Chapter 12

803 28 0
                                    

Nang nakasakay na kami sa private plane ni Chase ay bigla akong kinabahan sa hindi ko alam at the same time takot.

"Are you okay?" Tanong ni Chase nakaupo sa kabilang side na upuan dahil may kausap ito.

"Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at natakot pagkasakay natin dito." Sagot ko. Nakita kong tumayo si Chase at umupo sa tabi ko.

"Everything's fine." Hinawakan niya ang kamay ko.

Bigla kong naalala na may isang eroplano na umuusok at nawalan ng control kaya nahulog sa dagat ang eroplanong iyon pero wala na ako maalala sa susunod nangyari. Isa ba ako sa mga pasahero ng eroplanong iyon kaya wala ako maalala sa nakaraan ko? Kailangan ko makaalala.

Hinila ako ni Chase para yakapin niya ako.

"Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita hahayaan na may mangyaring masama sayo, promise."

Nang nakarating na kami ay hindi mawala ang panginginig ng kamay ko kaya hinigpitan ni Chase ang pagkahawak.

"I'm glad you're here, Sander."

"Ang sabi mo huwag na muna ako bumalik ng Pilipinas kaya dito lang ako hanggang dumating kayo."

"Okay. Whatever." Inalalayan na ako ni Chase na sumakay sa isang van. "Sander, dumeretso tayo sa bahay ng mga Evergreen ah."

"Okay, boss." Sagot nito habang nagmamaneho ng van.

"Chase." Tumingin sa akin si Chase noong tinawag ko siya. "Sino siya?"

"Ah, si Sander ang driver at bodyguard ko."

"Hi, ma'am Rina."

"Viel po, kuya Sander." Sabi ko pero mukhang naguluhan siya doon.

"Sige na, Sander magmaneho ka na lang diyan."

Huminto ang van sa tapat ng isang bahay. Mukhang ito na ang bahay ng pamilya ko.

"Dito ka na muna ah. Ako na lang muna ang papasok para kausapin sila tito Enzo."

"Okay." Hinalikan niya ako sa noo.

"Ang sweet."

"Shut up Sander." Sabi niya bago buksan ang pinto ng van at bumaba na siya.

"Ma'am, hindi ba ang pangalan niyo ay Rina?"

"Iyon ang sabi ni Chase sa akin pero wala ako maalala sa nakaraan ko dahil may amnesia ako."

"Ganoon? Kaya pala ngayon ka lang nakita si Chase."

"Talaga bang hinahanap niya ako?"

"Oo. Halos araw-araw pa niya hinahanap. Pumunta na siya ng Singapore, Thailand, Hong Kong at marami pa pero palagi siya bigo sa paghahanap sayo dahil wala siyang ideya kung saan ka nakatira."

"Kuya Sander, gaano ka na ba katagal nagtatrabaho kay Chase?"

"Simulang 3rd year college na siya noong nagtrabaho ako sa kanya bilang driver niya. Hindi pa siya ganoon sikat sa pagaartista niya pero noong makalipas ang taon ay nagiging sikat na siya kaya kinuha rin niya ko para maging bodyguard niya dahil ako lang daw ang pinagkakatiwalaan niya. Mabait na batang iyan si Chase dahil pinagaral niya rin ang anak kong lalaki."

"Ganoon po?" Mabilis siyang tumango. Grabe talaga ang kabaitan ni Chase dahil kahit hindi niya kadugo ay handa siyang tulungan.

"Pero may isang bagay ka malaman tungkol sa kanya pero siya lang dapat ang magsasabi sayo. Hintayin mo lang kung kailan siya maging handa."

Sasagot pa sana ako pero narinig ko ang pagbukas ng pinto ng van.

"Let's go." Sabi niya kaya inalalayan niya akong bumaba sa van.

Fall Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon