Chapter 17

739 25 0
                                    

Rina's POV

Napaisip ako bigla dahil 2 buwan ko na rin kasama si Chase at wala na rin akong balita kay Stefan kahit alam kong misyon siya ni Chase. Dahil 2 buwan na rin ay hindi natuloy ang kasal ko kay Stefan kasi hindi ko kayang makita si Stefan pagkatapos makita ko naghahalikan sila ni Georgina. Masakit man aminin pero iyon ang totoo.

"Chase." Lumingon sa akin si Chase, nakauwi na siya.

"Bakit?"

"Saan ka galing?"

"Korte. Sabi ko nga sayo kanina na tinutulungan ko si Sander makuha si Gelo."

"Sinong Gelo?" Naguguluhan ako dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon. May nabanggit si kuya Sander na may anak siya baka anak niya yung Gelo.

"Anak ni Sander si Gelo." Sagot niya. Tama pala ako.

"Musta naman ang hearing?"

"Naging maayos naman pero hindi pa sapat ang ebidensya para manalo sa lahat na hearing but atty. Tan will do anything for this case." Tumango tango ako sa kanya dahil sa totoo lang wala ako maintindihan kahit yung kaso na pinaglalaban nila sa korte ay hindi ko alam.

"Anyway, pupunta pala ako sa ospital."

"Why?" Sumalubong ang mga kilay nito. "May masakit ba sayo?"

"May bibisitahin lang ako. Medyo may naalala ako kanina na parang may kamag anak akong doctor."

"Gusto mo samahan kita?" Mabilis akong umiling.

"Kaya ko na ang sarili ko, Chase. Babalik rin naman ako agad."

"Okay, basta magiingat ka na lang ah." Tumango ako kaya hinalikan niya ako sa labi. Isang smack kiss.

Nang nakarating na ako sa ospital ay nakaramdam ako na parang bumaliktad ang sikmura ko kaya nagmamadali akong pumunta sa female's rest room at mabuti na lang may bakanteng public cubicle kaya pumunta na ako doon. Pagsara ko ng pinto ay nilabas ko ang lahat na kinain ko kagabi o kanina. Kaninang umaga pa ako ganito, ang akala ko nga magiging maayos ang pakiramdam ko pagtinulog ko pero hindi. Ganoon pa rin ang pakiramdam ko. Pagkatapos ko sumuka ay flinush ko ang inidoro bago lumabas at hinugasan ko na ang bibig ko. Pagkalabas ko ay may nakita ako na parang familiar sa akin pero hindi ko maalala.

"Mykiel, what are you doing here?" Tanong ng isang matandang lalaki. Sa tingin ko nasa 40's lang siya.

"Dad, meron akong internship ngayon." Sagot naman ng kausap niya.

"Oh God! Sorry, son nawala sa isip ko ang tungkol sa internship mo. Ang dami ko kasing pasyente."

"Lagi na lang kayo busy sa mga pasyente niyo. Alam niyo naman pong kailangan ko grumaduate, dad. Gusto ko na maging doctor!"

"Don't shout, young man. You're in the hospital."

"Paano naman po ako hindi sisigaw dahil ilang balik na ako sa ospital niyo at hindi ko matyempuhan ang schedule niyo."

"Last na talaga ito. By tomorrow tuturuan na kita. Okay?"

"Fine."

"Para talagang mama mo, Mykiel. Pareho kayo ng ugali."

Mykiel? Saan ko ba narinig ang pangalan na iyon?

"Hindi mo ba alam na nirerespeto dapat ang mga babae, hindi inaaway o binubully."

"Ayos ka lang? Mabuti na lang nakita ko kayo kanina. Anyway, huwag ka matakot sa akin."

"Ako nga pala si Eizen Mykiel. Pero pwede mo kong tawaging kuya Eizen o kuya Mykiel, ikaw na bahala. Ikaw ano pangalan mo?"

Fall Into YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя