngumiti ako sa kanya.

Hindi pa ako tapos sa pagluluto pero binilin ko sa maid na tapusin ang pagluluto sa adobo dahil sinundan ko si Rina hanggang sa kwarto namin. Ngayo'y nakahiga na siya sa kama pero inamoy ko na muna ang sarili ko. Ang baho ko kaya nagpasya na muna ako maligo. Pagkatapos maligo ay kumuha na ako ng damit sa closet at tumabi na sa kanya pero hawak ko ang umbok ng tyan nito.

"Baby, sorry sa nangyari kanina dahil hindi iyon inaasahan ni daddy. Hindi ko rin kilala yung babae na pumunta dito kanina tapos bigla na lang niya ko hinalikan. Sorry talaga, baby at sana patawarin ako ni mommy mo."

"Chase." Inangat ko ang tingin ko. "Hinugasan mo ba ang bibig mo pagkatapos nangyari kanina."

"Yes. Kahit ako ay nainis sa ginawa niya."

"Come here." Natataka ako kaya lumapit ako sa kanya pero ang kinagulat ko noong hilahin niya ako dahil dumampi ang labi niya sa akin.

"Baka hindi ako makapagpigil pagtinuloy natin ito." I said between our kiss.

"It's okay. Go ahead."

"Pero ayaw ko masaktan si baby."

"I said it's okay. Alam ko namang maingat ka."

"Okay, I'll be gentle."

Kinabukasan...

Nagising ako dahil wala sa tabi ko si Rina pero may ilaw nagmula sa banyo. Pumunta na ako doon para tingnan kung nandoon siya at hindi nga ako nagkamali. Morning sickness again kaya lumapit ako sa kanya para haplusin ang likuran niya. Every morning ganito kami kaya nga nagigising ako ng maaga.

"Musta na ang pakiramdam mo ngayon?"

"Ayos na ako pagkatapos ko ilabas ang lahat na kinain ko kahapon." She flushed the toilet bowl. Inalalayan ko siya para tumayo at hinuhasan na niya ang kanyang bibig.

"You should go back to sleep after." Humihikab akong sabi sa kanya.

"Sorry, Chase. Dapat nagpapahinga tayo sa bakasyon natin pero palagi rin kita ginigising pag nagugutom ako tapos sa umaga naman ay magduduwal ako."

"No, it's okay. Gagawin ko ang lahat para sa inyo." Hinawakan ko na ang kamay niya noong tapos na siya. Bumalik na kaming dalawa sa kama pero hinawakan ko ang umbok ng tyan. "Baby, huwag mo na paghirapan sina mommy at daddy ah."

"Chase." Tumingala ako kay Rina. "I love you."

"I love you too." Humiga na ako sa tabi ni Rina at pinaunan ko na sa kanya ang isang braso ko. "I should talk with David."

"Bakit? Papaalisin mo na ako sa RMA?"

"No. Kakausapin ko siya para sa maternity leave mo. Hindi ka na muna pwede bumalik sa trabaho hanggang hindi ka pa nanganganak at ako ang lalaki kaya ako ang bahala sa gastusin natin." Tumango siya sa akin at niyakap na rin niya ako kaya gumanti na ako ng yakap sa kanya.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now