Chapter 23

705 24 0
                                    

Ngayon ay babalik kami ng Pilipinas dahil gusto ni Rina magbakasyon kami sa Baguio. Kasama ko nga silang lahat maliban kay Sander at Gelo dahil hindi pa tapos ang academic year kaya hindi pa bakasyon ni Gelo.

"This is Captain Gideon and we're going to take off in a few minutes." Rinig ko ang boses ni Gids. May ganyan pa siya nalalaman eh, kami lang naman itong sakay ng eroplano.

Pagkarating namin sa Baguio ay nag-check in na kami sa isang hotel. Isa kay Gids, isa naman kay Amy at magkasama na kami ni Rina sa isang kwarto.

Pagkarating namin sa kwarto ay maganda dito may king size bed, flat screen tv, banyo na rin, aricon dahil palaging naiinitan si Rina kaya kailangan nakabukas palagi ang aircon.

"Okay na ba yung lamig." Tinapat ko ang isang kamay sa harap ng aircon para alamin kung malamig na.

"Yes, okay na yung lamig."

"Pahinga ka na dahil alam kong napagod ka aa biyahe natin kanina."

Pinapanood ko lang si Rina habang natutulog pero nagpasya na ako maligo dahil naiinitan na ako kahit nakabukas ang aircon. Habang naliligo ay may kumakatok sa pinto ng banyo.

"Chase?" Rinig kong tawag ako ni Rina kaya sinara ko yung shower.

"Yes? May kailangan ka?"

"Matagal ka pa ba? Naiihi na ako, eh."

"Bukas naman ang pinto kaya pwede ka pumasok." Nakita kong bumukas na ang pinto para umihi na si Rina at tuloy ko na ang pagbanlaw ng ulo ko.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako damit bago lumabas ng banyo.

"Ligo ka na at mamaya may pupuntahan tayo kasama yung dalawa."

Pumasok na ulit si Rina sa loob ng banyo kaya lumabas ako sa kwarto para katukin si Gids sa kabilang kwarto.

"Bakit?" Bungad sa akin ni Gids pagkabukas ng pinto.

"Papasyal tayo ngayon. Kaya maligo ka na."

"Okay, tatapusin ko lang yung pinapalabas na Star Wars sa tv."

"Bilisan mo dahil hindi ka namin hihintayin pag mabagal ka." Sabi ko at pumunta na ako sa kwarto ni Amy. Kumatok na rin ako sa pinto. "Get ready dahil papasyal tayo mamaya sa labas."

"Okay." Sabi nito.

Napatingin ako sa paligid ko dahil may dalawang babae ang nakatingin sa akin kaya nginitian ko sila. Mukha kasing narecognize nila ako.

"Omg. Si Chase Nicholson nga!" Sabi ng isang babae.

"Oo nga. Ang swerte natin dahil nakita natin sa personal si Chase. Kyaaa!"

"Chase." Lumingon ako sa kwarto ko kaya lumapit ako kay Rina. Tapos na siya maligo.

"Rina Evergreen ng RMA?" Tumingin si Rina sa nagtawag sa kanya.

"Hello sa inyo." Kumaway si Rina sa mga fans namin.

"Hindi lang si Chase ang nandito dahil nandito rin si Rina. Gosh! Para tuloy ako nanalo sa lotto nito dahil nakita ko ang dalawang idol ko.."

"Pwede papicture?" Tanong ng isang babae.

"Sure." Sagot ko. Kaya kinatok ko ang pinto ng kwarto ni Gids. "Tapos na ang panonood mo ng Star Wars?"

"Yup, tara na."

"Before that..." Binigay ko sa kanya yung cellphone ng fan namin. "Kuhanan mo kami ng picture."

"Kung alam ko lang na ganito ang papagawa mo sa akin ay sana nag-photography na lang ako."

"Ang dami mo pang sinasabi diyan." Natatawang saad ko. Pumagitna na siya sa amin ni Rina.

"Okay. 1, 2, 3... say cheese!" Narinig ako ang click sound at binalik na ni Gids ang phone niya.

"Ako rin." Binigay naman ng isa ang kanyang phone kay Gids at pumuwesto sa gitna namin.

"Okay, smile."

Binalik na niya ang phone sa isang babae at sakto ang paglabas ni Amy kaya nagpasyal na kami ngayon.

"Saan tayo ngayon pupunta?" Tanong ni Gids.

"Hmm... Mine's View." Sagot ko.

"Hindi ba mapapagod ako doon?"

"You're right. Sa Burnham Park na lang tayo."

Medyo malayo layo rito ang Burnham Park kaya nagtawag na kami ng taxi at hindi pwede mapagod si Rina. Sinabi ko na sa driver na pupunta kami sa Burnham Park.

Nang nakarating na kami ay binayaran ko na yung driver at bumaba na kaming lahat sa taxi.

"Wow. Ang ganda naman dito." Kitang kita sa mukha ni Rina ang saya.

"Ngayon ka lang ba nakarating sa Baguio?" Tanong ko kay Rina.

"Oo. Busy kasi ako sa pagalaga sa mga kapatid ko tapos hinihintay ko yung resulta sa inapplyan ko noon sa Italy. Pero kung bibisita tayo sa amin ipapasyal kita sa Sydney kahit rin sa Melbourne, marami rin magagandang lugar doon."

"Sure. Aasahan mo iyan."

"Chase, maghiwalay lang muna ako sa inyo ah pero babalik rin naman ako." Paalam sa akin ni Gids.

"Sige, tatawagan na lang kita kung saan tayo magkikita."

"Chase, ako rin. May gusto kasi ako puntahan." Paalam rin ni Any sa akin.

"Okay. Basta magiingat na lang kayo."

Pagkaalis ng dalawa ay hinila ako ni Rina.

"Kuhanan mo naman ng pictures dito." Nilabas ko ang phone ko para kuhanan ng pictures si Rina. Iba't ibang pose ang ginagawa niya.

"Gusto mo ng selfie with your handsome boyfriend?"

"Sige. Para naman may picture tayo magkasama." Kumuha na ako ng picture namin na magkasama at yung pose namin ay gumawa ng heart shape. Yung half sa kanya tapos yung isang half akin, ganoon na iyon.

Ang dami na namin pinuntahan ngayong araw kahit ang Botany Garden. Kinuhanan ko nag picture si Rina sa entrance ng Botany Garden sa may logo.

Pagkatapos namin lumibot ay napagod na si Rina kaya pumunta kami sa malapit na restaurant.

"Kakapagod pala." Sabi ni Rina.

"Wait lang ah. Tatawagan ko lang yung dalawa para alam nila kung saan tayo ngayon." Tumango si Rina kaya kaya una kong tinawagan si Gids, sunod si Amy at sinabi ko sa kanilang pareho kung saan kami.

"Order na tayo para pagdating nilang dalawa ay may pagkain na."

Nagorder na ako ng makakain naming apat at sakto naman ang dating nina Gids at Amy. Hindi lang iyon dahil magkasama ang dalawa. May something, eh.

"Kapagod talaga ang maghanap ng magagandang babae dito." Tinaasan ko ng isang kilay si Gids. Kaya ba siya humiwalay para maghanap ng babae? Ibang klase talaga ang lalaking ito.

"Akala ko ba may special someone ka na tapos naghahanap ka na ng iba."

"Maybe she is special pero special rin ba ako sa kanya?" Ang akala ko ay nakatingin siya kay Amy pero hindi pala dahil dumating na yung mga order namin. "Wow. Ang sasarap naman."

"The dumpling is not yours. Kay Rina iyan."

"Kuha ka kung gusto mo, Gideon."

"Thank you, Rina." Kumuha ng dumplit si Gids sabay sawsaw sa toyo bago kainin.

"Um, excuse me." Tawag ko sa isang waiter na dumaan sa table namin.

"Yes, sir?"

"Pwede mo ba kami kuhanan ng picture?"

"Okay po." Binigay ko sa kanya ang phone ko para kuhanan kami ng picture. Pagkatapos ay binalik na niya sa akin ang phone ko.

"Thank you."

Nagsimula na rin kami kumain at nakikita kong enjoy na enjoy si Rina sa pagkain. Ngumiti ako sa kanya.

Fall Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon