Chapter 29

594 20 0
                                    

Chase's POV

Napakamot na lang ako ng ulo nang may nagdodoorbell, uncle Buck wasn't here. Si Cress naman ay may pasok at sigurado ako nasa school na. At si Rina naman ay nakipagkita sa mga kaibigan ngayon kaya pagkahatid ko sa kanya kanina ay umuwi na ako para makatulog dahil hindi ako makapatulog paggabi, she always craving at night. Ewan ko ba sa anak namin kung bakit sa gabi sila nagugutom. Nagbakasyon ka nga pero hindi ka naman pinapatulog. Pag narinig lang ni Rina nagrereklamo ay panigurado akong magagalit iyon sa akin. May mood swing minsan.

Pagbukas ko ng gate sa bahay ni uncle Buck ay may isang babae ang bumungad sa akin. Who the hell is she?!

"Chase!" Kumunot ang noo ko. I don't know, maybe she is one of my fans. Sa daming fans ko ay hindi ko maalala ang mga mukha nila kaya lang paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Mas kinagulat ko noong niyakap niya ako.

"Wait, miss." Nilayo ko siya sa akin at mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya. Masyadong clingy at iyon lang masasabi ko sa babaeng ito. "I'm sorry but I don't know you."

"Is that how you treat your girl?"

My girl?! First of all wala ako naging girlfriend noon maliban kay Rina. Loyal kaya ako sa kanya kahit malayo kami sa isa't isa ay hindi ako naghanap ng ibang babae at hindi ako nakipagrelasyon kung kani-kanino. Kaya nga natatawag ako noon na bakla dahil wala daw akong interest sa mga babae. Inaamin kong magaganda sila at may kinabukasan pero yung puso ko ay may pagmamay ari na ng iba.

"Let me remind you, miss... I don't have any ex girlfriends." Ang kinagulat ko noong hinalikan niya ako sa labi at napaangat ako ng tingin dahil natanaw ko si Rina kaya naitulak ko yung babae. "Fuck!"

Ngumiti sa akin si Rina na pilit lang bago siya pumasok sa loob ng bahay.

"Pag kami nagaway ng girlfriend ko... I swear, I will hunt you down. Hindi mo alam kung paano ako magalit, babae!" Pagbanta ko sa kanya at mukhang natakot siya sa akin. Halatang baliw lang. Sinara ko na ang gate.

"Chase, wait!" Sigaw niya.

"I swear if you don't want to leave then I will call security!" Sigaw ko rin sa kanya at wala na rin akong narinig na ingay mula sa kanya. Napapamura na ako habang pinupunasan ang labi ko.

Pumasok na ako sa loob pero wala sa sala si Rina, mas lalong wala siya sa kusina kaya naisipan kong pumunta sa kwarto namin and there she is.

"Rina." Pagkuha ko ng atensyon niya but no response. Galit sa akin. Kaya tumabi ako sa kanya paghiga pero nilalayo niya ako sa kanya. Galit nga. "Rina, let me explain."

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag sa akin, Chase. Kitang kita ng dalawa kong mata ang nangyari kanina."

"Believe me, I don't know her. Bigla bigla na siya pumunta dito at hinalikan ako."

"At hinahayaan mo na lang na hinalikan ka?!" I sighed. I admit, it took 1 minute before I push that woman away from me.

"Lalaki lang ako pero wala siyang epekto sa akin." Goddammit! Ano ba itong sinasabi ko?! Lalo kong pinapalaki itong problema, eh. Pero wala akong narinig na sagot pero ang narinig ko na lang ang medyo paghilik niya. What the--- tinulugan ako pero hinayaan ko na lang siya matulog. Bumangon na ako para pumunta sa banyo para maghilamos ng mukha kahit nga bibig ko ay pinupunasan ko pa rin. That bitch I won't forgive her...

Maya maya ay pumunta na ako sa kusina para magluto at sigurado akong pagkagising si Rina ay gutom siya. I will cook her favorite.

"Ano iyang ginagawa mo? Suhol ba iyan para sa ginawa mo kanina?" Napatingin ako sa likuran, gising na pala siya pero nakacross ang arms nito.

"No, I know you're hungry when you woke up."

"Ayaw ko niyan." Agad nitong sagot kaya sumimangot ako sa kanya. "Bakit ka nakasimangot diyan?"

"But it's your favorite."

"Ayaw ko pa rin niyan." Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi ko naman pwede itapon ang adobo. Nasimulan ko na kasi lutuin at sayan kung itatapon. Kakainin na lang siguro namin ito mamaya.

"Okay. What do you want to eat? Bibilihin ko."

"I want carbonara yung kasing sarap ng luto ni kuya Sander and pizza."

"What?!" Napakamot ako ng ulo. Wala rito sa Pilipinas si Sander para utusan ko siya na magluto. I admit it, carbonara is his specialty dish.

"Nagrereklamo ka?" Pagtataray nito sa akin.

"No. Of course not." Pailing iling pa ako ng ulo. Nagsisi yata ako na binuntis ko si Rina ah kasi naman pakiramdam ko ay under ako sa kanya. Pero hindi naman ako nagsisi sa pagdating ng anak namin. I'm so happy for having our first baby.

Tumingin ako sa cabinet pero wala masyadong ingredients pang carbonara.

"What do you want? Noddles or macaroni style?" Tumingin ako sa kanya dahil nakatitig lang siya sa akin. Kulang na lang ay matunaw ako sa titig niya. "Bibili lang ako ng ingredients at pizza."

"I don't believe you. Baka puntahan mo lang ang babaeng iyon." Kumunot ang noo ko. Ngayon lang sinabi ni Rina na hindi niya naniniwala sa akin. She always trusted me.

"You want to come with me? Para alam mong pupunta ako sa grocery after that bibili ako ng pizza." Nakita ko na siyamg tumayo.

"Let's go." Nauna na siyang naglakad. Hindi naman ganoon mabilis ang paglalakad niya kaya sumunod na ako sa kanya.

Pagkarating namin sa grocery ay ang dami niyang nilalagay sa cart. Hindi naman ako makagreklamo dahil magagalit lang siya sa akin at ayaw ko ng scandal sa public place. Pero ang alam ko ang pinunta namin dito ay para bumili ng ingredients ng carbonara.

Umabot ng 4,340 ang nagastos ko dahil sa mga pinagkukuha niyang pagkain. Pagkatapos namin maggrocery ay pumunta na kami para makabili ng pizza.

"What flavor of pizza?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho ng sasakyan.

"I want hawaiian and pepperoni." Tumango ako sa kanya. Dalawa pa ang gusto pero sabi ko nga hindi ako pwede magreklamo kahit ang wallet ko na ang nagrereklamo.

Pinark ko ang kotse sa tapat ng isang pizza parlor kaya bumaba na kami pareho at pumasok na sa loob.

"Good afternoon, sir, ma'am. May I take your order?"

"Isang hawaiian at isang pepperoni." Sabi ko.

"Anong size po?" Tumingin ako sa mga sizes ng pizza nila. Wala rin naman sinabi si Rina kung anong size ang gusto niya.

"Yung pinaka malaki na lang." Sabi ko at binigay ko sa kanya ang credit card at may binigay siyang number.

"Serve na lang po namin." Tumango ako at pinuntahan na si Rina sa table.

"I bought the big one. Kung magutom kayo ni baby ay may makakain kayo." Tumango siya sa akin kaya umupo na ako sa harap.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now