Chapter 35

619 22 0
                                    

Rina's POV

Ngayon ay nagpasya kami ni Chase na bisitahin si Amy sa kanila pero napakurap ako noong makita namin si Gideon.

"Alam ba niya na pupuntahan natin si Amy ngayon?" Mabilis na umiling si Chase sa akin.

"Gids." Tawag niya kaya lumingon si Gideon sa amin.

"Hey."

"Ano ang ginagawa mo dito sa bahay?" Nagkibit balikat lang si Gideon sa kanya. "Pumunta ka dito na hindi mo alam. Kakaiba ka talaga."

"Naalala ko na kung ano ang pinunta ko dito." Napakamot ito ng ulo. "Sorry. Nagiisip lang kasi ako kanina hanggang nawala na yung pinunta ko."

"Anong dahilan mo?"

"Gusto ko sana humingi ng tulong sayo, Chase." Kumunot ang noo nitong katabi ko. "Gusto ko kasi makita yung babae noon. Sa totoo lang kahit ilang babae pa ang kasama ko ay hindi siya mawala sa isipan ko."

I know Chase made a promise na hindi niya sasabihin kay Gideon ang totoo na si Amy ang hinahanap niyang babae, ang manager ni Chase.

"Ni hindi mo nga alam ang pangalan niya. Paano naman kita matutulungan diyan?"

"Yun na nga, eh. Ni hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya."

"Sumama ka na lang sa amin. Pupuntahan namin si Amy sa kanila."

"Ano ang gagawin niyo doon?" Kumunot ang noo nito sa amin.

"Gusto namin makita ang anak niya." Sagot ko.

Pagkarating namin sa bahay nila Amy ay nagulat siya sa pagdating namin. Hindi naman malaki ang bahay nila, yung tama lang para sa kanila.

"Heto pala si Fenrir." Karga niya ang kanyang anak habang kinakaway niya ang maliit na kamay nito. Ang cute. Sumulyap ako kay Gideon saglit pero mukhang ang lalim ng iniisip niya ngayon.

Habang wala yung mga lalaki dahil bumili sila ng makakain naming lahat at libre ni Chase ang mga gastusin. Mukha nga kilala na si Chase ng pamilya ni Amy.

"Sorry kung sinabi ko kay Chase kung sino ang ama ng anak mo, Amy. Kasi naman gusto talaga niya malaman."

"Ayos lang. Kilala ko naman si Chase na kaya niya sabihin ang totoo sa ama ni Fenrir." Ngumiti siya sa akin. Ang bait talaga ni Amy. Maswerte si Chase dahil may manager siya na katulad niya.

"Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang totoo?"

"Hindi pa ngayon. Hindi pa kasi ako handa sabihin sa kanya, eh." Napansin kong napatingin sa tyan ko si Amy. "Ilang buwan ka ng buntis?"

"8 months."

"Alam niyo na pala ni Chase kung ano ang gender ng anak niyo."

Tumango ako sa kanya.

"Lalaki ang magiging anak namin."

"Dapat pinagusapan niyo na rin ang magiging pangalan ng anak niyo para hindi na kayo mahirapan magisip pag dumating na."

Napaisip ako. Hindi pa pala namin pinaguusapan ni Chase kung ano ang magiging pangalan na gusto namin kay baby.

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot.

"Pagbalik na lang niya pagusapan kung ano ang magandang pangalan kay baby." Tumango lang siya sa akin. "Anyway, alam mo bang pinaghahanap ka ni Gideon. Kasi kanina nasa labas siya ng bahay namin at humingi ng tulong kay Chase."

"Ano naman sinabi ni Chase?"

"Kahit gusto tulungan niya si Gideon ay hindi naman niya alam pangalan ng babae nakasama niya noon."

"Bakit naman kaya ako hinahanap ng lalaking noon?"

"Baka gusto ka lang niya makausap. O handa siya tumayo bilang ama ng anak mo pag nalaman niya ang totoo."

"Sana nga. Pero hindi na rin ako umaasa na magiging ganoon siya at kaya ko naman palakihin ang anak ko sa tulong ng pamilya ko."

"Mas maganda pa rin kasi kung tinutulungan ka niya."

