Chapter 1

3.3K 50 0
                                    

15 years ago...

Dito kami tumira sa Pilipinas ng isang taon dahil ang sabi ni daddy tapusin ko na muna ang school year bago kami lumipat sa Australia kung saan nakatira sila granny. And now, I'm 10 years old and I have younger brother named Kurt who's 5 years younger than me.

Bumalik na kami ni mommy ng Pilipinas kasama si Kurt para magbakasyon kaso si daddy hindi makakasama sa amin dahil may inaasikaso pa daw siya sa studio pero susubukan daw niyang sumunod sa akin. I love my family. Wala na akong hihilingin pa-- ay, meron pa pala gusto ko magkaroon ng baby sister.

Nandito ako ngayon sa dating school ko para bisitahin ang mga kaibigan kong sina Angel at Trixie. I missed them so much. May isang bata ang umagaw ng atensyon ko pero agad naman siya napatingin sa akin.

"Ano ang tinitingnan mo diyan?!" Sabi nito. Ang sumingit naman niya. Wala naman akong ginagawang mali sa batang iyon, eh.

"Hindi ko naman alam bawal na pala tumingin sa ibang tao ngayon."

"Tsk. Panget!" Aba akala mo pa naman kung sino gwapo para sabihan akong panget. Sa tingin ko kasing edad lang niya si Kurt.

"Hoy, bata! Makapag salita ka akala mo pa naman kung gwapo. Ang sama naman ng ugali mo!"

"Panget ka naman dahil wala naman nagmamahal mo!" Nilabas pa niya ang kanyang dila para dumila sa akin.

Ang kapal talaga ng mukha!

"Chase!" Nilingon ko saan nagmula ang boses na iyon. Si Angel kasama niya rin si Trixie.

"Ano na naman ang trip mo ngayon ah? Pati pa naman si Rina ay inaaway mo na rin!" Inis na tugon ni Trixie.

"Totoo naman ang sinasabi ko ah. She's ugly!" At proud pa talaga siyang tinatawag akong panget.

"Umalis ka na dito! Baka ano pa ang gawin ko sayo!" Tinaas na ni Angel ang kamao niya at akmang susuntukin yung bata.

"Rina." Nilingon ko ang tumawag sa pangalan at laking gulat ko ng makita si daddy.

"Daddy!" Tumakbo ako papalapit sa kanya.

Hindi ko alam kung kailan sumunod si daddy sa amin. Ang importante ay nandito na siya ngayon kasama namin magbakasyon.

"What's going on?" Tanong ni daddy.

"Tito Enzo, nahuli po kasi namin tinatawag ni Chase na panget si Rina." Sumbong naman ni Angel kay daddy.

Nakita ko ang pagbuntong hininga ni daddy bago pa siya lumapit sa tinatawag nilang Chase.

"Buddy, hindi tama ang ginawa mo kanina dapat hindi mo tinatawag na panget ang isang babae."

"S-Sorry po." Hawak nito ang laylayan ng kanyang damit habang nakayuko.

"You should say sorry to my daughter, not me."

Napansin ko ang paglakad ng batang lalaki sa direksyon ko.

"Sorry."

"It's okay." Hindi naman ako masamang tao para hindi siya patawarin sa ginawa niya kanina.

"Okay. Sa susunod ay huwag mo na siya ulit tatawaging panget ah." Tumango naman siya kay daddy.

"Chase!" May isang boses ang tumawag sa kanya.

"Papa.." Nilingon ko na rin para malaman kung sino ang daddy niya pero laking gulat ko ng makita na si tito Creed pala.

"So, you're his father." Tugon ni daddy kay tito Creed.

"Yes. May problema ba tayo kung nagkaroon ako ng anak, Enzo?"

"Nothing. Sinabi rin naman sa akin ni Aria na magkakaroon ka noon ng anak."

"Tsk. Chase, let's go." Hinila na ni tito Creed ang anak niya pero tumingin naman sa akin yung batang lalaki.

"Pangalan ko ay Chase, kaya huwag mo iyan kakalmutan! Bye bye!" Sigaw niya habang kumakaway.

He's weird..

"Mukhang nagkaroon pa yatang crush sayo si Chase ah." Tumingin naman ako bigla kay Trixie.

"Anong crush crush naririnig ko? Mga bata pa kayo kaya bawal pa magkaroon ng crush." Sabi ni daddy at hinawakan na rin niya ang kamay ko.

"Kita na lang tayo bukas!" Kaway ko sa kanila. Hindi ko man lang nakasama ng tagal ang mga kaibigan ko dahil sa nangyari. Tsk. "Daddy, kailan po kayo dumating?"

"Kanina. Ang sabi ng mommy mo ay pumunta ka daw sa dating school para makipagkita sa mga friends mo kaya pumunta na rin ako para surpresahin ka."

"Masaya po ako sumunod kayo sa amin." Nakangiting sabi ko. Inaamin kong daddy's girl talaga ako dahil mas close ako kay daddy kaysa kay mommy kahit dalawang taon ko kasama si mommy noon.

Paguwi namin ni daddy sa bahay ay nadatnan ko si Kurt naglalaro ng kanyang toy car.

"Nandito na pala kayong dalawa." Binitawan na ni daddy ang kamay ko para lapitan si mommy. Kahit 5 years na silang kasal ay makikita talagang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Ako kaya? Kailan ko makikita ang lalaki para sa akin? Yung mamahalin ako habang buhay katulad ng pagmamahal ni daddy kay mommy.

"Enzo, ano ba!" Hinamas ni mommy ang braso ni daddy. Maliban na lang siguro ang pagiging malandi nila sa isa't isa o PDA. Wala kasing pinipiling lugar kahit sa harap pa sila ng anak nila.

"Yuck, mommy, dad." Turan ni Kurt.

"Ayaw niyo bang magkaroon ng kapa-- Ow." Pinalo ulit kasi ni mommy si daddy sa braso.

"Enzo!"

Napailing na lang ako sa kalandian ng mga magulang namin. Kahit ganyan sila ay mahal na mahal ko pa rin sila.

Kinaumagahan ay bumangon na ko para makakain na ng agahan pero may narinig akong nagkukwentuhan sa ibaba.

"Pagkakita ko kay Enzo at Rina kahapon ay naisipan ko baka nandito ka rin, Aria." Boses ni tito Creed. Ibig sabihin bumisita siya ngayon sa amin.

"Dito namin naisipan magbakasyon habang bakasyon pa ang mga bata. Anyway, musta ka na?"

"Ganoon pa rin naman ng buhay ko hanggang ngayon. Kaya nga hetong si Chase lumalaking pasaway."

"Wala ka bang balak yayain magpakasal ang ina ni Chase?"

"Alam mo naman ang sitwasyon, Aria. Ayaw kong ipahamak ang mag-ina ko. Naiintindihan naman iyon ni Eva."

Tuluyan na ako bumaba ng hagdanan para pumunta na sa kusina para makakain na ng almusal kaso tinawag ako.

"Rina." Nilingon ko si mommy pagkatawag niya sa akin.

"Bakit po?"

"Kanina ka pa kasi hinihintay ni Chase at ang sabi ko tulog ka pa kaya si Kurt na ang kalaro niya ngayon. Puntahan mo na lang sila sa bakuran."

"Okay po."

Dumeretso na muna ako sa kusina dahil gutom na talaga ako.

"Good morning." Tiningnan ko yung bumati sa akin. Si Chase lang pala.

"Morning."

"Alam mo ba nang malaman kong pupunta ngayon si papa sa inyo ay nagpupumilit akong sumama sa kanya. Gusto kasi kita makita ulit, eh."

"Bakit naman?"

"Sorry sa sinabi ko sayo kahapon. Hindi ka naman talaga panget eh. Maganda ka, Rina." Napangiti ako sa kanya. Umakyat na siguro ang dugo ko sa ulo at namumula na ako.

~~~~

Hi y'all. Pinakita ko dito kung paano nagkakilala sina Rina at Chase dahil binago ko nga ang story ng parents nila.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now