Chapter 18

755 23 0
                                    

Bago kami nakabalik ni Chase sa Italy ay sinabi na muna namin sa family ang tungkol sa pagbubuntis ko at sinabi rin ni Chase na handa niya akong pakasalan kaya wala na rin magagawa si dad. Naipanalo naman nila ang kaso kaya kasama na namin pabalik ang anak ni kuya Sander. Ngayon ay nasa eroplano kami ngayon ni Gideon dahil babalik na kami ng Italy, pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Chase habang hawak hawak niya ang kamay ko at nanood rin kami ng movie sa flat screen tv.

"Kuya Chase, siya na po ba ang girlfriend niyo?" Napatingin ako kay Chase dahil nakatingin na siya sa nagtanong.

"Yes, she is my girlfriend. Bakit? Type mo?"

"Hindi po. Pero sa tagal na po natin magkakilala ngayon ko lang nakita ang girlfriend niyo, kuya Chase."

"Ngayon lang ulit nagkasama, Gelo at kailan ko lang nakita ulit ang ate Rina mo."

"Ikaw talagang bata ka. Pagpahingain mo naman ang kuya Chase mo." Rinig ko ang boses ni kuya Sander.

"Sorry, kuya Chase kung marami akong tanong."

Tiningala ko ulit si Chase na ngayon ay nakatingin na sa tv screen.

"Chase." Tumingin siya sa akin nang tawagin ko siya. "Bakit pala hindi sumama sa atin ang manager mo?"

"Ang sabi ni Amy ay susunod na lang siya dahil may kailangan pa siyang asikasuhin sa kanila." Sagot niya kaya tumango ako sa kanya. Hindi ba nakakapagod iyon dahil pabalik balik si Gideon? Naawa rin ako sa tao. "Kung iniisip mo kung papabalikin ko si Gids sa Pilipinas para sunduin si Amy. Nope dahil ordinaryong airplane ang sasakyan ni Amy papuntang Italy. Naayos na rin naman niya ang mga kailangan niya kaya wala na ring problema. Kung meron man doon ko na lang pababalikin si Gids tapos si Sander ang magsusundo sa kanila."

Dahil sobrang pagod ko noong nakarating na kami ng Italy at humiga na rin ako sa kama para matulog dahil gusto ko na rin magpahinga sobrang pagod ko.

Pagising ko ay may kamay nakapalibot sa akin kaya nilingon ko kung sino. It's Chase. Ngumiti ako habang humaharap sa kanya at tinitigan ko ang gwapo niyang mukha. Ang gwapo at mabait pa ni Chase kaya ang swerte ko dahil siya ang naging boyfriend ko.

"Hm.." Pagungol niya habang natutulog ng mahimbing pero mas lalo ako nilapit sa kanya at subsob ang mukha ko sa dibdib niya. Mukhang pagod si Chase kaya hahayaan ko na lang siya matulog. Kaya nagpasya akong matutulog ulit.

Nagising ulit ko noong may gumigising sa akin kaya dinilat ko na ang mga mata ko.

"Kain na tayo." Sabi niya sa akin.

"Okay." Inaantok kong tugon sa kanya pero siniil niya ako ng halik at naitulak ko siya. "Chase naman."

"Para magising ka." Ngumiti siya sa akin bago tumayo.

Pagkarating namin sa kusina ay may naamoy ako na ayaw kong amoy. Anong amoy iyon? Ang baho kasi. Ganito ba pagbuntis may naamoy na hindi maintindihan? Para tuloy ayaw kong kumain ah.

"Ayaw mo ba ng pagkain?" Tanong ni Chase pero hindi ko siya pinansin. Nilibot ko ang paningin ko sa mga pagkain nakahanda sa mesa para bang may hinahanap akong pagkain ngayon. "May gusto ka bang kainin? Pwede ko utusan si Sander na bumili."

Napatingin ako kay kuya Sander dahil nakatingin pala siya sa amin.

"Buntis ba si Rina, Chase?" Tanong niya.

"Yep, she's pregnant."

"Wow. Congrats sa inyo." Ngumiti ako kay kuya Sander. "Makakapagtrabaho pa ba si Rina na ngayo'y buntis siya?"

"Pinapayagan ko naman siya magtrabaho hanggang pwede pa pero ikaw na muna bahala sa kanya, Sander ah."

"Paano ka naman, Chase?" Tanong ko sa katabi ko.

"Baka bukas makarating na dito si Amy at siya muna ang kasama ko pauwi."

Alam kong matagal na niyang kilala ang manager niya pero hindi ko maiiwasan ang magselos dahil siguro babae rin ako kaya alam ko ang mga kinikilos ng mga babae. Maraming fans si Chase kaya marami rin ang may gusto sa kanya.

"May gusto ka bang kainin?" Mabilis akong umiling.

"Mukhang masarap naman itong pasta, eh." Kumuha na ako ng maraming cabonara na parang wala ng bukas at nilagay ko sa plato.

"Wow, ate Rina ang dami niyan ah." Natatawang saad ni Gelo.

"Masarap kumain kaya kakain tayo ng marami." Sabi ko sabay subo sa carbonara. Masarap nga siya kahit hindi ito ang hinahanap kong pagkain pero nagustuhan ko ang pagkagawa nito. "Questa carbonara è così deliziosa."

"Ano daw?" Tanong ni kuya Sander, huli na kasi dahil nag-Italian pala ako.

"Mukhang nagustuhan ni Rina ang luto mo, Sander." Sagot ni Chase. Laglag panga ko dahil si kuya Sander pala ang nagluto.

"Talaga?" Tumango ako sa kanya na may ngiti sa mga labi ko.

"Ang sarap kasi nito."

Pagkatapos kumain ay nakarami ako ng carbonara. Muntik ko na nga maubos kaya lang nahiya na ako.

Umupo na rin ako sa sofa pero nakita kong naguusap sina Chase at Gelo.

"Gelo, bukas na bukas ay mageenroll ka sa school dito."

"Makakapasok po ba ako?"

"Maganda ang mga grades mo kaya imposibleng walang paaralan ang kukuha sayo. Tanga na lang nila kung hindi ka nila kunin." Natatawang saad ni Chase.

"Chase, baka matuto na itong anak ko sa mag-Italian ah."

"Ayos na rin iyon pero ito ang tandaan mo, Gelo wala na munang babae ah. Kailangan mo muna makapagtapos sa pagaaral mo bago ang mga babaeng iyan."

"Kuya naman. Kahit nga sa Pilipinas pa ako nagaaral ay wala ako naging girlfriend dito pa kaya."

"Sinasabi ko lang. At saka yung mga gagawin mong kaibigan dapat hindi bad influence sayo at sigurado naman ako hindi ka makikipagkaibigan sa ganoong klase dahil matalino kang bata."

"Narinig mo ang sinabi ng kuya Chase mo ah."

"Oo naman po, pa. May dalawang tenga ako kaya rinig na rinig ko ang sinabi ni kuya Chase." Natawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi ni Gelo.

"Ikaw ka talagang bata ka."

Kinabukasan...

Nakapunta na dito ang manager ni Chase kaya siya ang kasama ni Chase ngayon dahil sikat naman si Chase kahit sa ibang bansa ay matatanggap siya agad habang ako ay kasama si kuya Sander papunta sa Romano Modelling Agency.

"Sige, Rina tawagan mo na lang ako kung papasundo ka na sa akin ah."

"Okay. Salamat sa paghatid sa akin." Bumaba na ako sa isang van.

Pagkapasok ko ay medyong kinakabahan ako dahil ang daming pares na mga mata ang nakatitig sa akin. May isang lalaki ang lumapit sa akin, si David Romano. My Gosh!

"Rina Evergreen, sì?"

"Yes, I'm Rina Evergreen." Sagot ko sa kanya at nginitian lang niya ako.

"Okay, let's start. Shall we?" Pumalakpak siya para tawagin ang ibang models siya. "This is Rina Evergreen. She will be our new model in RMA."

Yumuko na lang ako dahil hindi ko gusto ang titig ng mga babaeng model sa akin. Kung nakakapatay lang mga titig nila siguro wala na akong buhay ngayon.

Fall Into YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang