Chapter 16

736 24 0
                                    

I call Gids hindi dahil babalik na kami sa Italy pero gusto ko na muna bisitahin at kamustahin si Cress. Matagal tagal na rin ang pagbisita ko sa kapatid ko.

"Chase!" Sinalubungan niya ako ng yakap kahit hindi kami ganoon nagkikita ay hindi pa rin nawawala ang closeness namin. Alam kasi ni Cress na busy ako sa career kaya bihira lang ako umuwi.

"How are you, my little brother? Hindi ka naman siguro pasaway habang wala ako, no?"

"Of course not! Hindi ako pumapasaway kay uncle Buck. Palagi ko nga siya tinutulungan kung hindi ako busy sa homework ko." Kwento niya sa akin. Kasing edad lang ni Elliot si Cress pero buwan lang ang tanda ng kapatid ko kay Elliot. "Ikaw? Tagal mo na hindi nagpapakita sa tv ah. Nakakasawa na kaya ulitin yung mga dati mong palabas."

"Sorry, busy lang si kuya ngayon dahil may aasikasuhin pa ako pero babalik ulit ako at magkakaroon ulit ng bagong palabas."

"But I'm always your #1 fan ah, kuya." Napangiti ako sa kapatid ko.

"Of course, you always be my #1 fan, Cress." Napansin kong lumingon sa likuran ko si Cress at ngumiti ng malawak itong kapatid ko, nilingon ko na rin para alamin kung sino tiningnan ng kapatid ko. Si Rina lang pala.

"Sino siya, kuya?" Binaling ko ulit ang tingin ko kay Cress.

"Si Rina."

"Ah, yung palagi mong kinukwento sa akin noon na gusto mo siyang hanapin."

"Rina, this my younger brother. Cress."

"Hi." Nakangiting bati ni Rina.

"Hello."

"Cress, nandito ba si uncle Buck."

"Yep, nasa kitchen siya ngayon."

"Okay." Hinawakan ko ang kamay ni Rina at pumunta kami sa kusina. "Uncle Buck."

"Oh, Chase. Kailan ka pa nakauwi?"

Siya si James Fernandez, younger brother ni mama. Ang sabi ng ibang nakakilala sa kanya ay loko-loko daw siya noong kabataan niya at siya na lang ang natitirang pamilya namin. Wala yata balak magkaroon ng asawa dahil sa pagaalaga kay Cress. Nakakahiya na nga kay uncle Buck.

"Yesterday lang po." Lumingon ako kay Rina pero binalik ang tingin kay uncle Buck. "Si Rina po pala."

"Rina?"

"Evergreen, uncle. Pamangkin siya ng kaibigan niyo."

"Wala naman naging kapatid si Aizen ah. Paano siya nagkaroon ng pamangkin?"

"Ugh. Sa pinsan, uncle."

"Oh. Si Enzo. Oo nga pala noong nagkita kami ay ang sabi niya sa akin kasama niya noon ang mag-ina niya."

"Yes, si Rina po ang anak ni tito Enzo."

"Kilala niyo po ba si daddy?"

"Oo, kilalang kilala ko si Enzo. Siya ang pinaka kuya sa grupo namin dahil siya ang pinakamatanda."

"Hmm..." Tumango tango lang ng ulo si Rina.

"Uncle, dito po muna si Rina habang may inaasikaso ako ngayon."

"Pwede naman pero sa kwarto mo na lang siya dahil iyon na lang ang available."

"Okay lang." Nagpaalam sa akin si Rina na sa sala na muna siya kaya tumango ako sa kanya. "Um, may kilala ba kayo na magaling na abogado?"

"Meron naman, pero bakit kailangan mo ng magaling na abogado?"

"Tutulungan ko si Sander makuha ang anak niya sa dating asawa nito."

"Kaya pala bumalik ka dito." Tumango ako kay uncle Buck pero may binigay siya sa aking contact number. "Tawagan mo na lang sa law firm niya."

"Ano pangalan, uncle?"

"Atty. Caleb Tan. Magaling na abogado si Caleb kaya pwede niya kayo tulungan."

"Thank you."

Pagkalabas ko ng bahay ay pinuntahan ko si Sander dahil nasa van lang siya.

"Kamusta, Chase?" Tanong niya sa akin. Kinakamusta lang niya kung may nahanap na ako ng abogado na tutulong sa kanya.

"May binigay si uncle Buck na pwede tumulong sayo." Inabot ko sa kanya yung contact number na binigay sa akin ni uncle Buck. "Tawagan mo na lang siya para makausap ka niya at alamin ang lahat."

"Atty. Caleb Tan? Eh, sobrang magaling na abogado ito at paniguradong malaki ang bayad sa kanya."

"Huwag mo isipin ang gastos sa abogado. Ako na bahala doon."

2 months later...

Hindi makausap ni Sander yung nakuhang abogado dahil palagi busy ang schedule niya pero nitong nakaraang araw ay nakausap na rin niya at ngayong araw ay ang hearing sa korte.

Pumunta rin ako sa korte para alamin ang nangyayari pero malakas ang laban namin dahil marami nakakita kung paano saktan si Gelo ng mga lalaki ng ina niya pero kulang pa rin ang ebidensya para matapos itong hearing.

"Ayos lang iyan, Sander. Hindi pa naman dito nagtatapos ang lahat."

"Sana nga po maipanalo ni papa ang laban." Sabi ni Gelo. Mukhang ayaw na rin siya makasama ang kanyang ina at napapansin ko lang din na puro pasa ang pisngi niya, talagang binubogbog siya pero hindi pa daw sapat ang mga pasa ni Gelo sa mukha baka daw ay gawa gawa lang ng bata iyon.

"Huwag kayo magaalala gagawin ko ang lahat na makakaya ko para maipanalo lang ang kasong ito." Sabi ni atty. Tan.

"Salamat po, attorney."

"Dahil wala pa naman sa tamang edad si Gelo ngayon kaya pwede natin sila kasuhan ng child abuse. Malaki ang pagasa natin."

"Kung ganoon ba pwede na sa akin mapunta ang anak ko?"

"Yes, mr. Arcilla."

"Gelo, lalaban tayo hanggang sa huli ah. Pangako makukuha kita pagkatapos nito."

"Pero sabi ko nga sa inyo noon na hindi biro itong pinasok niyo dahil kung wala tayong witness ay pwedeng matalo rin tayo."

"Si Alfred at Gellie. Nakita nila kung paano ako bugbugin ng lalaki ni mama."

"Give me their contact number at ako ang kakausap sa kanila para tulungan ka sa kasong ito." Binigay ni Gelo ang contact number ng mga kaibigan niya kay atty. Tan. "Magkita na lang tayo sa susunod na hearing."

"Attorney, pwede po ba kay papa na lang ako sumama? Natatakot na kasi ako sa susunod na mangyayari, eh."

"I understand but I'm sorry hanggang hindi pa natatapos ang hearing ay hindi ka pwede tumira kasama ang papa mo."

"Siguro naman pwede siya tumira sa akin pagsamantala, no? Ako rin ang nagpapaaral sa batang ito."

"Kuya Chase, natatakot na po ako bumalik sa school baka pumunta sila doon."

"Don't worry, kapag naipanalo natin itong kaso mo ay isasama ka namin sa Italy at doon kita pagaaralin." Nakangiting saad ko habang ginugulo ang buhok ni Gelo.

"Kasama po ba si papa?"

"Oo naman. Ang papa mo ang driver at bodyguard ko."

"So, you're Chase Nicholson." Tumingin ako kay atty. Tan.

"Yes, ako nga."

"Hindi kita nakilala agad dahil iba ang itsura mo sa tv kumpara sa personal."

"Nakadisguise lang ako dahil ayaw kong pinagguguluhan ng mga fans ko."

"I see. Fan mo rin ang asawa ko kaya minsan ay nagseselos ako dahil walang mukhang bibig iyon kundi ang pangalan mo." Natawa na lang sa sinabi ni atty. Tan. Sanay na rin ako sa mga ganyan.

~~~~~

Sino kaya ang asawa ni Caleb? Hmm...

Clue: Babae po siya

Char. 😂

Malamang babae ang asawa ni Caleb. Hahaha

-Skye

Fall Into YouWhere stories live. Discover now