Chapter 22

702 23 0
                                    

Sawakas tapos na rin ang ginagawa naming movie at wala na rin naging problema. Hindi katulad noon nasira ang ilang props na gagamitin.

"I missed you, my king." Napalingon ako noong marinig ko ang boses ni Rina at ngumiti ako, isang malawak na ngiti.

"I missed you too, my queen." Niyakap ko siya dahil sobrang miss ko na siya. "Pagod ka ba? Pahinga ka na muna sa taas."

"I'm fine. Kahapon pa kasi nakauwi kami ni kuya Sander pero nagpahinga na muna kami kaya ngayon lang kami nakauwi." Sabi niya pero hindi na ako sumagot dahil siniil ko na siya ng halik.

"Bukas magbabakasyon tayo."

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan mo gusto pumunta."

"Marami akong gusto puntahan pero hindi naman ako makaleave sa trabaho dahil busy."

"I will talk with David later para payagan ka niya." Sabi ko sabay kindat.

"Pero tapos na ba ang ginagawa niyong movie?"

"Yep, tapos na rin siya kahapon at naging maayos rin ang lahat."

"That's great."

"Stress na rin ako sa trabaho kaya pinagbakasyon na muna ako ni Amy."

"Where is she?"

"Nasa bahay siguro niya." Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad papunta sa kusina. "Baka hindi ka pa kumakain."

"No, I'm fine. Bago ako pumunta dito ay kumain na ako. Medyo halata na rin naman ang tyan ko kaya hindi ako pwede magpagutom. Napapagalitan ako ni kuya Sander pag napapalipas ako." Natatawa ako sa kwento ni Rina. Ganyan iyan si Sander pag nalaman niyang hindi pa ako kumakain ay sinesermunan niya ako kaya palagi hindi ko sinasabi sa kanya na hindi pa ako kumakain.

"You should eat more. Ayaw kong magutom kayo ng baby natin." Inabutan ko siya ng tinapay. "Baka naman gusto mo ng pasta. May spaghetti sa loob ng ref."

"Saan galing? Gawa mo?"

"Inuwi ni Gids kagabi at ang sabi pinauwi daw sa kanya ng isa niyang babae."

"Gideon is a womanizer?!" Hindi makaniwalang tanong ni Rina.

"Yep, he is a womanizer."

"Chicks magnet kasi ako kaya habulin ng mga sexy at magagandang dilag." Napalingon kami ni Rina sa likuran noong may nagsalita.

"Kapal din ng mukha ng lalaking ito. But what are you doing here? Makikikain ulit?"

"Yep. Alam mo naman iyan ang ginagawa ko kaya nandito ako sa bahay mo." Umupo na siya sa kabilang side ng table, so nasa harap namin siya. "Where's the spaghetti?"

"Kay Rina na iyon."

"Okay. Sabi mo, eh."

"No. Sayo iyon binigay, Gideon kaya ikaw ang kumain." Sabi ni Rina.

"Aw, sweet ni Rina. Hindi katulad ni Chase..." Tinaasan ko siya ng isang kilay nang tumayo na siya para kunin yung spaghetti sa ref.

"Gusto mo iparating sa akin na maramot ako? Gusto mo yata bawiin ko sayo yung bahay kung saan ka nakatira." Mabilis naman itong umilis. Takot kasi si Gids nawalan ng bahay kaya ganyan at wala rin siya mauuwing babae kung wala siyang bahay. Nagpapadala pa rin siya ng pera sa pamilya niya dahil may pinagaral pa siyang kapatid.

"Pagamit na rin ng kalan para mainit ko na itong spaghetti ah. Thank you." Hindi pa nga ako pumapayag dahil ang bilis ng pangyayari. Wala na ako magagawa dahil ginagamit na niya yung kalan. "Actually ayaw ko talaga ng spaghetti."

"Oh, bakit mo gusto kainin?" Tanong ko sa kanya.

"Special kasi ang nagbigay ng spaghetti sa akin." Kahit nakatalikod sa amin si Gids ay alam kong namumula siya dahil pulang pula ang tenga nito.

"Chase." Nilingon ko ang likod noong may tumawag sa akin. It was Amy and is she blushing too?

Binaling ko ang tingin ko kay Gids then kay Amy. Paulit ulit ako nakatingin sa dalawang ito. Parang may something. Ah, ewan..

"Oh. Amy, kain." Pag alok ni Gids habang hawak ang kawali na may spaghetti.

"Salamat sa pag alok. Tapos na kasi ako kumain."

"Sayang. Mukha kasing tapos na si Chase kumain kaya wala na akong kasabay." Tinaasan ko ng isang kilay si Gids.

"Malaki ka na kaya hindi mo na kailangan ng kasabay." Binaling ko ulit ang tingin ko kay Amy. "Ano pala kailangan mo?"

"Naayos ko na ang schedule mo today until next week kaya wala ng problema. Nakausap ko na rin si direk na hindi ka makakapasok until next week at pumayag naman siya."

"That's great! You're the best manager, Amy." Niyakap ko siya dahil maayos na ang schedule ko. "Kakausapin ko lang si David para payagan rin si Rina."

"Alam ko naman may gusto sayo iyon, eh. Kaya sigurado akong papayag yun agad." Natatawa ako sa sinabi ni Amy. Hindi naman sa ganoon.

"Hindi naman ganoon. Malaki ang tinulong ko sa RMA noon kaya kahit anong usap ko sa kanya ay pumapayag agad."

Nang dahil sa akin kaya naging sikat ang RMA. Naging model rin nila ako noon pero saglit lang para sa ginagawa kong project and I chose their agency than other agencies. Kaya ito #1 na ang RMA dahil sa akin hanggang ngayon.

"David, posso chiedere il permesso di Rina alla prossima settimana?"

"Sì, sì. Tutto per te e Rina è uno dei miei modelli preferiti."

"Grazie."

"Prego."

Binaba ko na yung tawag at sakto naman ang dating ni Rina sa kwarto namin.

"Nalaman ko na isa ka sa mga paborito ni David ah." Sabi ko na may ngiti sa mga labi ko.

"Huh? Hindi ko alam."

"Kinausap ko na si David tungkol sa leave mo at pumayag na siya. Nabanggit rin niya na isa ka sa mga paborito niyang model."

"Talaga? Totoo pala ang sinabi ni Amy kanina."

"Hindi. Malaki lang tinulong ko kay David noon kaya ganyan siya hanggang ngayon."

"Kaya pala nakapasok ako agad sa RMA dahil malakas ka sa kanya."

"Wala akong ginawa. Ni hindi ko nga siya pinilit papasukin ka... ang ginawa ko lang naman ay pinakita sa kanya ang performance mo at nagustuhan naman niya. Magaling pumili si David kaya hindi siya papayag na may model siya na hindi professional. Mukhang nakita niya iyon sayo."

"Pero salamat dahil tinulungan mo ko sa pangarap kong ito."

"I'll do anything for you, Rina. Gusto ko maging masaya ka dahil pag makita kitang masaya ay masaya na rin ako."

"Pero bakit pala sinabi mo sa media ang tungkol sa atin? At tungkol rin sa pagbubuntis ko?"

"Why not? Kahit hindi ko sabihin sa kanila ay malalaman at malalaman pa rin nila ang katotohanan. Kahit rin sa pagbubuntis mo. Magkasama tayo sa isang bahay siguro nalaman nila na may relasyon tayo."

"Katulad mo ayaw ko rin pinagkaguluhan ako."

"Don't worry, as long as you are with Sander ay walang media ang makakalapit sayo."

"Pero paano ka?"

"I will hire another bodyguard."

"Pero si kuya Sander ang pinagkakatiwalaan mong bodyguard."

"Exactly. Kaya nga sayo ko binigay si Sander dahil alam kong babantayan ka niya ng maigi like what he did for me. And no more question dahil paulit ulit lang itong conversation natin."

~~~~

2 months pong umalis si Rina sa puder ni Chase kaya bakat na ang umbok ng tyan niya.

May ibang chapters ako na sunod-sunod pero meron rin hindi. Depende sa mood at ideya ko.

-Skye

Fall Into YouWhere stories live. Discover now