Chapter 38

610 25 0
                                    

Chase's POV

Everything is ready! Ngayon gabi kasi ako yayain si Rina magpakasal sa akin and Amy calls for a media. I hate it dahil gusto ko ang bisita lang ay mga importanteng tao sa amin pero wala ako magagawa dahil celebrity ako at model naman si Rina. Si Gids naman ang bahala sa family namin ni Rina. Surprise ko sa kanya mamaya.

Kinagabihan ay dinala ko na sila sa surprise place kung saan gaganapin ang engagement party. Hindi naman engrande, yung tama lang. I know Rina ayaw niya ng engrande lalo na kasal. Ang gusto lang niya ay nandoon ang family niya.

"Chase, ano ito?" Nagulat siya  sa lugar habang karga ni Sander si Charles. Hindi na talaga kami nagabala maghanap magaalaga kay Charles.

"My surprise pero hindi pa dito."

Dumating na yung family ni Rina kaya kita sa mukha niya ang pagkagulat.

"Oh Gosh!" Lumapit na siya sabay yakap sa mga magulang niya. "I missed you, dad, mommy!"

"Naku pumpkin, huwag ka umiyak baka pumanget ka." Sabi ni tito Enzo. Grabe pero kahit pumanget si Rina ay mamahalin ko pa rin siya. Siya lang kasi ang babaeng gusto kong makasama.

"Enzo!"

"Alam mo naman nagbibiro lang ako, 'my. Masyado mo naman sineryoso." Sabi ni tito Enzo pero inirapan lang siya ni tita Aria.

"Anyway, Rina nandito rin ang mga kapatid mo."

"Kurt, Elliot, Kenzo, Jamie! Sobrang namiss ko kayong apat." Niyakap rin sila ni Rina.

"Namiss ka rin namin, ate."

Iniwanan ko na muna sila dahil alam ko naman sobrang miss ko ni Rina family niya pero napansin kong umiiyak si Amy.

"What's wrong?"

"Masaya ako para sa inyo ni Rina." Napangiti ako sa sagot niya. I will do anything for Rina's happiness.

"Pero mamaya ay magiging fiancee mo na siya."

"Yeah pero---" nahinto ako dahil may isang tao nakaupo sa isang table pero hindi kita ang mukha. Siguro dahil nakasuot siya ng hood. Sino naman kaya siya? Stalker? Kaya lumapit ako sa kanya. "Excuse me?"

Tumingin siya sa akin pero hindi pa rin kita mukha at umiwas agad ng tingin.

"Ah, Chase he is a friend of mine. Mahiyain lang siya kaya ganyan." Sabi ni tita Aria kaya tumango na lang ako. Kaibigan pala akala ko stalker.

Yung nakita kong nandito na yung mga media ay nagsimula na ang engagement party. Tumugtog na ang romance song na gusto ni Rina.

Lumapit ako kung nasaan si Rina at lumuhod sa harapan niya, nilabas ko na rin ang isang singsing.

"My most beautiful girlfriend and the mother of my child. I want to stay with you for the entire of my life, protect you. Will you marry me?"

Nakatitig lang siya sa akin pero may luhang pumapatak sa mga mata niya. She's crying because of joy. Naghihintay lang ako ng sagot niya pero wala ako tatanggap.

Please say yes, my queen. Nakakahiya sa mga bisita at masisira ang career ko dito pero hindi naman importante ang trabaho ko dahil si Rina at Charles ang priority ko na ngayon.

"Chase, I can't---"

"Rina!" Narinig ko ang boses ni tita Aria na tinawag si Rina.

"Mom, let me finish first. Okay?" Sabi niya at humarap na ulit ako. "I can't wait to be with you forever and ever, Chase. And yes, I will marry you."

Napangiti akong umoo siya. Ang akala ko naman mapapahiya lang ako rito.

"Thank you." Hinalikan ko na siya sa labi kaya yung mga bisita ay pumalaklak tapos yung mga kapatid ni Rina at si Cress ay sumisigaw.

"I love you, my soon-to-be-husband."

"I love you too, my soon-to-be-wife."

"Chase, pwede ba kita makausap?" Tanong ni tita Aria.

"Yes po."

"Doon na muna ako sa mga kapatid ko ah." Tumango ako kay Rina kaya pumunta na siya sa mga kapatid niya.

"Ano po ang gusto niyo pagusapan?"

"May gusto kasi kumausap sayo."

Kumunot ang noo ko noong may isang tao ang lumapit sa amin. Siya yung kanina na kaibigan ni tita Aria.

"Maiwan ko na muna kayo para magusap na dalawa." Sabi ni tita Aria bago umalis ng tuluyan sa harapan ko.

Laking gulat ko na lang noong tinanggal na niya ang suot niyang hood.

"What are you doing here? Wala akong oras makipagusap sayo."

"Sa huling pagkakataon, Chase. Sana naman payagan mo ko kausapin ka."

"You only have 5 minutes to speak."

"Thank you. Alam ko naman na marami ang pagkukulang ko sa inyo ni Cress at lalo na sayo dahil wala ako sa tabi mo habang lumalaki ka. I'm sorry Chase dahil hindi ako naging mabuti ama sa inyo."

Bumuntong hininga na muna ako bago sumagot.

"Alam ko naman kaya ka lang naman hindi nagparamdam dahil ayaw mo mapahamak ulit ako at hindi maranasan ni Cress ang nangyari noon. Pero heto lang sasabihin ko sayo... hindi mo na kailangan magaalala sa amin ng kapatid ko dahil inaalagaan ko siya ng mabuti."

"I know. Noong panahon namatay ang mama mo ay walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko. Kung dumating lang sana ako ng mas maaga sana buhay pa rin siya hanggang ngayon. Magkakasama sana tayo ngayon." Hindi na ako sumagot pang muli. Yun ang gusto ko mangyari sa akin, ang magkaroon ng isang kumpletong pamilya. Masaya at kumpleto. "Mas inuna ko ang misyon ko kaysa protektahan kayo. Hindi ko nagawang protektahan ang sarili kong pamilya."

Nakikita sa mata niya ang pagsisi sa nangyari. Kahit anong gawin niya ay hindi na maibabalik ang nawala sa akin. Ang buhay na gusto ko maasam pero hindi naman ako nagsisi sa pagiging assassin ko. Gusto ko pumatay ng masamang tao para mabawasan sa mundo. But lately after Stefan Romulo's case ay wala na akong natatanggap na mission mula kay Harold. Hindi na siguro ako pinagkatiwalaan ng lalaking iyon. Mas okay na rin siguro ito para mabantayan ko ang mag-ina ko at focus sa career ko.

"Sana balang araw mapatawad mo ko." Sabi niya at umalis na sa harapan ko.

"Wait." Huminto siya sa paglalakad. "Maybe you want to meet your grandson before you go."

Lumapit ako kay Sander para kunin na muna sa kanya si Charles at bumalik na ako kung nasaan si papa.

"Meet Charles." Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Charles para kumaway.

"Ngayon isa ka ng ama, Chase sana may oras ka para sa kanya."

"Kahit hindi mo sabihin sa akin iyan ay gagawin ko talaga. Ayaw ko maranasan niya na hindi kumpleto ang pamilya niya."

"Tungkol kay Vanessa Crawford ay huwag mo na isipin ang tungkol sa kanya dahil ako na ang bahala doon kahit buhay ko pa ang kapalit."

"Fuck! You're insane! Kailangan ka pa ni Cress dahil hindi ka pa nagpapakilala sa kanya bilang ama niya. Kahit may galit ako sayo pero may karapatan ka pa rin sa kapatid ko."

"Salamat pero kailangan ko ng umalis." Sabi niya at tuluyan na ngang umalis sa harapan ko.

Wala naman siguro balak si papa ibuwis ang buhay niya sa misyon. Shit. Kailangan ko siyang tulungan sa misyon na iyon.

~~~~~

Hindi ko alam kung nagloloko ba ang wifi namin o mabagal lang ang net. Kasi naman sa tuwing nagsesave ako ng gawa ko ay palagi nageerror. Hindi dapat ganoon.

-Skye

Comment and press ☆ to vote.

Fall Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon