Chapter 28

609 22 0
                                    

Sinabi na sa akin ni Chase kung saan kami magkita kita ng mga kaibigan ko kaya hinatid niya ako sa isang cafe. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko sina Angel at Trixie kaya lumapit na sa kanila.

"Oh Gosh! Girl, I missed you." Tumayo si Trixie pagkakita sa akin sabay beso.

"Miss din kita, Rina." Nakangiting saad ni Angel. Kaya umupo na ako sa bakanteng upuan. "Kakatampo ka dahil ang tagal na natin hindi nagkikita."

"Yeah. Kaya nga itong si Angel palagi inaasar si Chase kung meron bang crush sayo." Natawa na lang ako sa kwento ni Trixie.

"Sorry kung hindi na kami nakakabalik dito kasi naging busy na ako sa school at ganoon rin si dad sa trabaho niya."

"Sinabihan na kami ni Chase na huwag ka bigyan ng stress because you're pregnant. Oh God! I can't believe na si Chase ang ama." Natatawa ulit ako kay Trixie. Wala pa rin siya pinagbabago.

"Oo nga. Parang dati lang inaaway ko iyon dahil naiinis akong sa pagtawag niya sayo ng panget. Hindi ka naman panget noong mga bata pa tayo." Ngumiti ako kay Angel.

"Mabait palagi si Chase akalain mo."

"Mabait naman talaga siya dahil lahat ng empleyado niya ay mga tinulungan niya. May isa siyang empleyado na pinagaral ang anak nito."

"Really? Baka naman ginagawa niya iyon dahil isa siyang sikat na tao." Umiling ako sa sinabi ni Trixie. Hindi ganoon ang pagkakilala ko kay Chase ngayon.

"He's willing to help."

"Ikaw ah." Tumingin ako kay Angel dahil umorder na si Trixie makakain namin. "Hindi mo sinabi sa amin na gusto mo pala maging model."

"Mga maliliit pa tayo ay nagkausap kami ni Chase tungkol sa pangarap namin sa buhay. Gusto niya kasi maging artisita kaya naisip ko na rin ang maging model."

"Umamin ka nga sa amin, Rina." Napatingin ako kay Trixie. Nakabalik na pala siya galing sa counter para umorder. "Kahit noon ba ay may gusto ka na kay Chase?"

"Yes, he is my first love and first kiss."

"First kiss?" Takang tanong ni Angel.

"Ano ka ba, Gel. Boyfriend ni Rina si Chase malamang siya ang first kiss nitong kaibigan natin."

"No, no. He stole my first kiss when we're kids." Napatingin silang dalawa sa akin.

"What? Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Trixie even Angel.

"Yes, he stole my first kiss."

"Wow. Grabe naman iyang boyfriend mo, pre." Natatawa ako sa naging lalaki si Angel.

"Ew. Kadiri ka, Gel. Hindi bagay sayo." Mas natawa ako sa mukha ni Trixie.

"Anyway, ang akala nga namin ni Trixie ay kinalimutan mo na kami noong naging sikat ka ng model."

"Of course not. Kayo ang unang naging kaibigan ko."

"Tapos ang pinasukan mong agency ang pinakasikat ah. Romano Modelling Agency."

"Si Chase ang nagpapasok sa akin doon tapos ang sabi pa niya isa ako sa mga paborito ni David."

"David Romano?" Tumango ako kay Angel.

"Hayst... kahit bakla iyon ay pinangarap kong makita siya sa personal dahil ang gaganda ng mga damit na ginagawa niya. That's why I want to be like him." Sabi ni Trixie habang nangangarap.

"Hindi ba may sarili ka ng boutique?" Tanong ni Angel sa kanya.

"Gusto ko yung rarampa sa stage yung mga gawa kong damit."

"Kung gusto mo ng model I can recommend myself to be your first model. Pagkapanganak ko sa first baby namin ni Chase."

"Naku, Rina. Baka kikita ako pag ikaw ang model ko."

"Ayaw mo noon? Marami ka maging customers at marami rin papagawa sayo pag si Rina ang model mo."

"Sige na nga. Aasahan ko iyan, girl. Anyway, ang balita namin ni Angel ay may mga kapatid ka."

