Chapter 34

633 23 0
                                    

Ngayon ang araw na pupunta kami sa birthday ng kambal. Kilala ko rin silang dalawa dahil madalas ko nakikita si Aiden na may nabibiktimang tao sa school namin noon kaya madalas principal's office pag may nagsusumbong sa ginagawa niya.

"Sorry, nagpupumilit na susmama si Gids noong nalaman niyang may pupuntahan tayong birthday ngayon."

"Ayos lang. Kahit sino naman pwede sumama sa birthday ng kambal."

"Salamat, Rina. Si Chase kasi ayaw pa ko---" Siniko ko sa tagiliran si Gids at binigyan ko siya ng masamang tingin. "I mean wala iyon. Ako na muna ang magmamaneho papunta doon."

"Marunong ka magmaneho ng sasakyan?" Tanong ni Rina sa kanya.

"Oo, marunong naman ako at saka wala rito si Sander kaya walang magmamaneho sa inyo."

Pagkasakay namin ay nasa backseat kami ni Rina at si Gids ay nasa driver's seat. Pinatakbo na niya yung sasakyan para makapunta na kami sa bahay ng tito Aizen ni Rina bago magsimula ang birthday nila.

"Gids, musta ka na? Medyo matagal na rin yung huling pagkikita natin."

"Oo nga. Noong nasa Baguio pa tayo noong huling kita natin. Medyo busy lang ako nitong mga nakaraang araw kasi miss ko na rin ang pamilya ko kaya pinasyal ko sila at nag-out of town rin kami."

"Sweet. Siguro kung magkaroon ka ng girlfriend ay maswerte siya sayo." Tumingin sa akin si Rina. "Hindi ba?"

"I don't think so... Hindi kasi maging seryoso si Gids lalo na sa relasyon."

"Grabe ka, Chase. May hinahanap kasi akong babae. Nakilala ko siya 2 years ago na pero hindi ko rin alam ang pangalan niya kaya hindi ko na tinuloy sa paghahanap sa kanya."

Napansin kong nakangiti si Rina sa sinabi ni Gids. May alam ba yung girlfriend ko na hindi ko alam? I need to know what's going on and I need to know who's that woman Gids' looking for para matulungan ko siya.

"Bakit gusto mo siya makita? Iyan din ang sinabi mo sa akin noong nasa strawberry farm tayo." Napatingin sa amin si Gids noong huminto dahil sa traffic.

"Nakalimutan mo na yata ang sinabi ko noon sayo, Chase. Lasing ako noon kaya hindi ko rin alam masyado maalala ang nangyari pero pagkagising ko kinabukasan ay nasa isang hotel room ako at may nakita akong dugo sa bedsheet." Tumingin na ulit siya sa daanan noong nag-green light na at pinatakbo na ulit niya ang sasakyan. "I'm only 19 years old that time."

"Paano kung nabuntis mo pala yung babae na hindi mo man lang alam." Napatingin ako kay Rina dahil sa sinabi nito. Hindi imposible ang sinabi niya maliban na lang kung baog si Gids.

"I don't know. Kaya kailangan ko mahanap siya, eh."

Nang nakarating na kami sa bahay ng tito Aizen ni Rina ay bumaba na kami dahil maghahanap pa daw si Gids na magpaparadahan kaya pinauna na niya kami sa loob.

Isang babae ang nakita namin. Sa tingin ko siya ang asawa.

"Hello po, tita Aya."

"Rina." Niyakap niya si Rina. "Ang akala ko dito ka sa amin tutuloy."

"Hindi po kasi tumuloy si Chase pabalik ng Italy hanggang hindi po ako nanganganak ngayon."

"You must be Chase. Naku baka matuwa si Irene pag nakita ka dahil fan na fan ang batang iyon."

"Ayos lang po iyon, ma'am. It's her birthday kaya papakilala ako sa kanya."

"Pasok na muna kayo." Pag alok sa amin.

"Tita, may isa pa po kaming kasama pero naghahanap pa ng parking."

"Medyo mahirap na maghanap ng malapit na parking dito sa bahay dahil ang daming inimbita ng kambal."

Fall Into YouOnde histórias criam vida. Descubra agora