Chapter 21

693 26 0
                                    

Hindi ko pala naitanong kay Rina kung hanggang kailan sila sa Milan at alam ko naman busy siya ngayon kaya si Sander na lang tinawagan ko.

"Hello, Sander."

"Bakit ka napatawag? May nangyari ba?"

"Wala naman. Everything's fine. Gusto ko lang malaman kung hanggang kailan si Rina sa Milan."

"5 days and 4 nights."

"Ang tagal naman bago kayo bumalik." Babaliw na kasi ako dito dahil wala si Rina sa tabi ko.

"Miss mo na siya?"

"Of course."

Kahit hindi ko kadugo si Sander ay tinuring ko siya parang ama ko dahil sa kanya ko rin sinasabi ang mga problema ko. He is a good friend.

"Maiba tayo, Chase. Ngayon alam ng lahat ang tungkol sa relasyon niyo ni Rina, ano na ang balak mo ngayon?"

"Propose?" Hindi pa ako sigurado sa desisyon ko. Hindi pa final. Busy pa kasi kami sa kanya kanyang trabaho.

"Seems like you are not sure yet."

"Busy pa kasi kami sa trabaho namin lalo na ako may tatapusin pang movie."

"Chase, nagaalala lang ako sayo baka masira lang ang lahat na pinaghirapan mo. Your fame and reputation."

"Ayos lang sa akin kung masira sa akin ang reputasyon ko, basta huwag lang mawala sa akin si Rina."

"Sa susunod na magtanong ako sa plano mo ay dapat alam mo na ang gagawin mo. Dapat sigurado ka sa sagot mo."

"Oo na." Napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko. Masyado na kasi ako kilala ni Sander kaya ganyan kung magsalita. "Ibaba ko na ito dahil gusto ko na muna magpahinga."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Sander dahil binaba ko na yung tawag. Umupo na muna ako sa upuan at sinandal ang akin likuran nang may kumatok sa pinto.

"Come in!" Sabi ko at kinuha ang isang papel para kabisaduhin ang mga lines ko. "Bakit, Amy?"

"Mukhang pagod na pagod ka, Chase."

"No, I'm fine. Kailangan ko rin ito makabisado para hindi magalit sa akin si direk." Pinakita ko sa kanya ang hawak ko, kung gaano kahaba yung ibang lines ko at hindi ko maiwasan ang humikab dahil kulang pa ang tulog ko.

"Inaantok ka pa. Bilang manager mo, Chase ay nagaalala ako sa kalusugan mo."

"I said I'm fine." Napapakurap na ako sa antok pero nilalabanan ko lang.

"Bahala ka. Anyway, pinapatawag kayong lahat ni direk." Napaangat ako ng tingin kay Amy.

"Bakit naman?"

"Nasira daw ang ilang props na kailangan sa shooting at lahat tayo sinisi."

"Wow ah." Tumayo na ako para lumabas na kami ni Amy sa dressing room.

Pagkarating namin ay umuusok na sa galit ang director, tahimik lang yung ibang staffs at co-actors/actress ko. Kaya itong si direk sobrang galit ay nagsasalita na ng Italian kaya yung iba ay hindi maintindihan.

Pagkatapos kami pagalitan ay bumalik na ako sa dressing room para kunin ang gamit ko.

"Grabe. Kung sino man ang may gawa noon sana umamin na." Sabi ni Amy. Kinuha niya sa kamay ko yung gamit na hawak ko.

"Siguro wala talagang aamin kung sino may gawa noon. Ikaw ba, kung ikaw ang may gawa noon aamin ka ba? Kahit alam mong papagalitan ka?"

"Oo naman. Mas mabuti pa sa akin magalit kaysa madamay ang iba kahit alam mong guilty ka." Sagot nito.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now