"Ayaw ko rin dahil ayaw ko ang masaktan, Rina. Nang nalaman kong babaero siya ay hindi na ulit ako lumapit sa kanya pero sa masamang palad ay nagkita ulit kami."

Narinig ko ang boses ni Gideon, mukhang nakauwi na silang lahat.

"Wala nangyaring masama sayo, Rina?" Tumingin ako kay Chase sabay ngiti.

"I'm fine. Okay lang kami ng baby mo." Tumabi sa akin si Chase at hinawakan ang umbok ng tyan ko.

"Hi, baby. I can't wait to see you."

"Chase, ano ang gusto mong pangalan sa anak natin?"

"Um, malapit na lumabas si baby pero wala pa tayong ipapangalan sa kanya."

"Gusto ko kasi ikaw ang magbigay ng pangalan sa kanya."

"Don't worry, nagiisip ako magandang pangalan ni baby." Hinalikan ako ni Chase sa may ulo.

"Tingnan mo itong dalawa, walang pinipiling lugar. Kahit hindi sariling bahay ang sweet pa rin." Sabi ni Gideon kaya natawa ako sa kanya.

"Inggit ka lang, Gids."

"Hindi ako maiinggit pag nahanap ko na yung hinahanap ko."

Nakita ko si Amy nasa likod ni Gideon at narinig niya ang sinabi nito kani-kanila lang.

"Ano ang gagawin mo pag nahanap mo na siya?" Lumingon si Gideon sa likuran niya nang tanungin siya ni Amy.

"Hm, pwede naman siguro magbago na muna ako para magawan ko siyang mahalin dahil simula noon ay hindi mawala sa isip ko ang babaeng iyon kahit may nga babae pa akong kasama."

"Mas mabuti pang huwag mo na lang siya hanapin." Sabi niya sabay irap kay Gideon.

"Huh? Bakit naman?"

"Dahil iniisip na niya siguro masasaktan lang siya pag nakita ka niya. Hindi siya nagparamdam ko sayo ng ilang araw o taon kaya huwag ka na umasa. Huwag ka na rin magaksaya ng panahon hanapin siya."

"Bakit ka ba ganyan magsalita, Amy? Kilala mo ba?"

"Hindi."

Ayaw ko manlait ng tao pero sa nakikita ko ngayon ay hindi lang pala bulag si Gideon kundi isa rin siyang tanga. Halata na anak niya si Fenrir dahil may pagkahawig silang dalawa pero hindi niya napansin iyon agad. Kung nakita lang niya iyon ay maiisipan niyang anak niya si Fenrir. At tanga kasi naman hindi niya iniisip kaya ganyan magsalita si Amy ay siya yung babaeng hinahanap niya.

"Hindi naman pala, eh." Tumingin si Gideon kay Fenrir habang naglalakad papunta kay Amy.

"Mama." Ngumiti ang anak niya habang nakatingala kay Amy kaya binuhat niya si Fenrir.

"Gutom ka na, baby?"

"Hindi pa po."

"Amy, magtapat ka nga sa akin."

"Let them talk in private." Bulong ni Chase kaya inalalayan na niya ako tumayo. "Gutom ka na?"

"Yes. Gusto na rin kumain ng anak niyo."

Iniwanan na namin sina Gideon at Amy para magusap na dalawa kaya pumunta na kami ngayon ni Chase sa kusina.

"Ayos lang ba na mauna tayo?" Tanong ko. Nakakahiya naman kasi, hindi ito bahay ni Chase.

"Naku, hija. Huwag ka mahiyang kumain." Sabi ng mama ni Amy.

"Pwede po bang mauna?"

"Oo naman, hija. Mukhang gutom na rin ang anak niyo." Ngumiti ako sa kanya kaya umupo na kami ni Chase sa harap ng hapag.

"Chase, may naisip ka na bang pangalan?"

"Charles. Our baby name will be Charles."

"Charles." Ngumiti ako sa kanya. "I love it."

Baby, talagang mahal ka ni daddy dahil siya pa mismo ang nagbigay sayo ng pangalan. Sana magustuhan mo ang ibinigay niyang pangalan para sayo. Baby Charles.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now