Chapter 6

959 30 0
                                    

Nagising ako ng maaga para magapply ng ibang trabaho kahit ang gusto ko ay maging sikat na model sa Rome pero hindi ko naman pwedeng suwayin ang gusto ng mangulang ko especially dad. Gusto lang naman niya na makasama kaming lahat.

"Good morning, ate." Narinig kong bati ni Kurt. Ngumiti ako sa kanya.

"Good morning. Ang aga mo naman magising ngayon. Maghahanap ka rin ba ng trabaho ngayon?" Tanong ko. Since Kurt is 5 years younger than me and he already graduated. Matalino ang kapatid kong ito kaya walang kumpanya ang tatanggi sa kanya. But Elliot ay 4th year high school, Kenzo ay 2nd year high school and Jamie naman ay grade 6. Lahat kami magkakapatid ay matatino kaya may honors palagi kami lalo na ako. Graduate rin ako ng college na may cum laude. Kahit marami may gusto mangligaw sa akin pero hindi ako pumapayag dahil pagaaral na muna ang inaatupag ko kaya nga ito ako ngayon NBSB ako, No Boyfriend Since Birth.

"Yep. Ang dami ko kasi pinagpipilian ngayon. Hindi ko tuloy alam kung alin sa mga kumpanya ang aaplyan ko. Kaya susubukan ko na lang lahat at kung alin doon ang pasado ako ay doon na lang ako magaapply sa kanila."

"I see. Good luck." Nilapag ko na ang niluto kong agahan sa table para makakain na siya. "Kain ka na tapos maligo ka na rin."

"Okay, ate."

Nakikita kong bumaba na rin ang mga kapatid ko para kumain na ng agahan. Ako kasi ang nagluluto ng agahan nila at nagaayos ng baon ni Jamie. Ayaw kasi gumastos ng kapatid kong ito sa canteen nila.

"Good morning, ate." Sabay nilang tatlo. Ngumiti ako sa kanila.

"Good morning sa mga gwapo at maganda kong kapatid. Kain na kayo para hindi malate sa klase."

"Ate, hindi mo ba pipilitin si dad na pumayag para makapagtrabaho ka sa Italy?" Tanong ni Kenzo sa akin.

"Kung ayaw ni dad na payagan ako ay ayos lang sa akin. Maghahanap na lang ako ng iba para makatulong sa kanila." Nakangiting sagot ko sa kapatid ko.

"Kapag nagkaroon na ako ng trabaho ay tutulungan na kita, ate."

"Asa ka pa, kuya Kurt. Wala ngang tumatanggap sayo." Sagot naman ni Jamie.

"Tumigil ka, imp at hindi naman susuko hanggang matanggap ako sa lahat na inaapplyan ko."

"Ate oh! Si kuya Kurt tinawag akong imp."

"Kurt.." Saway ko sa kapatid ko.

"Cute na imp." Sabi ni Elliot sabay kurot sa pisngi ni Jamie.

"Ang sama niyo ni kuya Kurt, kuya Elliot. Mabuti pa si kuya Kenzo." Magmumuktol ni Jamie at niyakap ang braso ni Kenzo.

"Huwag niyo awayin si Jamie. Kumain na lang kayong apat at baka mahuli pa kayo sa klase niyo at ikaw Kurt baka anong oras ka pa makaalis ng bahay." Nakita kong pumasok na sa kusina si dad at kumuha ng isang tasa para magtimpla ng kape. Coffee is life daw.

"Good morning, dad." Sabay nilang apat.

"Good morning, daddy." Nahuli lang ako ng kaunti sa mga kapatid ko.

"Morning." Ngumiti sa amin si dad. Kahit may edad na si dad ay hindi halata sa mukha niya. Mukha siyang bata pa. "Anyway, Rina..."

"Bakit po?"

"Doon sa gusto mong magtrabaho sa Italy as a model ay napagisipan ko na kanina."

"Pumapayag na po ba kayo?"

"Yes." Napangiti ako sa sagot ni dad. Pumapayag na siya. Yay! Niyakap ko na rin siya sa sobrang tuwa ko. "Pero pag nandoon ka na ay huwag mong kalimutan na tawagan kami dito sa bahay."

Fall Into YouOn viuen les histories. Descobreix ara