"Yep, I have 3 brothers and 1 sister."

"Wow. Hindi ko alam may balak pala parents mo gumawa ng isang team." Hindi makapaniwalang tugon ni Angel.

"Hindi nga sumakto, eh." Pabiro ko.

"So, what's their name?" Tanong ni Trixie.

"Kilala niyo naman si Kurt tapos sumunod si Elliot then si Kenzo and lastly ang bunso namin si Jamie."

"Alam mo ba yung kapatid ni kuya Mykiel. Yung kambal." Napatingin ako kay Trixie na parang galit sa kambal.

"Oh. Ano meron kay Aiden at Irene?" Tanong ko. Kahit dalawang taon ang tanda ko sa kanilang dalawa ay hindi nila ako tinatawag na ate. Doon yata nagkasundo ang kambal.

"Masyadong prankster si Aiden. Nabiktma na kaya ako noon."

"Ano ang ginawa niya sayo?" Tanong ko ulit.

"Noong pagkabukas ko ng pinto ng classroom ko ay hindi ko alam may trap pala siya. Sakto pagkabukas ko may bumuhos sa akin na kung ano and it was a powder. Napahiya tuloy ako sa buong klase."

"Baka type ka kaya ganoon ang paraan para mapansin mo siya." Sabi ni Angel habang tumatawa.

Mabuti na lang ay dumating na yung inorder ni Trixie kanina kaya kinuha ko yung chocolate mousse.

"Pwes, basted na siya agad sa akin. At saka hindi lang naman ako ang biktima ng pinsan mong iyan, Rina. May upperclass, teachers at iba pang staffs."

"Alam ba ni tito Aizen? O tita Aya ang nangyari?"

"Oo, palagi nga nasa principal's office ang lalakin iyon. Ginawa na yatamg tambayan." Kwento nito habang sumusubo ng cake niya. "Ang layo nga ng ugali niya kay Irene. Kung ano ang sama ng ugali ni Aiden, iyon naman ang kinabait ni Irene. Lalo na si kuya Mykiel."

"Type ko si kuya Mykiel pero ang balita ko ay engaged na daw siya kay Aileen." Komento ni Angel at umiinom siya ng kape.

"Teka. Sinong Aileen?" Kunot noo kong tanong.

"Anak daw ng isang doctor sa ospital ng tito Aizen mo."

"Ang daming doctor doon. Sino doon?"

"Sino nga ulit iyon?"

"Si dr. Alex Murry." Sagot ni Angel.

"Ahh... hindi ko kilala." Sabi ko at tuloy pa rin ako sa pagkain sa cake ko.

"Maka-Ahh ka diyan akala ko pa naman kilala mo." Sambit ni Trixie.

"Parang familiar yung pangalan. O baka naman naririnig ko siya sa tuwing bumibisita kami sa ospital ni tito Aizen. Pero ang unang punta ko doon noong may nangyari kay Chase."

"Yeah, I heard that from news. Naawa nga ako sa kanya, eh."

"Namatay ang mama niya noong may umambush sa kanila." Sabi ni Angel.

"More important ay walang nangyari kay Chase at bumalik ang dating Chase kilala ko. Siya na nga ang tumayong ama at ina ni Cress."

"Saan pala ang papa niya? Missing?" Tanong ni Angel. Kibit balikat lang ako. Wala kasi akong balita kay tito Creed at hindi ko na rin siya nakita simula noong kinasal ang mga magulang ko.

"Iyon kasi ang kwento niya sa akin na siya ang tumayong magulang kay Cress at siya na rin ang nagpaaral sa kapatid pero nakatira ngayon si Cress sa bahay ng uncle nila na kapatid ng mama nila."

"Wala bang naikwento sayo si Chase tungkol sa papa niya?" Tumingin ako kay Trixie nang tanungin niya ako.

"Wala, eh. Mukhang ayaw pagusapan ni Chase tungkol kay tito Creed."

Pagkatapos namin kumain sa cafe at kwentuhan ay nagpaalam na sa akin ang dalawa kong kaibigan dahil si Trixie ay kailangan pa daw niya bumalik sa boutique tapos si Angel hinahanap na daw siya sa kanila.

Fall Into YouWhere stories live. Discover now