Chapter 24

658 20 0
                                    

Habang kumakain kami ay ang daldal ni Gids.

"Guys, may joke ako sa inyo." Tugon nito.

"Ano iyon?"

"Siguraduhin mong matino iyang joke mo ah." Sabi ni Amy.

"Baka kiligin ka pa sa joke ko."

"Pardon?" Tinaasan siya ng kilay ni Amy kaya tumawa kami ni Rina sa kanila.

"Bakit kayo tumatawa? Hindi pa mga ako nagsisimula sa joke ko."

"Hindi pa ba? Akala ko iyon na ang joke mo." Sagot ko.

"Ano ang joke mo?" Tanong ni Rina.

"Anong hayop ang hindi kami yun?" Heto na, nagsimula na siya sa joke niya.

"Meron bang ganoon?" Tanong ni Amy.

"Meron. Ano? Suko na kayo, Chase? Rina?"

"Ano?" Tanong ng katabi ko.

"Edi Sea Lion!"

"Tapos na rin naman tayo kumain kaya tara na." Sabi ni Amy. Sa kanya ako natawa hindi sa joke ni Gids.

"Yeah, tara na. May nanalo na kasi." Sagot ko kaya hinawakan ko na ang kamay ni Rina pero naririnig ko siyang tumatawa.

"Tumawa si Rina sa joke ko. Okay---"

"Stop, Gids. Hindi tayo makakabalik sa hotel dahil sa corny jokes mo. One joke is enough."

"Okay..."

Nagtawag na ako ng waiter para kunin yung bill namin. Nang nakarating ang bill ay tiningnan ko kung nagkano ang inabot bago ilagay ang credit card at binalik sa waiter.

"Pahinga na tayo ngayon tapos bukas papasyal ulit."

"Hihiwalay ulit ako sa inyo para magenjoy ang paglibot natin dito." Sabi ni Gids.

"Ako rin. May nakita kasi akong bag dito kaya gusto ko bumili at bibilihan ko na rin ng damit ang mga kapatid kong lalaki habang nandito pa tayo sa Pilipinas."

"Bahala kayo. Basta tatawagan ko na lang kayo kung saan kakain ah." Tumingin ako kay Rina dahil humihikab na siya. Inaantok na siya. "At siyempre kasama ko palagi si Rina."

Ang balak ko sana magpropose sa kanya dito pero iniisip ko na rin may engagement party na gaganapin. Kasama ang pamilya ni Rina, pamilya ko, mga kaibigan pero ewan ko na lang kung makaabot sa media ang tungkol doon. Bahala na.

Kinabukasan...

As usual, humiwalay sa amin ang dalawa kaya kami na lang ni Rina ang magkasama.

"You know this house is a hunted house." Sabi ko. May alam kasi tungkol sa bahay na ito.

"Weh?" Napakapit ng mahigpit sa braso ko si Rina. Halatang natakot siya. "Huwag tayo diyan papasok."

"Don't worry, ayaw ko naman matakot ka baka ano pa mangyari sa inyo ng anak natin." Nakangiting saad ko.

"Excuse me?" Napalingon kami pareho ni Rina. "Oh gosh! Sabi na nga ba kayo iyan Chase and Rina. I'm a big fan of the both of you. Pwede paselfie?"

"Sure, pero wala kukuha ng picture sa atin." Sagot ni Rina.

"Ako na lang kukuha ng picture nating tatlo." Sabi ko kaya kinuha ko sa kanya ang phone sabay kuha ng picture namin. Binalik ko naman sa kanya agad ang phone niya. "Here."

"Thank you." Sabi niya bago umalis.

Habang pumapasyal kami ni Rina ay ang daming fans kumukuha ng pictures naming, hindi ko alam kung iba ba ay mga media o ordinaryong fans lang. Bahala na sila. Wala rin naman silang makikitang scoop sa amin ni Rina dahil alam na rin naman ng lahat ang tungkol sa amin. Kaya kami narerecognize ni Rina dahil hindi kami nakadisguise pero pakiramdam ko ayos na rin ito dahil mukhang enjoy namn si Rina sa mga fans namin. Nagpasya na rin kami kumain ng lunch kaya tinawagan ko na ang dalawa para pumunta na dito at kumain na rin sila. Hindi naman kami matagal naghintay sa dalawa dahil dumating ng sabay.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now