Chapter 20

683 26 0
                                    

Chase's POV

Kinausap ko si Sander na samahan na niya muna si Rina. Hindi na rin nagtatanong sa akin si Sander kung bakit aalis si Rina sa puder ko at alam niyang problema naming dalawa iyon. Kailangan ko muna bigyan ng oras si Rina bago kausapin.

"Chase? Chase!" Napakurap ako nang may tumatawag sa akin. "Hay naku... tulala ka na naman."

"Huh? Ano ba iyon, Amy?" Binaling ko ang tingin ko kay Amy. Simula kasing umalis si Rina ay lutang palagi ang utak ko, minsan nga hindi ako nakakafocus sa mga linya na kailangan i-memorize. Nagagalit na nga sa akin ang director.

"Ang sabi ni direk na kailangan mo na daw maging handa para mamaya. Kabisado mo na ba ang mga lines mo?" Tiningnan ko ang hawak kong papel kung saan nakasulat ang mga lines ko.

"Sorry. Maybe this role is not best for me." Nilagay ko yung papel ng lines sa table malapit sa akin.

"May problema ba? Hindi ka naman kasi ganyan dati at palagi ka ring lutang."

"I'm just tired." Umupo ako sa upuan habang hinihilot ang sentido ko.

"Dahil ba kay Rina?" Napatingin ako kay Amy dahil sa tanong niya. "Hindi mo ko maloloko, Chase lalo na't may kumakalat na rumors na may relasyon kayong dalawa. Well, actually meron naman kayong relasyon."

Bumuga ako ng hangin bago sumandal ang likod sa backrest ng upuan.

"Wala pa nakaalam ang tungkol sa relasyon namin ni Rina. Simulang umalis siya ay palagi na ako ganito. Iniisip ko ang kalagayan niya dahil ang gusto ko maging malusog ang anak namin."

"Buntis siya at ikaw ang ama pero hindi kayo kasal. Reputasyon niyong dalawa ang masisira dito."

"Paano naman masisira ang reputasyon namin? Ako naman ang ama ng bata kaya handa akong panagutan ang lahat."

"Alam ba niya ang pagiging assassin mo?"

"Dahil nga diyan kaya umalis si Rina sa puder ko."

May narinig akong kumakatok sa pinto ng dressing room ko.

"Come in." Sabi ko. Bumukas na ang pinto at niluwa ang isang magandang babae. Okay maganda naman talaga siya. "Rina?!"

"Maiwan ko na muna kayo." Lumabas na si Amy sa dressing room.

"Ano ang ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?"

"Maaga ako umuwi ngayon dahil aalis kami kasama ang lahat na model." Sabi nito.

"Saan naman kayo pupunta?"

"Sa Milan. Doon gaganapin ang photoshoot namin at ang catwalk para sa fashion show."

"Okay. Basta kasama mo palagi si Sander para hindi ako magaalala sayo. He will be your bodyguard." Tumango siya sa akin. Hindi na nakipagtalo sa akin si Rina simula noon.

"At saka." Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at hinalikan na niya rin ako sa labi. "Ang balita ko ay palagi ka napapagalitan. I know it's my fault, I'm sorry."

"It's okay. Hindi mo naman kasalanan kung bakit ako napapagalitan ng director."

"Good luck na lang sa ginagawa niyong movie ah." Hinalikan niya ulit ako pero smack kiss lang iyon. "Oo nga pala, naalala ko na ang lahat."

Napakurap ako sa sinabi niya at kumot na rin ang noo ko.

"Naalala ang lahat na ano?"

"Everything from my past. Kahapon kasi sumakit ang ulo ko kaya dinala ako ni kuya Sander sa ospital and after that bigla ko na lang naalala ang lahat."

Ngumiti ako dahil naalala na niya rin ako sawakas.

"Naalala mo na ba ako?"

"Yep. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito, Chase. Kahit sinabi ni Trixie na may crush ka sa akin pero hindi ako naniniwala sa kanya. Hanggang sa katagalan na pagiging magkaibigan natin ay nagkakaroon na ako ng crush sayo."

"Wait. What did you just say?"

"Mahal kita kahit noon pa."

"Shit. Totoo?" Tumango siya sa akin. Damn, hindi ito isang panaginip ah! Kung panaginip man ito ay sana huwag na ako magising. Damn! Ang saya ko.

"Alam ng pamilya ko na may nararamdaman ako sayo kaya palagi ako inaasar ni Jamie pero walang wala ako sa mga naging leading lady mo."

"No matter what happen ikaw lang talaga ang babaeng mahal ko, Rina." Hinaplos ko ang pisngi niya. "Sana bumalik ka na sa bahay."

"Pagkatapos nitong fashion show namin sa Milan babalik na kami ni kuya Sander. Promise." Niyakap ko si Rina at hinalikan siya sa pisngi pero may kumatok sa pinto sabay bukas ng pinto.

"Chase, nagkaroon lang ng emergency kaya madedelay ang shooting niyo para sa movie. Kaya may oras ka pa para kabisaduhin ang lines mo." Sabi ni Amy.

"Hindi na rin ako magtatagal baka mainip na si kuya Sander sa labas." Kumalas na sa yakap si Rina sa akin. "I love you, my king."

"I love you too, my queen."

Nang dahil sa pagamin sa akin ni Rina kanina ay naging inspired na tuloy ako ituloy ang movie na ito. Hindi nga ako makapaniwala na pareho kami ng nararamdaman ni Rina simulang mga bata pa kami.

"Good job, everyone! That's all for today. See you tomorrow." Sabi ni direk bago tumingin sa akin. "You really did well, Chase."

"Thank you."

Sabay na kami ni Amy lumabas sa studio pero napakurap ako dahil sobrang dami ng media dito sa labas.

"Mr. Chase, is that true you have a relationship with ms. Rina of RMA?" Tanong ng isang media. Talagang kalat na ang tungkol doon.

Tumingin ako kay Amy pero binigyan lang niya ako ng isang kibit balikat. Wala naman siguro mawawala sa amin ni Rina pagsinabi ko sa kanila ang totoo. Binaling ko ulit ang tingin sa mga media.

"Yes, I'm in a relationship with Rina."

"Is it true ms. Rina is pregnant?" Tanong naman ng isa. Lumalaki talaga mga tenga nila pagnakakakuha sila ng scoop sa mga sikat na tao.

"Yes." Mabilis na sagot ko.

"Are you the father?" Tanong ulit nila. Kung nandito lang si Sander kanina pa ako nakauwi sa bahay.

"Yes." Sagot ko ulit.

"Are you going to propose on her?"

"Soon."

Hindi ko pa kasi alam kung kailan ako magpropose kay Rina. Kaya hindi ko masabi.

"Okay, that's all. He needs to rest." Rinig kong sabi ni Amy at hinawakan niya ang braso ko para makaalis na sa mga media.

"Wait, mr. Chase! We're not done---" Hindi ko narinig ang mga sinasabi ng mga media na ito dahil sumakay na ako ng sasakyan.

"Hindi ako makapaniwala sasabihin mo sa kanila ang totoo."

"Malalaman at malalaman rin nila ang katotohanan kahit hindi ko sabihin pero mas mabuti ng sa akin manggaling." Pumunta ako sa likod dahil may higaan dito at para na rin magpahinga ako. "Gisingin niyo na lang ako kung nasa bahay na tayo."

Habang wala si Sander ay iba na muna ang driver ko. Naghire ako ng temporary driver.

Fall Into YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang